Sa condo.
Gabi na. Pasado alas siyete. Nakatingin pa rin sa bintana ang dalaga. Inaaliw ang sarili sa pagmamasid ng mga ilaw sa poste.
" I'm sorry Randee, di ako pumapayag na mag stay ka sa sinasabi mong suite na mag-isa. Safe ka naman dito."
"Gusto kong mapag-isa eh." Walang gatol na sagot nito.
" E, di aalis ako. Saka na ako babalik dito kapag tulog ka na."
Isa lang ang kuwarto ng condo, may maliit na receiving area, dining area at comfort room.
" Di ko naman sinabi na umalis ka. May suite nga ako, puede naman doon lang ako."
" Di nga puede eh. Ang hirap mong makaintindi. A, I knew it. Siguro may makikipagkita sa iyo doon, right?" Biglang dumilim ang pagmumukha ng binata at umalis ito sa condo. Naiwang nakatulala si Randee.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang manahimik. At napahapuhap siya sa kanyang lumalaking tiyan. Saka napabuntong hininga. Nakaramdam siya ng antok. Humiga siya sa kama at natulog.
Samantalang si Matthew ay pumunta sa isang resto bar sa may unahan. Nag-order ng inumin. Sa alak niya ibubunton ang galit. Nalilito siya. Galit sa dalaga at sa sarili. Maging kay Bridgette. Minsan natatandaan niya ang sinabi ni katipan, na sa kanyang pagbabalik ay makikipagkita na sila sa surrogate nila. Bigla tuloy siyang na excited. Habang nakikita niya ang hitsura ni Randee, nakakaisip siya ng panibugho. Di niya talaga ma imagine na magkakaganoon. Na sa isang iglap lang ay ganoon ang mangyayari. Biglang nabuntis na hindi niya alam may karelasyon ba ito o wala. Sila ang palaging magkasama. Kaya naiisipan niya ito ng masama. Na, nasa loob pala ang kulo nito.
Pero kanina sa bahay ampunan. Nakita niya sa pagmumukha ng matandang madre ang labis na kasiyahan. Lahat ng kanyang ipinakita ay totoo. Oo, hindi niya pababayaan si Randee. Pero sa tuwing may kausap ito sa telepono ay naghahari talaga ang kanyang pagseselos! Until now ay wala pa ring ipinagtapat sa kanya ang dalaga.
Nang may biglang lumapit sa kanya na seksing babae.
" Hi!" Anang bati ng magandang babae. Nag- aalangan na ngumiti si Matthew. Siyempre di niya kilala. Kaso andito naman siya sa isang resto bar, kaya expected na maraming mga GROs.
" E-excuse me, I have to go." At dali-daling nilisan ni Matthew ang lugar na iyon. Umuwi sa kanyang condo. Pagkarating niya, nadatnan niyang himbing na himbing sa pagkatulog ang dalaga. Dahan dahan siyang lumapit sa kama. Naupo sa gilid. Mataman niyang pinagmamasdan ang dalaga. Kahit lumalaki na nga ang tiyan nito ay hindi pa rin naiibsan ang kagandahan ni Randee. Hindi nakasasawang tingnan.
Pumunta ng comfort room si Matthew. Naligo sandali. Para naman gumaan ang kanyang pakiramdam, para na rin mawala ang amoy, amoy alak at sigarilyo. Hindi siya naninigarilyo pero ang mga customers doon kahit mga babae.
Ewan ba niya kung bakit bigla niyang maisip. Sa sala sana siya matutulog, but he changed his mind. Tatabihan niya sa pagtulog ang dalaga. Bahala na. Dahil na rin siguro hindi pa nawala ang spiritu ng alak, parang natatangay siya sa kanyang emosyon.
Dahan dahang inilalapit nito ang kanyang mukha sa sa dalaga. Di na siya makatiis. Siguro bugso ng kanyang damdamin, na hindi pa rin niya mabigyan ng pangalan. Pag-ibig na nga ba? Pagka-awa? Simpatiya? Di niya alam. Ang tanging sigurado niyang gawin ngayon ay halikan ito.Nang biglang umawang ang bibig ng dalaga, siguro meron atang napapanaginipan ay sinamantala nito ang pagkakataon. Hinalikan niya ito sa labi. This time, mas malalim, mas matagal. Ewan ba niya hindi ba siya namamalik mata. Talagang tinugon ng dalaga ang mga halik niya. Mas lalong sumidhi ang kanyang damdamin. Not just an ordinary kiss but a torrid one.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.