Lumipas ang ilang mga buwan. Malaki na ang tiyan ni Randee. Bagay na bagay sa kanya ang mga maternity dress na binili ng binata para sa kanya. Matapos ang ultra sound na isinagawa ay mas lalong natuwa si Matthew. Lalaki ang magiging anak ni Randee.
Nasa garden sila kasalukuyang nagmemeryenda. Masayang masaya ang dalawa. Parang totoong mag asawa. Hands on talaga mag-alaga si Matthew. Si Nana Impiang naman na nakamasid sa dalawa ay napapaluha. Natutuwa na malungkot. Natutuwa siya na magkaka baby na sina Bridgette at Matthew. Malungkot siya para kay Randee. Dahil pagkatapos ng ito ay tuluyan na itong aalis. For good.
" Puede ba ako ang magbigay ng pangalan sa baby?" Seryosong sambit ng binata.
Napatitig si Randee sa kausap. Parang sinusuri ang kabuuang mukha ng binata.
"Puede?" Untag ng binata.
" Y-yeah. Ikaw ang bahala." Paubaya na lamang niya.
" Matt" simpleng tugon ng binata.
" As in four letters lang? Matt. Pinaikli mo lang ang pangalan mo." Sambit ng dalaga. Napatahimik bigla si Matthew. Muling sumulyap sa dalaga.
" Alam ko, na miss mo na si Bridgette. Huwag kang mag-alala. Malapit na rin yun umuwi. Magiging masaya ka na"
" She promised me, na sa pagbabalik niya makikipagkita na kami sa surrogate. Kumusta na kaya yun? Nakasurvive kaya ang ipinunla? Ang dami kong mga katanungan, Randee. Na mahirap sagutin.
Nang lumapit sa kanila ang matanda. Nagpaalam na may pupuntahan sandali sa bayan.
" Magdala ka ng payong Nana, tila uulan." Ani ng binata. Bumalik nga ang matanda sa loob at kumuha ng payong saka nagpatuloy na ito sa kanyang lakad.
Si Matthew naman ay pumanhik sa kanyang kuwarto nagpaalam na may kukunin. Naiwan naman sa garden ang dalaga. Napatingin sa kabuuan ng garden saka hinimas himas ang kanyang lumalaking tiyan.
" May pangalan ka na, baby. Ang ama mo pa ang nagbigay sa iyo ng pangalan, di ba ang ganda? Nakakatuwang isipin. At super thankful ako kay God" nakangiti pang sambit ng dalaga.
Nang tumunog ang kanyang phone na na kanina pa niya ito hawak-hawak.
Si Carl! Ito pala ang tumatawag sa kanya. Nasa labas ng gate kumakaway. Nasorpresa siya kaya di niya nakilala agad. Naka sombrero at naka glasses ito. Dali dali niya itong nilapitan.
" Doc!"
" Miss Handsome!"
Pinagbuksan niya ito ng gate. Pero di na pumasok. Nagmamadali.
" May kasama ako. Sinadya kong makipagkita sa iyo sandali, papunta kami ng Dumaguete, may conference kaming dadaluhan. Nais lang kitang kumustahin."
" Salamat sa Diyos, ok lang talaga ako doc." Nakangiting tugon ng dalaga.
" Ok kang talaga. Hiyang na hiyang ka sa iyong pagbubuntis. Lalo kang gumanda niyan. Basta ba ha, lahat ng aking ibinilin sa iyo, huwag na huwag mong kakaligtaan."
" Oo naman, Doc. Law abiding citizen ata ito noh?" Natutuwang sambit ni Randee.
Sa tuwang nadama ng doctor ay niyakap nito ang dalaga saka kinintalan ng halik ang noo. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nagka pasyente ng ganitong sitwasyon. Sobra siya napahanga sa katatagan nito. Kaya hinding- hindi niya ito pababayaan. At least aalis siya na wala siyang aalalahanin.
" Please take good care of your self, Virgin surrogate!" Nakangiting sambit ng guwapong doctor. At niluwagan na nito ang pagkakayakap at bumalik na sa loob ng kotse.
" I will! Ingat sa pagmamaneho." Halos pasigaw na salita ng dalaga at kinawayan na lamang ang papalayong sasakyan. Saka na siya pumasok nang wala na sa kanyang paningin ang sasakyan.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.