Chapter 8

3.3K 88 0
                                    

MASAYA si Monica dahil isinama na naman siya ni Troy sa Society Hotel nang araw na iyon. Ilang araw din siyang nakaramdam ng pagkailang sa lalaki dahil sa nangyari sa kuwarto nito. Kahit wala namang dapat na ikabahala, hindi niya pa rin maiwasan ang isipin iyon. Pero nang mapansin naman niyang tila nakalimutan na ni Troy ang tungkol doon, pinilit niya na rin ang sarili na balewalain iyon at umaktong natural.

"Puwede ba akong magpunta sa greenhouse habang nagse-celebrate kayo?" tanong ni Monica. Sa pagkakaalam niya kasi ay kaarawan ng isa sa mga kaibigan ni Troy at doon magse-celebrate sa hotel.

"Hindi mo ba gustong sumama sa celebration?" nagtatakang tanong nito.

Ngumiti si Monica at umiling. "Baka ma-out of place lang ako sa mga bisita doon. Sumama lang naman ako dahil gusto ko uling makita ang greenhouse," pagtatapat niya.

Tumawa si Troy. "Kung 'yan ang gusto mo, sige. Hindi naman ako magtatagal doon, babatiin ko lang si Lance. Sabihin mo lang sa guard ng greenhouse ang pangalan ko. Hintayin mo ako doon, okay?"

Tumango si Monica at naghiwalay na sila ng landas ni Troy. Tumungo siya sa kinaroroonan ng greenhouse.

Ilang minuto siyang nagpalakad-lakad lamang sa greenhouse na iyon. Napatigil siya sa paghakbang nang makilala ang kasalubong na babae. Jamaica Castro ang pagkakatanda niyang pangalan nito na minsang nakilala nang una siyang dalhin ni Troy sa hotel na ito. Kasama nitong naglalakad si Jex Hamilton.

Mukhang nakilala rin siya ng babae kaya tumigil ito sa kanyang harapan. "Monica, right?" paniniguro nito.

Ngumiti siya at tumango.

"It's nice to see you again," wika pa ni Jamaica. "Kasama mo ba si Troy?"

"Oo, nagpunta lang siya sa celebration dito ng kaibigan niyang si Lance."

"Siguradong hinahanap na ako doon," singit naman ni Jex.

"Talagang hinahanap ka na," narinig nilang tinig ng isang babae.

Napalingon si Monica sa likod at nakita ang isang babae na palapit. Siguro ay mas bata lamang sa kanya ang babae ng ilang taon.

"Ciarrah," banggit ni Jex sa pangalan ng naturang babae. "Ano na namang ginagawa mo dito?"

Ipinaikot ng babaeng tinawag na Ciarrah ang mga mata. Hindi nito sinagot ang tanong ni Jex, sa halip ay bumaling sa kanya. "Hi, I'm Ciarrah de Angelo," pakilala nito.

"Monica Salazar," aniya.

"Oh, Monica." Tumango-tango si Ciarrah. "Malimit kong marinig ang pangalan mo sa society, lalo na mula kay Troy."

Nais sanang itanong ni Monica kung ano ang society na tinutukoy nito pero hindi na nagawa nang muling hinarap ni Ciarrah si Jex.

"Hinahanap ka na sa celebration ni Lance, bakit ba pagala-gala ka dito? Hindi mo naman hilig ang halaman," tanong ni Ciarrah.

"Nagtanong lang ako ng magandang bulaklak na ipan-regalo dito kay Jamaica," tugon ni Jex, may bahid na ng inis ang tono. "Napakadaldal mo talaga."

"Bakit? May nililigawan ka na naman?" Naiiling na tanong pa ni Ciarrah.

"Pakialam mo ba?" pagsusuplado naman ni Jex. "Nagseselos ka? Sinasabi ko na nga ba na gusto mo ako, eh? Sige na, 'wag ka nang mahiya. Ask me out now while I'm still available," panunudyo nito.

Ngumiti si Ciarrah. "Okay," tugon nito. "Get out!"

Narinig nila ang malakas na pagtawa ni Jamaica. Hindi rin naman napigilan ni Monica na mapatawa ng mahina, lalo na nang makita ang inis sa mukha ni Jex.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon