" Randee, Matthew!" Si Nana Impiang. Hindi magkandatuto sa pagbukas ng gate. Sobrang galak nitong umuwi si Matthew na kasama ang dalaga at nandiyan na si Baby Matt.
" Nana Impiang,Tata Dinggo. Na miss ko po kayo!" Natutuwang salita ni Randee. Karga-karga nito si Baby Matt habang inaalalayan naman siya ni Matthew.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay kaagad na kinarga ni Nana Impiang si Baby Matt. Mahimbing itong natutulog.
Samantalang si Matthew, inakay sa terrace ang dalaga.
" You are home now, Sweetie." Seryosong wika ng binata. Hinahawakan nito sa magkabilang balikat ang dalaga.
" Matthew!" Halos pabulong na sambit nito.
" I love you, Randee. Noon pa, nang mailigtas kita sa mga kaaway mo. Nang maisakay kita sa kauna unahang pagkakataon sa kotse ko at nailayo kita sa mga taong halang ang kaluluwa. You are my heart' s passenger na kailanman di na kita mabura sa puso ko. Lalaki man ang pagkakakilala ko sa iyo noon pero iba naman ang isinisigaw ng puso ko."
Nanatili na lamang nakatitig sa kanyang minamahal si Randee. Wala na siyang masabi. Sana hindi siya nananaginip. Sana lahat totoo. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Kung panaginip naman lang , papangarapin nalang niya ang huwag magising.
Namalayan na lamang niya nang maglapat ang kanilang mga labi. Saka mahigpit siyang niyakap ng binata.
" I love you so much too, Matthew. Hindi ko maisip ang buhay ko, ang sarili ko na wala ka. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang lahat, lahat sa akin, kayo ni Baby Matt."
Walang kamalay-malay ang dalawa na may dalawang pares na mga mata ang nagmamasid sa kanila sa may di kalayuan. Labis ang kanilang kaligayahan para sa kanilang dalawa. Napaluha ang dalawang matanda at tinugon ng Panginoon ang kanilang matagal nang idinadasal.
Idinaos nga ang kanilang kasal pagkalipas ng dalawang buwan. Isang simpleng seremonya lamang na dinaluhan ng iilang mga kaibigan at kamag-anak. At lumipad sila papuntang Ireland para sa kanilang honeymoon. Nadalaw na rin nila ang puntod ni Bridgette. Kapwa sila naging emotional na nagdasal para kay Bridgette.
" Nandito na si Baby Matt, Bridgette. Huwag kang mag-alala. Tinupad ko ang pangako ko. Aalagaan ko rin si Matthew para sa iyo. Maraming salamat, for allowing me to become part of Matthew's life and for giving me a chance to become Matt's mom." Usal ni Randee sa sarili. Saka pinahid ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
Marami silang magagandang lugar na pinuntahan tulad ng Blarney Castle, Wicklow Mountains National Park, Fota Wildlife Park. Dream come true para kay Randee ang makapunta ng maski isang simbahan ng Ireland. Pero dalawang simbahan ang kanilang pinuntahan. Una yung Saint Patrick's Cathedral sa Armagh. Towering on two opposing hills in County Armagh, talagang kaygandang pagmasdan. Dominating the "Cathedral City", the church of Ireland and Catholic Cathedrals are dedicated to Ireland's patron saint.
Lalong na touch si Randee nang hilahin ang kanyang kamay papasok sa Whitefriar Street Carmelite Church na matatagpuan sa pinaka sentro ng Dublin. Nakakamangha ang mga colorful na malalaking statues at relics ni Saint Valentine.
Doon na siya na sorpresa nang papunta sila ng altar ay sinalubong sila ng isang Pilipinong pari. Walang katao-tao sa loob ng simbahan kaya napakatahimik at napaka-solemn pa.
" Matthew Soriano!" Anang pari na naka open arms ito at niyakap si Matthew.
" Father Jim Tolentin! After twenty years, nagkakita na rin tayo." Masayang tugon ni Matthew. Mahigpit nitong niyakap ang matalik niyang kaibigan. Kasamahan niya sa NBI bago ito naging pari at naipadala sa Ireland.
" Salamat at naisipan mong dalawin ako dito." Bakas ang kasiyahan ng alagad ng Diyos.
" Meet my wife, Randee!" Galak na galak naman na pagpapakilala ni Matthew sa kanyang asawa sa kaibigan.
At nagkamayan ang dalawa. Iginiya sila ng pari sa mismong altar, pinaluhod at binasbasan. Umusal ng maikling panalangin, pagkatapos pinatayo.
Happiness overloaded. Yan ang mailalarawan ni Randee sa kanyang panibagong buhay.
The next day nag treat ang kaibigang pari. Dinala sila sa Richmond Restaurant, isa sa mga sikat na restaurant sa Dublin, at this time complete family na. Kasama na si Baby Matt, Nana Impiang at Tata Dinggo. Sa kanilang honeymoon escapade isinama nila ang dalawang matanda bilang reward na rin sa kanilang kabutihang loob na ipinakita at itinuring silang mga tunay na anak. Sila din ay nagsilbing inspirasyon. Kahit na sila ay matanda na , makikita pa rin sa kanila ang pagmamahal na walang kapantay.
Sana ganoon din sila pagdating ng panahon, sa kanilang twilight time naroon pa rin ang pagmamahal na walang kahalintulad.
WAKAS
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.