Chapter 6

3.6K 97 6
                                    

PAGKAGISING ni Monica isang umaga, agad na sumalubong sa kanya ang tunog ng piano na nanggagaling sa labas. Naupo siya sa kama at pinakinggan ang napakagandang musika mula doon. Dahil sa matinding curiosity, tumayo siya at lumakad palabas ng kuwarto.

Nang makarating sa living area, nakita ni Monica si Troy na nakaupo sa harap ng piano at siyang nagpapatugtog niyon. Nakasuot pa rin ito ng puting cotton shirt at sleeping trousers. Ang piece na tinutugtog nito ay tunay na napakaganda. Hindi alam ni Monica na napakahusay palang magpatugtog ng piano ni Troy.

Napatigil si Troy sa pagpapatugtog nang mapalingon sa kinatatayuan niya. "Oh, nagising ba kita?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling si Monica at humakbang palapit sa lalaki. "Napakaganda ng tinutugtog mo," hindi niya napigilang komento.

Ngumiti si Troy, tinapik ang gilid ng kinauupuang stool para paupuin din siya. Sumunod naman si Monica. "I'm playing Yiruma's A River Flows In You."

Tumango-tango siya at tiningnan ang mga keys ng piano na nasa harap. "Hindi ko alam na napakahusay mo palang mag-piano."

"I'm a pianist," ani Troy.

Gulat na napatingin si Monica sa binata. "T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango si Troy. Hinaplos nito ang keys ng piano na nasa harap. "Tumutugtog ako noon ng piano sa iba't ibang stage. Ilang taon lang 'yon pagkatapos ko ng kolehiyo. Nag-aral ako ng piano simula noong nasa high school pa ako. Iyon kasi ang pangarap ng Mama ko para sa akin."

"Pero bakit ka nagsisilbi ngayon sa awtoridad?" curious na tanong ni Monica. "Hindi mo na ba gustong mag-play ng piano sa stage?"

Humugot ng malalim na hininga si Troy. "I love to play the piano. Minahal ko na 'yon dahil iyon ang gusto ng aking Mama. Gusto kong tuparin ang pangarap ni Mama para sa akin noon. Kaya ilang taon din akong namuhay bilang isang pianist. Masaya ako tuwing pinapanood ni Mama sa stage. Pero nang mawala siya, parang nawala na rin ang rason ko para magpatugtog sa entablado."

Nakaramdam ng kalungkutan si Monica dahil doon.

"But I'm still playing sa mga events, lalo na kapag hinihiling ng mga kaibigan ko," dugtong ni Troy, pinasisigla ang tinig. "Ang totoo, gusto ko talagang maging isang pulis dahil gusto kong mabigyan ng hustisya ang mga taong kinakawawa. Kaya Criminology ang kinuha kong kurso sa college noon. Naisantabi ko nga lang iyon dahil sa pangarap ni Mama. Now I'm living as one. Sigurado naman ako na proud si Mama sa kinatatayuan ko ngayon."

"Sigurado 'yon," ani Monica. Nabawasan naman ang kalungkutang kanyang nararamdaman. Masaya siya na nagagawa ng lalaki ang nais nito sa buhay.

Napatingin siya sa binata nang simulan uli nitong patugtugin ang piano. Muli na namang bumalot ang napakagandang melodiya ng musika sa paligid. Nakakakalma iyon. Nakatitig lamang si Monica kay Troy habang nagpapatugtog ito. Ang liwanag mula sa glass door ng terrace ay animo'y spotlight na nakatutok sa lalaki na mas lalong nakakapagpa-guwapo dito.

Tumingin sa kanya si Troy. At hindi napaghandaan ni Monica ang biglaang pagtalon ng puso nang masalubong ang mga mata ng binata. Punong-puno ng gentleness ang dark brown na mga mata nito. Para itong anghel sa kanyang harap – anghel na nagpapatugtog ng isang napakagandang melodiya para sa kanya.

Iniiwas ni Monica ang tingin at inilipat sa piano na nasa harap. Nakinig na lamang siya sa magandang musika hanggang sa matapos iyon. A River Flows In You. Iyon ang pamagat ng piece na sinabi sa kanya ni Troy kanina.

"Sergeant-slash-pianist," usal niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na may ganitong side si Troy Aguirre. Well, alam niya naman na talagang may gentleness ang binata. Nakikita niya iyon sa ilang linggong pananatili dito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon