Chapter Fourteen

8 0 0
                                    

Kinabukasan. Bandang alas otso ng umaga. Naalimpungatan si Matthew sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone.

Napabalikwas siya sa kanyang hinihigaan. Kinuha niya ang phone. Hindi na niya naabutan ang tawag. 26 missed calls! From an unknown number. Overseas? At may message. Iniopen niya ang inbox.

" Please check your email and read." Ang nakasaad sa message.

Hi!

This is Criselda,  Bridgette's closest friend here in Ireland. Before she died a month ago, she asked me to write just to tell you how she dearly loved you.  Am really, really sorry of your loss! She did fight but the time has come for her to leave the world. It hurts me so terribly knowing that both of you undergone surrogacy.

Please take good care of your baby, Matthew. The gift that Bridgette left for you.

By the way, the name of the surrogate mom was Randee.

Hoping you all the best. Be strong for the sake of your coming child. God bless!

Parang ibig na niyang mapanawan ng ulirat! Nanginginig ang kanyang mga kamay at nabitawan ang kanyang phone. Hindi niya lubos maisip ang lahat lahat. Hindi niya namalayan ang mga luhang nag-uunahang umaagos sa kanyang mga mata. Si Randee! Ang kanyang Randee! Hindi siya makapaniwala. Napasigaw siya ng ubod ng lakas.

Nataranta naman si Nana Impiang sa narinig. Kaya agad na pinuntahan ang kanyang alagang naghihinagpis.

" Diyos Mio! Ano'ng nangyayari sa iyo bata ka ha?"

" Nana!" Tuluyan nang napahagulhol ang binata saka yumakap sa matanda. Naghahanap ng masasandalan sa bigat na kanyang dinadala ngayon.

" Ano bang nangyayari sa iyo?"nag-aalalang tanong nito.

" Nana, anak ko ang ipinagbubuntis ni Randee!"

Napatda ang matanda sa narinig. Saka niyaya ang binata na maupo sa kama. Pati rin siya napaluha na.

" M-Matthew, nagkasala din ako sa iyo. Kaya patawarin mo ako."

" Anong ibig mong sabihin, Nana?" Kinakabahang tanong naman ng binata. Maang napatitig na lamang ito sa matanda.

Kapwa sila naupo sa kama at nag-usap ng masinsinan. Panay ang iyak ng matanda habang nagsasalita. Mataman naman na nakikinig sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng matanda ang binata. Hindi siya makapaniwala sa lahat na narinig niya. Masakit man isipin na wala na si Bridgette. Pero mas nasasaktan siya sa pag-alis ni Randee dahil sa kagagawan na rin niya, nadamay pa ang kanyang anak!

Hindi niya mapigilan ang umiyak uli. Galit siya sa kanyang sarili. Napahanga siya sa katatagan ng dalaga. Talagang ginawa nito ang lahat para sa kanya. Isinakripisyo nito ang sarili nang dahil lang sa kanya. Nang dahil sa pagmamahal.

Ngayon litong-lito siya. Naroon ang excitement at takot. Papano niya ito pakikiharapan? Papano niya ito hahanapin? Hindi niya lubos maisip, ang babaing wala man lang kaalam alam sa relasyo , ni hindi man lang nagka boyfriend, walang alam sa relasyon , hindi man lang nag-atubili na isakripisyo ang sarili. Ngayon siya nakokonsensya sa lahat ng kanyang pinaggagawa.

" Nana, aalis po ako. Hahanapin ko si Randee. Baka mapano na siya. Baka mapano ang baby...ang b-baby namin!" Namumulang sambit ng binata.

" Mag-iingat ka  iho. Sana matagpuan mo sila. Sana okey lang sila." Garalgal ang boses ng matanda.

Uminom lang ng kape si Matthew saka umalis na ng bahay. Lulan ng kanyang kotse ay paharurot itong nagpatakbo.

Unti-unti nang nagsink-in sa kanyang isipan ang lahat lahat. Sa una palang  alam na ni Bridgette kung sino ang surrogate. Ngunit bakit hindi ito nagtapat sa kanya? Bakit wala man lang itong sinabi? Kung pumayag sana siyang makilala kung sino ang surrogate di sana noon una pa niya alam na si Randee pala!

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now