Malapit nang mag-alas singko ng hapon dumating sa probinsiya sina Doc Carl at Randee.
" Are you ok, Miss Handsome?"
" Kinakabahan ako, dokie."
" Relax lang, alalahanin mo ang nasa tummy mo. Ipa-follow up kita palagi. "
" Salamat ,dokie. Don' t you worry mag-iingat ako. Promise.
Nasa harap na sila ng malaking rest house. Tinted ang kotse kaya hindi sila nakikita sa loob. Samantalang nakikita nila ang dalawang matanda na nakatayo sa main door. Nagtataka. Hindi sila lumapit.
" Huwag ka nang lumabas. Ako nalang." Sambit ni Randee sa doctor.
" Ilalabas ko lang ang mga gamit mo. Di naman ako lalapit sa kanila. Saka wala ata si Matthew?"
" Nariyan ang kotse niya dokie. Baka nasa loob."
Naunang lumabas ng kotse ang doctor. Inilabas ang mga gamit ng dalaga. Nang lumabas si Randee, napasigaw si Nana Impiang nang mapagsino siya. Muling nilingon ni Randee ang doctor.
" Maraming salamat, dokie. Ingat sa pagmaneho." Nilapitan siya nito at ginawaran ng friendly hug. At nilisan na ng doktor ang lugar na iyon. Saka kumuha ng cellphone at may tinawagan.
Ang scenario na yaon ay kitang kita ni Matthew na nasa itaas sa terrace nagkukubli. Di niya maintindihan ang sarili. Di niya nakilala ang lalaking naghatid sa dalaga at may pa hug, hug pa. Nagngingitngit ang kanyang kalooban. Saka bumaba.
Nasa loob na ng kabahayan ang dalaga.
" Nana Impiang, Tata Dinggo na miss ko kayo. Sorry po.
" Iha, wala kang dapat ikabahala. Na miss ka rin namin. Salamat at umuwi ka na.
" At hindi ka na guwapo ngayon ha, ang gandang ganda mo na! " Si Tata Dinggo. Tuwang tuwa ang matanda nang makita nito ang anak anakan.
" Tamang- tama marami akong nahuling isda kanina, iho, ay iha!"Napahagikhik na lamang si Randee sa tinuran ng matanda. Batid sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kanyang pagbalik. Di niya napigilan ang sarili ay niyakap niya ang mga ito.
Napaluha tuloy si Nana Impiang." Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi dito." Si Matthew. Nakatayo sa may hagdanan. Walang kangiti-ngiti. Lahat sila napatingin sa kanyang kinatatayuan.
" B-bro.,.., M-Matthew!" Marahang sambit ng dalaga at humakbang siya papalapit ng binata. Pero bago siya makalapit nito ay walang imik na pumanhik sa guest room.
Naiwang nakatunganga ang dalaga. Nilapitan siya ni Nana Impiang, kusang kinuha sa kanya ang mga gamit.
" Tayo na Randee, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Huwag mo nang pansinin si Matthew. Mawawala rin ang galit niyan sa iyo. Ikaw na lang muna ang umintindi.
" Opo, Nana." Ang nasambit na lamang ng dalaga at pumanhik na rin silang dalawa papuntang kuwarto.
Magkatabi lang ang kuwartong inuokupa ni Randee sa guest room na inukopa ng binata." O, paano. Maiwan na kita dito. Magpahinga ka lang muna. Aasikasohin ko muna ang hapunan natin." Malumanay na wika ng matanda. Ayaw niyang marinig siya ni Matthew na nasa kabilang silid.
" Nana,salamat ha." Mala-emosyonal na sambit ng dalaga. Saka iniwan na siya ng matanda.
Matalim na tingin ang ipinukol sa kanya kanina ni Matthew. Halatang may galiy pa rin ito sa kanya. Tama ang matanda, hindi na lang muna niya iintindihin ang kaibigan. Ang importante nakauwi na siya.
Sa tindi ng pagod galing sa biyahe ay napaidlip ang dalaga. Hindi na niya namalayan ang oras. Nang magising siya ay alas nuwebe na ng gabi! Kumakalam ang sikmura niya. Tahimik na ang buong paligid. Tiyak na tapos na silang lahat kumain. Dali dali siyang naligo, nagpalit ng damit. Naka shorts siya ng kulay asul at tshirt na kulay abo. Saka pumanaog at pumunta ng kusina.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.