Mataman lamang nakamasid sa dalaga si Matthew. Parang naaaliw siya sa kapapanood habang kumakain ito. Para bang ini- enjoy nito ang bawat buto ng fried chicken.
" Talagang gutom na gutom ka huh!" Nakangiting wika ng binata. Napaangat ng noo si Randee, noon lamang niya namalayan na hindi pa pala kumakain ang kaharap niya.
"O, ba't hindi ka pa kumakain ,bro?" Takang tanong ng dalaga. Huminto0 ito sa pag ngunguya.
" Naaaliw ako sa yo." Tipid na sagot ni Matthew. Kinuha na rin nito ang kubyertos at nagsimulang kumain.
" Siyanga pala, bro. Ano kamo sabi mo kanina? Pupunta tayo ng probinsya? Bakit? Ay, wait nga pala. May kailangan ba akong malaman bat napunta ka sa project site? So ikaw pala yun., na inaakala kong kalaban. Dalawang sasakyan kasi ang nakasunod sa akin. Minsan na kasi nangyari sa akin yun. May kung iilang sasakyan ang biglang sumusunod sa akin.
" Naikuwento na lahat sa akin ni Sister Marie, bro. Ang tungkol sa mga death threat mo. Parang di ako mapakali kanina kaya hiningi ko kay Sister Marie ang address ng project site mo. Mabuti naman at naabutan pa kita. Nasundan pa kita."
Sandaling napahinto sa pagkain ang dalaga. At tiningnan ang kasama. Alam kaya niya na babae naman talaga ako? Ipinagtapat kaya ni Inang ang totoong pagkatao ko? Samut-saring katanungan ang dumako sa isipan ng dalaga.
" Huh, ang tindi mo palang makatitig sa akin, ah. Parang hinuhubaran mo na ako niyan, bro!" Ang biglang salita ni Matthew.
Napa-blush tuloy si Randee. At ibinaling sa iba ang tingin. Ayaw niyang magbago ang pagtingin sa kanya ni Matthew. Sa unang pagkikita pa lamang nila sa ampunan ay itinuring siyang parang tunay na lalaki. Gusto niya yun.
" Para sa ikapapanatag ng loob mo, Dee. I swear, hindi ako bakla. Promise. Wala akong pagnanasa sa yo. Prangkahin nalang kita, ha. May takot pa rin ako sa Diyos, nakakasuka ang pagnasaan ko kapwa lalaki. Yucks! Besides, may girlfriend na ako at malapit na kaming ikasal." Paliwanag ng binata.
Biglang sumeryoso ang mukha ng dalaga. Napatikhim bago magsalita.
" Me too,.may takot din sa Diyos. Katulad mo. Wala akong planong magnasa sa kapwa ko kabaro ni
Adan. At hindi rin ako bading! " Talagang ginalingan niya ang pag arte.
" Nais ko lang magpasalamat sa yo, bro. Utang ko sa yo ang buhay ko. Sa tinagal tagal ko nang namumuhay mag-isa dito sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng isang tulad mo na pati buhay mo ay muntik nang madale dahil sa akin. Di ko yun malilimutan, promise. At laking pasalamat ko na nakilala kita." Parang ibig nang tumubig ang kanyang mga mata habang nagpapaliwanag siya sa binata." The feeling is mutual, Dee. Magaan ang pakiramdam ko nang una kitang makita sa bahay ampunan. Nakikita ko ang nakababatang kapatid ko sa yo." Seryosong wika ng binata at huminto siya sa pagkain. Napabuntong hininga ito. Nakatingin sa kawalan.
Nagbalik tanaw sa nakaraan.
Si Shem, ang nakababatang kapatid niya. Malapit na itong grumadweyt sa kursong Engineering. May katigasan ang ulo at spoiled pero mabait naman na bata. May malaking respeto sa kanya bilang kuya. Sa hindi inaasahang pangyayari nabaril ito at namatay. Isinisi niya sa sarili ang lahat dahil isa siyang NBI agent ay hindi niya nailigtas ang sariling kapatid. Kaya he quitted. Nag resign siya sa pagiging agent. Nagtayo ng sariling negosyo. Financing. May ilang branch na rin siyang na.open.
Isa sa mga paboritong puntahan ni Shem ay ang bahay ampunan na pinamumunuan ni Sister Marie. Isa sa mga kahilingan ni Shem bago siya bawian ng buhay ay huwag daw pabayaan ng mga bata doon. Kaya heto siya ngayon siya na ang nagpatuloy sa legacy ng kanyang kapatid.
" Ang mga magulang mo? "Marahang tanong ni Randee.
" Wala na rin sila, Dee. Kasama sila sa plane crash na nangyari two years ago sa Batangas.
YOU ARE READING
My Heart's Passenger
RomanceThis is about two individuals who sacrificed everything for the sake of love and trust.