Kakabukas lang ng pintuan ng elevator nang may nakita ako isang babae na naglalakad paakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng palihim hanggang sa nalaman ko isa pala siya sa mga napili sa online audition. Tinitigan ko mabuti ang pangalan niya at nabasa ko— Kairi. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nakita ko siya sa SH.
Unang beses ko palang siya nakita at ayokong magsinungaling na nagustuhan ko na siya kaagad nang mga oras na 'yun. Nakatayo lang ako sa gilid nun habang tinititigan ko siya, sobrang ganda niya kaya ipinagdasal ko na sana isa siya sa mapili na maging official trainee ng SH.
Kinabahan na ako nang tawagin siya para pumasok sa loob, kapag hindi siya lumabas pagkatapos ng limang minuto ibig-sabihin pasado siya. Halos sampung minuto na ako naghihintay na bumukas ang pintuan nagbabakasakaling nagkamali lang ako sa limang minuto, pero hindi ko talaga siya nakita lumabas kaya sobrang masaya ako dahil alam ko na ang sagot.
Naalala ko aalis na pala kami para ipagpatuloy ang training namin sa ibang lugar, dahil naka line-up na kami para ma-debut.
Kaya nung araw na nakabalik kami ng SH, sobrang excited ako na makita si Kairi. Palingon-lingon ako sa paligid nun at nagbabakasakaling makasalubong ko siya.
Hanggang sa lumabas kaming lima nila Cullen, Kenji, Paulo, at Justin para bumili ng makakain sa labas. Nagulat nalang ako nang makita ko si Kairi na nakaupo sa tapat ng store, gusto ko na siya kaaagad lapitan pero biglang lumabas si Azami.
Nakatitig lang ako sa napakagandang mukha ni Azami, habang hinahangin ang mahaba niyang buhok. Ipinakilala siya sa amin ni Azami, kaya pagkatapos magsalita ni Kairi, mabilis ako nagpakilala sa kanya.
Lumipas ang mga araw, si Kairi ang isa sa dahilan kung bakit masaya akong gumigising sa panibagong araw at excited na mag-praktis dahil madadaanan namin ang kwarto kung saan sila nagtra-training.
Madalas ako ang unang kumakausap sa kanya sa tuwing nakakasalubong namin siya, lalo akong nahuhulog sa napakagandang ngiti niya.
Masaya ako sa tuwing nakikita ko siya, kahit alam ko sa sarili kong gusto ko si Kairi, hindi ako masyadong naiilang sa kanya, pero wala akong lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman ko kaya idinadaan ko nalang sa bawat pangungulit at biro para mapatawa ko siya.
Dumating na rin ang araw na official ng na debut ang grupo namin SB5. Maraming nagmamahal at kinikilig na mga fans sa amin, sa'kin. Ini-imagine ko si Kairi na nakatayo sa harapan namin habang sinusuportahan kami. Ang ganda niya siguro pagmasdan nun.
Maraming beses na sa tuwing nakikita ko si Kairi, gusto ko talagang magtapat at sabihin gusto ko siya. Dahil habang tumatagal parang palalim ng palalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ilang beses ko sinubukan, pero wala akong nagawa kundi ang titigan nalang siya sa bawat segundo at minuto na dumadaan siya sa harapan ko.
Hanggang isang araw pagpunta namin sa hospital para dalawin si Justin, nagulat nalang kaming lahat nang may narinig kami parang nag-aaway sa loob ng kwarto ni Justin.
Pagkabukas namin ng pintuan, nagulat ako nang makita ko si Kairi sa loob. At nalaman ko nalang— may gusto rin pala sila Paulo, Cullen, Kenji, kay Kairi at ang pinakamasakit ay nang malaman ko girlfriend siya ni Justin.
Pakiramdam ko biglang bumagal ang oras nun habang nakatayo ako sa loob ng kwarto. ''Bakit sa dami ng babae na nagkagusto sa amin, bakit si Kairi pa ang nag-iisang nagustuhan namin lahat?''
Pero dahil wala naman akong magagawa, kung totoong nagmamahal sila. Handa naman ako suportahan ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.
Alam ko na pinagbawalan kami magka-girlfriend, pero hindi naman kasi namin kayang pigilan na hindi magmahal eh! Hindi rin naman talaga natin masasabi kung kailan tayo mahuhulog sa isang tao, lalo na kapag 'yung taong iyon ay kayang ibalik ang pagmamahal na nararamdaman natin para sa kanila katulad nang nangyari kay Justin.
Magkaiba man kami ng nararamdaman ng taong gusto ko, masaya ako para sa kanya dahil may tiwala ako kay Justin alam ko mamahalin at ipaglalaban niya si Kairi hanggang sa huli.
Kilala namin si Justin, kahit gaano siya mahirapan sa isang sitwasyon. Hindi niya isusuko kahit ilan pa ang mga bagay na 'yun lalo na kapag sobrang mahalaga iyon sa kanya katulad ni Kairi.
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
Любовные романыPangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...