Chapter 1

6.4K 93 7
                                    

MALUNGKOT na napabuntong-hininga si Monica habang binibilang ang kita ng karenderya nang araw na iyon. Hindi na naman ganoon kalaki ang kinita nila. Nitong nakaraang mga buwan, pababa ng pababa ang nagiging kita ng karenderya nila. Iyon ay dahil na rin sa pagbubukas ng isang restaurant hindi kalayuan sa lugar na iyon.

Magda-dalawang taon na rin mula nang manirahan siya sa isang lugar dito sa Caloocan para magsimula ng panibagong buhay matapos ang isang mapait na nakaraan. Sinubukan niyang hanapin ang sarili sa lugar na ito pero hindi alam kung nagawa ba iyon. Hanggang ngayon, parang wala pa ring nagbabago sa kanya. Parang lahat ng mga nais sa buhay ay hindi pa rin nakakamtan.

Nagitla si Monica nang marinig ang pabalibag na pagbukas ng pinto ng karenderya. Mabilis niyang nilikom ang mga binibilang na pera at ipinasok sa loob ng maliit na pouch. Ibinalik niya ang tingin sa unahan at nakita ang nobyong si Carlos Ramirez.

"Ang aga mo 'atang nagsara?" tanong ni Carlos sa lasing na tono, may hawak pa itong isang bote ng Red Horse.

Tumikhim muna si Monica bago sumagot. "W-wala na kasing customer, medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko kanina pa. Gusto ko sanang magpahinga muna."

Umiling-iling si Carlos. "Kaya paunti nang paunti ang kinikita natin dahil d'yan sa katamaran mo," anito.

Pinakatitigan ni Monica ang nobyo. Ilang buwan na mula nang magpakalbo ng buhok si Carlos, may mga tattoos na rin ito sa katawan. Halos gabi-gabi rin ay lasing na itong umuuwi. Alam niya na dahil iyon sa mga bagong kabarkada nito na hindi niya lubos na kilala. Nakikita lang niyang kasama ng nobyo ang mga kabarkadang iyon tuwing naiisipang mag-inuman sa karenderyang ito.

Ang maliit na karenderyang ito ay pag-aari ni Carlos. Katabi lamang nito ang maliit na apartment na tinutuluyan nila.

Nakilala ni Monica si Carlos noong tumakas siya sa dating buhay para magsimula ng panibago. Dahil walang dalang pera, nagpagala-gala lamang siya sa kalye ng ilang linggo. Hanggang sa isang araw ay lapitan siya ni Carlos at pakainin. Dinala siya nito sa lugar na ito, sinabing bibigyan siya ng trabaho dito sa karenderya.

Kinupkop siya ng lalaki. Naging mabuti ito sa kanya. Ni-respeto siya nito. Nagturingan silang magkaibigan sa loob ng ilang buwan hanggang sa magtapat ito ng nararamdamang pag-ibig para sa kanya. Ito ang kauna-unahan niyang nobyo kaya napakasaya niya sa pagpapahalagang ipinakita nito para sa kanya.

Subalit ang hindi alam ni Monica ay sa simula lang pala iyon. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unting lumalayo ang loob niya kay Carlos dahil sa mga pagbabago nito. Ang dating mabait na lalaki ay naging mainitin na ang ulo, palaging lasing, palaging isinisisi sa kanya ang pagbaba ng kita ng karenderya. Madalas ay pinagbibintangan pa siya nito na ginagastos sa kung anu-ano ang mga perang kinikita nila.

Napatigil siya sa pag-iisip nang hanggitin ni Carlos ang hawak niyang pouch. "Magkano ba ang kita ngayon?" tanong nito. "Kailangan ko pang bumili ng alak para bukas. Kaarawan ng isa sa mga ka-tropa ko."

"C-Carlos... k-kailangan pa nating magbayad ng mga bills dito." Tinangka niyang kunin muli sa nobyo ang pouch. "P-puwede bang huwag mo munang—" Napatigil siya sa pagsasalita nang ibato ni Carlos ang hawak na bote sa sahig.

"Pera ko 'to, Monica!" bulyaw ng nobyo. "Negosyo ko 'to at umaasa ka lang sa akin!" Dinuro pa siya ng lalaki. "Wala kang karapatang pagbawalan akong gamitin ang pera ko."

Gusto niyang sabihin na siya naman lang ang nagpapakahirap sa karenderyang ito. May karapatan din siya sa perang iyon. Pero alam ni Monica na kapag sinabi 'yon, siguradong mas higit na madaragdagan ang galit nito.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumango-tango. "S-sige, p-pero puwede naman siguro akong makakuha ng pambayad sa kuryente natin at—"

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 2: Troy AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon