Nagulat ang Kiamco oil company sa biglang pagkawala ni Randee. Di na ito nagreport ng iilang araw sa project site. Di na rin nila makontak ito. Labis na ang pag-aalala ni Mr. Rodriguez. Tiyak niyang napahamak ang inhenyero. Kaya ipinaalam niya sa may ari ng kompanya. Nagkaroon ng closed-door meeting.
" Ikaw ang kahuli-hulihang nakasama ni Mandaya noong araw ng kanyang pagkawala, Eula." Mahinahon na salita ni Mr.Quiamko
Balisang-balisa si Eula. Mag-iisang linggo na hindi pumapasok si Randee.
" Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Mandaya, Sir."
" So, may alam ka nga sa kanyang pagkawala?" Galit na usisa ni Mr. Rodriguez.
" W-wala po akong alam sa mga pangyayari!" Naiiyak na wika ng sekretarya.
" May nakakita sa iyo, iha nandoon ka sa project site!" Gigil na wika na naman ni Mr. Rodriguez.
Bago nakasagot si Eula ay bumukas ang pintuan ng conference room. Dumating ang trabahante na huling nakausap ni Mandaya at ikinuwento ang buong pangyayari. Nandoon kasi siya nang sundan ng dalawang kotse ang sasakyan ni Mandaya. At ipinagtapat rin niya na pumunta nga sa project site ang kanilang sekretarya.
Ang abogado na ng kompanya ang bahala mag asikaso sa lahat ng mga pangyayari. Magpapatawag na lang sila kung sino man ang maaaring connivance sa mga pangyayari at tiyak na kaparusahan ang ipapataw kapag mapatunayan ito.
Samantalang sa probinsiya...
Kagagaling lang ni Randee sa tabing dagat ng hapong iyon.
" Nana Impiang, ba't ang daming pinamiling mga gamit? Daming plastics nito? takang tanong ng dalaga.
" Ay, dong pinamili lahat yan ni Sir Matthew, para sa iyo lahat yan. Paulit ulit na daw yong mga damit mo." Paliwanag ng matanda.
" Oh, my! Ok lang naman po sa akin ,Nana kahit di na ako bilhan. Total di naman ako magtatagal dito. Nakakahiya na talaga. Ayokong maging pabigat sa inyong lahat dito."
" Naku, dong. Hinding-hindi ka pabigat dito. Ipinaliwanag na sa amin ni Sir Matthew ang tungkol sa iyo. Huwag kang mag-alala.
" E, si Matthew nasaan po?" Di kasi niya nakita.
" Hayun, bumalik ng Cebu. Magkikita sila ng girlfriend niyang si Bridgette."
"Inihabilin ka sa amin ng Nana mo, dong. Daming mga instructions ibinilin sa amin ni Sir Matthew." Si Tata Dinggo. Nasa bungad ng pintuan may dalang malalaking isda.
Napatango na lamang ang dalaga at kinuha ang mga plastics at inilagay sa kuwarto. Muli itong bumaba para tumulong sa kusina.
" Nana, tulungan ko na po kayo sa pagluluto!"
" Diyaskeng batang ire! Kami na bahala dito ng Tata mo. Kaya na namin ito. Baka mapagalitan pa kami ni Sir Matthew."
" Naks, Nana naman? Sanay po ako sa trabahong pambahay. Marunong po akong magluto, manglaba, magsibak ng kahoy, trabahong pang-construction alam ko po. Baka di niyo alam.! Natatawang wika ni Randee. Ramdam na ramdam niya na aliw na aliw sa kanya ang dalawang matanda.
Napailing na lamang ang matandang lalaki sa tinuran ng kanilang bisita. Napangiti. At nag.imagine na naman na sana may anak lang sila ni Impiang. Kaso di pinalad dahil sa kanyang diperensya.
Napansin iyon ng kanyang maybahay.
" Dinggo, ano naman ang iniisip mo?" Bigla kang natahimik diyan?"
" Tata, may problema ba? " Maang tanong ng dalaga.
" W- wala dong. Okey lang ako." Agad na sagot ng matandang lalaki.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.