Chapter Eleven

9 0 0
                                    

Isang umaga habang nagwawalis sa sala ay nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga. Wala pa naman si Nana Impiang at Tata Dinggo pumunta ng palengke. Namumutla na siya at napasandal siya sa pintuan. At siyang pagdating ni Matthew galing sa kanyang lakad. Napansin niya ang dalaga. Kahit may galit siya nito ay di niya matiis ang di mag- alala.

" Are you okey?"

" I think am not okey, Matthew. Parang nahihilo ako. Blurry na ata paningin ko." Yun lang at nawalan na ng malay ang kaibigan. Mabuti nalang at naagapan nito ang pagsalo.

" My God, Dee! " Biglang nagpanic ang binata. Binuhat niya ito at dinala sa kanyang sasakyan. Wala siyang ibang maisipan kundi ang dalhin ito sa hospital. Hindi siya magkandatuto sa pag-insert sa key ingnition. Nanginginig ang kanyang kamay. Panay ang sulyap nito sa dalaga.

Mabilisan niyang pinatakbo ang sasakyan nagmamadali na makarating sa hospital agad. Kaagad na dinala sa emergency room si Randee at hindi na nakapasok ang binata. Aantayin na lamang niya ang tawag ng doctor.

Nanatiling nakaupo sa waiting area si Matthew. Nanlalamig ang mga kamay. Hindi mapakali. Nariyan ang tumayo-umupo. Bumibilis ang sikdo ng kanyang dibdib. Nag-alala siya nang malaman niya na may sakit ang kanyang katipan sa puso, pero mas nabahala siya ngayon kay Randee ang makita nito na nawalan ng malay sa kanyang mga kamay. Di siya makapaniwala. Wala siyang natatandaan na may iniinda itong karamdaman.

Mga iilang oras na siyang nasa waiting area. Gusto na niyang pasukin ang emergency room. Para malaman ang kalagayan ng dalaga. Nang biglang bumukas ang sliding door. May lumabas, isang nurse.

" Sir, kayo po ba ang kasama ng pasyente?

" Yes, ako ang kasama niya. How is she?" Natatarantang salita nito.

" Pinapatawag po kayo ng doctor." Ang sagot ng nurse. Sumunod naman si Matthew. Wala sa emergency room si Randee. Kaya muli siyang nagtanong sa kasamang nurse.

" Saan dinala ang pasyente Miss?"

" Sa room 202 po sir."

Kaya dali-daling inakyat  ni Matthew  ang hagdanan. At natunton nito ang room.

" Congratulations, Mister. Your wife is fourteen weeks pregnant. Kaya bawal sa kanya ang ma-stress. Extra care this time. So far ok lang naman ang heartbeat ng baby. Stable. Kailangan na niyang mag take ng vitamins at uminom ng gatas." Paliwanag ng doktor.

Na shock si Matthew sa narinig. Parang ibig niyang magwala. Parang gusto niyang pagsuntuk-suntukin ang dalaga sa galit. Pero di niya ipinahalata siyempre.

" T-thank you, doc. Puede ko na ba maiuwi ang asawa ko?" Ang tanging lumabas sa bibig ng binata na ikinagulat naman ni Randee.

" A-asawa!" Ang nasa isipan ng dalaga. Pero nakita nito ang pagngingitngit ng kalooban . Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay wala silang imikan.

Nariyan na ang dalawang matanda. Dumating na pala. Nagtaka ang dalawa kung saan sila nanggaling.

" Mag-usap tayo Randee." Galit na wika ng binata. Pumanhik ito ng hagdanan. Sumunod na rin ang dalaga. Naiwang nakatulala ang mga matatanda.

Pagkarating sa itaas ay hinablot ng binata ang braso ni Randee at pumasok sila sa guest room. Malakas na isinara ni Matthew ang pintuan. Talagang nauubos na ang kanyang pasensya sa dalaga. Pinagmumukha siyang tanga.

" Randee, ano ang ibig sabihin nito? Bakit? Bakit mo ako ginaganito ha? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? Di na kita maintindihan. Iba ka pala ha." Galit na galit na wika ng binata.

" Matthew, am really, really sorry!" Napaiyak na si Randee.

" You're disgusting! I can't believe this. Naguguluhan ako sa yo. Ang lalaking naghatid sa yo dito? Siya ba ang ama niyan ha?

My Heart's PassengerWhere stories live. Discover now