Chapter 14

3K 98 10
                                    

IBINATO ni Troy ang hawak na lata ng beer sa dingding nang maubos iyon. Hindi niya na alam kung gaano karami na ang kanyang nainom. Pinagmasdan niya ang mga kalat sa mesang nasa harap. Ilang araw niya na bang hindi nalilinis ang mga iyon? Umismid siya bago muling nagbukas ng panibagong lata. Wala na siyang pakialam.

Humarap siya sa TV na nakabukas kahit wala namang maintindihan sa palabas. Gusto niyang magpakalasing para mamanhid ang buong katawan at makalimutan ang sakit na patuloy na tumutupok sa kanyang buong pagkatao.

Ilang linggo na ang lumipas simula nang iwanan siya ni Monica. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ito mahanap. Hindi man lang ito tumatawag para magparamdam. Pumapasok siya sa trabaho para magbaka-sakaling makita ito sa mga lugar na pinupuntahan. Pero wala pa rin. At sa bawat araw na dumaraan, lalo lamang tumitindi ang hapdi sa kanyang puso.

Maya-maya ay narinig niya ang pagtunog ng doorbell. Naiinis na napabuntong-hininga si Troy. Sino naman ba ang aabala sa kanya ngayong araw? Wala siyang trabaho kaya minabuting magkulong na lamang dito.

Pinilit niyang tumayo at lumakad patungo sa front door. Agad naman niyang napagbuksan ang kaibigang si Carla, may bitbit pa itong mga groceries. Ilang araw na ring pabalik-balik dito ang babae pero mabilis niya ring pinagtatabuyan.

"Umiinom ka na naman?" pagalit ni Carla.

Hindi niya ito sinagot at muling bumalik sa couch na kinauupuan.

"Nagdala ako ng mga groceries. Noong isang araw, nakita kong wala nang kalaman-laman ang fridge mo," pagpapatuloy ng babae nang makalapit. "Ipagluluto kita ng maayos na hapunan. Huwag puro alak ang inilalagay mo diyan sa tiyan mo."

"Ayokong kumain," tinatamad na sabi ni Troy. "Iwan mo na lang 'yan diyan."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. Inilapag nito sa sahig ang mga groceries at naupo sa tabi niya. "Troy, ano ba 'tong ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka dating ganito. Nabuhay ka naman nang wala siya noon, 'di ba?"

Nag-igting ang mga bagang ni Troy. Noon 'yon. Nagbago na ang buhay niya mula nang makasama si Monica sa pad na ito. Imposibleng bumalik pa ang takbo niyon sa dating buhay kung saan wala ang babae.

Hinaplos ni Carla ang braso niya. "Baka ito talaga ang gusto niya," dugtong nito. "Para hindi ka na mahirapan."

"She's not a burden to me," puno ng kalungkutang wika ni Troy, nakatitig sa kawalan. "Nakahanda akong ibigay sa kanya ang lahat," may sumibol na namang mga luha sa kanyang mga mata pero agad na pinigilan iyon sa pagpatak.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. "Wala na siya, Troy. Iniwan ka na niya. Tanggapin mo na lang 'yon at ayusin muli ang buhay mo. Hindi namin gustong nakikita kang ganito."

Inilipat ni Troy ang tingin kay Carla. Nakatingin lamang ang babae sa harapan. "Kung gano'n, huwag n'yo na akong intindihin o pansinin. Buhay ko 'to. Wala kayong pakialam do'n."

Mababanaag ang sakit na dumaan sa mukha ng kaibigan. Hindi niya ito nais na pagsalitaan ng ganoon subalit iyon lang ang tanging magagawa para palayuin ang mga ito.

Ipinikit ni Troy ang mga mata at napahawak sa ulo. Kanina pang umaga masama ang kanyang pakiramdam pero hindi iyon pinagtuunan ng pansin.

"Troy, ayos ka lang ba?" tanong ni Carla. Maya-maya ay naramdaman niya nang salatin nito ang kanyang noo. "Gosh, nilalagnat ka," napuno na ng pag-aalala ang boses nito. "Ano ba naman kasing pinaggagagawa mo? Wait here, kukuha lang ako ng gamot."

Ilang sandaling nanatili lamang na nakapikit si Troy. Hindi niya maramdaman ang sakit ng ulo dahil mas matindi pa rin ang sakit ng puso. Iminulat niya ang mga mata at nakita ang pagbalik ni Carla, may dala na itong gamot at baso.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon