Chapter 16

3.4K 102 7
                                    

PAKIRAMDAM ni Monica ay may naghahabulang mga daga sa kanyang puso habang nakatapat sa pinto ng pad ni Troy nang hapong iyon. Hindi niya alam kung bakit pa siya nagpunta dito. Sinunod niya lamang ang nais ng puso na makita ang binata at kumustahin ito kahit saglit lang.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa isang paper bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto para sa lalaki. Sa likod naman niya ay nakasabit ang isang backpack na kinalalagyan ng ilan sa mga gamit. Nag-resign na siya sa trabaho sa Bataan dahil plano nang lumipat dito sa Manila.

Hindi alam ni Monica kung gusto pa ba siyang makita ni Troy. Baka galit na galit ito sa kanya. Pero hindi niya naman mapigilan ang sarili na magbaka-sakali. Gusto niya lang malaman at makita kung ayos na ba talaga ito. Simula nang mabalitaan ang aksidente ng binata, hindi na siya mapakali.

Itinaas niya ang nangagatal na kamay para pindutin ang doorbell. Alam niya ang password ng pad na iyon subalit hindi naman puwedeng basta-basta na lamang siya pumasok. Baka napalitan na rin iyon ni Troy.

Ilang minuto siyang naghintay hanggang sa marinig ang pagbukas ng seradura. Animo'y sasabog na ang puso ni Monica sa matinding kaba nang tuluyang magbukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang mukha ni Troy.

Mababanaag ang matinding pagkagulat sa mukha ng binata nang makilala siya. Magulo ang buhok nito na medyo may kahabaan na. Maitim na rin ang ibabang parte ng mukha nito dahil sa mga stubbles na tumubo doon. Nakasuot lamang ang lalaki ng isang puting T-shirt at khaki shorts. Napansin niya rin ang bendang nakapulupot sa kanang binti nito.

Mahabang sandaling nakatitig lamang sila sa isa't isa na tila kapwa na-engkanto sa kinatatayuan. Nang bumalik ang matinong daloy ng kaisipan ni Monica ay iniiwas niya ang tingin dito. Ngayong nasa harap na muli ang lalaki, hindi na naman niya napigilan ang iba't ibang emosyon na bumabalot sa buong pagkatao.

"N-n-narinig ko ang... ang nangyari sa 'yo," nauutal na wika ni Monica. "G-gusto lang kitang kumustahin." Bahagya niyang itinaas ang hawak na paper bag. "N-nagluto ako ng pagkain... p-para sa 'yo."

Hindi niya narinig ang pagsasalita ni Troy. Nang sulyapan niya ang binata ay nakatitig lamang ito sa kanya. Maya-maya ay pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan na tila ba inaalam kung may nabago sa kanya kahit katiting.

Pigilin man ni Monica ay nag-init pa rin ang kanyang buong katawan sa pagsusuring iyon ng lalaki. Napalunok siya. "P-puwede ba akong... pumasok?" nag-aalangang tanong niya.

Wala pa ring sagot mula kay Troy. Dahil hindi na magawang tagalan ang pagkailang na nararamdaman, humakbang na lamang si Monica papasok sa loob ng pad. Siguradong kapag tumagal pa ng ilang minuto, bibigay na ang mga tuhod niya dahil sa matinding kaba.

Pagkapasok sa loob ay agad na nakita ni Monica ang mga kalat sa living area. Naroroon ang mga nakabukas na instant foods at mga lata ng beer. Malungkot siyang napabuntong-hininga. Ganito ba palagi si Troy simula nang umalis siya?

Lumakad siya patungo sa kusina para ilagay doon ang paper bag na dala. Inilapag niya naman sa isa sa mga dining chairs ang backpack. Pagkatapos ay isa-isang inilabas ang maliliit na tupperwares na nasa paper bag.

Napatingin si Monica sa tabi nang maramdaman ang presensiya doon ni Troy. Hindi pa rin ito umuusal ng kahit isang salita, nakatitig lamang sa kanya. "I-iiinit ko lang muna ang mga pagkain na 'to," aniya. "K-kanina ko pa 'to niluto."

Akmang aabutin niya na ang isa sa mga tupperwares na nasa mesa nang hawakan ni Troy ang kanyang braso. Bumilis ang tibok ng puso ni Monica. Ang tagal niyang nangulila sa paghawak ng binata.

Hindi niya na nagawang makapag-isip pa nang maramdaman ang paghila sa kanya ni Troy at marahas siyang isinandal sa dingding na naroroon. Nang tingnan niya ang lalaki ay may sumiklab nang apoy sa mga mata nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon