Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima!
''Ou, masaya.''
''Ou, masakit.''
''Ou, ngingiti ako.''
''Ou, iiyak ako.''
dahil hindi ko masasabi na--
''Hindi masaya.''
''Hindi masakit.''
''Hindi ako ngumiti.''
''Hindi ako umiyak."
Sa pagiging FANGIRL hindi maiwasan na pangarapin mo na maging boyfriend ang bias mo sa paborito mo boy group, kahit alam mo na hanggang pangarap mo lang talaga siya. Wala eh! Napamahal ka talaga!
Kapag single ka at may nagtanong sa'yo kung may boyfriend ka, madalas sasabihin mo meron kahit ang totoo 'yung bias mo lang talaga 'yun. Naging kayo ng hindi mo siya nasabihan na may relasyon pala kayong dalawa.
Pinakamasakit sa lahat ay 'yung hindi mo maiwasan na magselos kapag may nalaman ka tungkol sa lovelife niya. Awwts! Ang sakit-sakit, sobrang sakit! Inisip mo na parang niloko ka niya. Inisip mo rin na ang swerte-swerte naman ng babae na 'yun! At hiniling mo na sana ikaw nalang 'yun.
Pero paano kung biglang ka dumating sa isang sitwasyon na pinapangarap mo?
My name is Kairi Renessance. Traine ako sa SH Entertainment.
Madalas ako nangangarap na kasama ko si bias.
Sobrang saya at nakakakilig!
Pero simula nang makilala ko ang grupo na SB5, pakiramdam ko biglang nagbago ang istorya ng pagiging fangirl ko.
Nalunod ako sa sitwasyon na hindi ko akalain mararanasan ko.
''Inisip ko abot ko hanggang dulo.''
''Inisip ko kaya kong huminga kahit nahihirapan na ako.''
Minahal niya ako at minahal ko siya, 'diba dapat masaya at nakakakilig?
Pero bakit pakiramdam ko malungkot ako at ang sakit-sakit!
Sabi nila, isa raw ako sa pinakamaswerteng babae dahil 'yung pinapangarap nila na mahalin, pinangarap na mahalin ang isang babaeng katulad ko.
''Mahal ko siya sobra!''
''Iniintindi ko siya, kahit sorang sakit na.''
''Kakayanin ko, kahit maubos pa ang luha ko.''
''Dahil ang pagmamahal ko sa kanya, hindi mauubos hanggang sa huli.''
Pero nagulat ako nang bigla niya sabihin sa'kin--
''Iwanan mo na ako!''
''Lumayo ka na!''
''Hindi na kita mahal!''
''Patawad, dahil mas mahal ko sila.''
''Patawad... Kairi!''
Kaya ba pigilan ng puso ang magmahal dahil sa kumplikadong sitwasyon?
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomancePangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...