Chapter 9

3.1K 96 7
                                    

NAALARMA si Monica nang maramdaman ang pagtabi sa kanya ni Troy sa couch na kinauupuan. Nakabukas lamang ang TV sa harap at inaabala niya ang sarili doon. Simula pa kaninang umaga, hindi pa rin niya nagagawang makipag-usap sa binata. Ginagawa niya ang lahat para maiwasan ang lalaki. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila kagabi sa roof deck. Nahihiya na siyang pakiharapan ito.

Kahit nakatutok sa telebisyon ang mga mata, wala namang maintindihan doon si Monica. Nang hindi na magawang matagalan ang pagkailang na nararamdaman, tumayo na siya para sana magpahinga na.

Pero agad siyang napatigil nang hawakan ni Troy ang kanyang kamay para pigilan siya sa pag-alis. Animo'y may libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan dahil sa pagkakahawak nito.

Sinubukang bawiin ni Monica ang kamay pero hindi nagawa. Tumayo si Troy. "Monica..." masuyong sambit nito sa kanyang pangalan. "Iiwasan mo na lang ba ako? Galit ka ba sa akin?" Mahihimigan ang kalungkutan sa boses nito.

Iniyuko ni Monica ang ulo, hindi pa rin magawang tingnan ng direkta ang binata. Umiling siya. "H-hindi ako galit sa 'yo," mahinang tugon niya.

"Kung gano'n, bakit? Bakit kanina mo pa akong iniiwasan? Bakit hindi mo ako kinakausap o tinitingnan man lang?"

Ilang sandaling hindi siya nagsalita. Humugot siya ng malalim na hininga. "N-nahihiya ako," pag-amin niya. "H-hindi dapat 'yon nangyari, Troy. Dapat pinigilan ko ang sarili ko."

Tumikhim ang lalaki. "Ako ang nagsimula no'n," anito. "Ako ang hindi nakapagpigil sa sarili ko. I'm sorry, Monica. Pasensiya ka na kung sinira ko ang tiwala mo."

Ini-angat ni Monica ang tingin sa binata at nakita ang kaseryusohan sa mga mata nito. "H-hindi mo sinira ang tiwala ko, Troy. K-kaya lang..." Umiling siya. "Hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari ngayon."

"You think it will ruin everything?" tanong ni Troy.

Tumango siya. Hindi niya gustong masira ang nabuong samahan nila ni Troy dahil sa halik na kanilang pinagsaluhan. Gusto niya ang lalaki, oo. Pero hindi niya iyon sasabihin dito. Umaakto ito na parang isang nakatatandang kapatid kaya ganoon ito kabuti sa kanya.

Hindi alam ni Monica kung bakit siya nito hinalikan kagabi. Siguro ay hindi talaga nito napigilan ang sarili. Marahil ay pinagsisihan din iyon ni Troy pagkatapos. Hindi niya na nais pang alamin.

"A-anong gusto mong gawin ngayon?" muling tanong ni Troy. "Sabihin mo lang sa akin para mabawasan ang bigat sa puso mo."

Bumuntong-hininga siya. "K-kalimutan na lang natin 'yon," bulong niya. Wala siyang maisip na sasabihin kundi ang mga salitang iyon kahit alam niya naman sa sarili na hinding-hindi 'yon magagawa.

Ilang sandaling natahimik si Troy. Nang tingnan niya ang binata, nakatingin na ito sa isang parte ng pad. "Naiintindihan ko," anito bago inalis ang pagkakahawak sa kamay niya.

Bigla ay nakaramdam si Monica ng kawalan dahil sa pagbitaw ng binata. Yumuko na lamang siya para itago ang emosyon.

Napapitlag siya nang marinig ang tunog ng doorbell mula sa front door. Tiningnan niya lang si Troy na lumakad patungo doon.

Ilang sandali lang ay nakita niya na ang pagpasok ng kaibigan nitong sa pagkakatanda niya ay Carla ang pangalan. May bitbit itong isang pizza box.

Muli na lamang bumalik si Monica sa pagkakaupo sa couch at itinuon ang atensyon sa telebisyong nasa harap. Pinipilit niyang huwag intindihin ang pag-uusap ni Troy at ng kaibigang iyon.

"Hanggang ngayon pala ay dito ka pa rin tumutuloy," narinig niyang wika ni Carla na naupo sa isa pang couch. Ipinatong nito ang pizza box sa mesang naroroon. "Want some pizza?"

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon