CHAPTER 29: HELLO! MY NAME IS YURI

81 10 0
                                    


FEBRUARY 10, 2016

Masaya ako para sa kaibigan ko si Kairi na naging trainee siya ng SH Entertainment. Alam ko naman matagal na niya pangarap na maging trainee at ma-debut under SH.

Mayroon din pagkakataon na nalulungkot ako kasi hindi ko na siya masyadong nakakasama. Hindi na kami nakakapag-bonding pagkatapos ng klase dahil dumidiretso na siya sa training.

Ito ang huling araw na makakasabay ko umuwi si Kairi galing school, gusto ko man sabihin sa kanya na ngayon ang flight ko pauwi ng Japan, pero mas pinili ko nalang na ilihim sa kanya. Alam ko malulungkot siya kapag nalaman niya babalik na ako sa Japan, dahil hindi na kami magkakasama. Ayoko siya nakikita malungkot, gusto ko siya laging nakikita na nakangiti kaya ayoko makita na mabura ang mga ngiti niya sa harapan ko.


FEBRUARY 15, 2016

Nagtataka ako dahil ilang araw na ang lumipas pero wala akong natanggap na message kahit sa twiitter galing sa kanya. Bakit hindi niya ako hinahanap? Nagalit ba siya? Nagtampo dahil hindi ko sinabi sa kanya kaagad na uuwi na ako? Nag-message ako sa kanya sa email niya pero malapit ng mag 12:00am wala pa ako nakuha reply mula sa kanya. First time ko hindi makakuha ng reply ni Kairi, pagkatapos ko mag-message sa kanya. Hindi ako sanay, kasi kahit late na nakakapag-reply pa rin siya sa'kin.


FEBRUARY 17, 2016

Pagkauwi ko galing school nanghina ako sa balita narinig ko tungkol kay Kairi. Nag-check ulit ako ng mga messages ko sa kanya, nagbakasali ako na hindi totoo ang balita narinig ko at makita ko na nag-reply na siya sa'kin, pero wala akong nakita kahit isa reply niya.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko, kaya pala wala ako nakukuha reply galing sa kanya. Naalala ko pa 'yung masayang ngiti niya sa'kin nun— ang saya-saya pa niya bago kami maghiwalay. Hindi lang kaibigan si Kairi para sa'kin, dahil kapatid na ang naging turing ko sa kanya. Siya lang 'yung isang tao na nakakaintindi sa'kin kapag hindi ako maintindihan ng iba lalo na ng sarili ko.

Humiga ako sa kama, habang nakatitig sa bintana at nararamdaman ko pa rin ang patuloy na pagluha sa mga mata ko. Sobrang lungkot ko lalo na nang malaman ko nawala ang alaala niya.

Simula nun ang madalas ko nalang na nakakausap ay si Cullen, dahil hindi naman ako makikilala ni Kairi kaya hindi nalang muna ako nagpakilala muli sa kanya. Hanggang sa nagkwento si Cullen sa'kin na nagkita sila ni Kairi sa SH Entertainment.


APRIL 10, 2017

''Nagkita kami dalawa ni Kairi, pero hindi niya ako kilala. Tiniis ko 'yung sakit na nararamdaman ko habang nakatayo siya sa harap ko at sinabi ang paagalan niya— KAIRI.'' Umiiyak at nararamdaman ko ang lungkot ng boses ni Cullen.

Gusto ko yakapin si Cullen, ayoko rin siya nakikita malungkot dahil matagal ko na ako may gusto sa kanya. Una palang nang isinama ako ni Kairi sa dance competition nila nun, pakiramdam ko na-in love na ako sa kanya. Madalas rin kami magkakasama.

Hanggang sa isang gabi nakita ko sila magkasama at narinig ko ang mga sinabi ni Cullen kay Kairi. Doon ko nalaman na matagal na pala siya may gusto kay Kairi, pero hindi nagbago ang pagtingin sa kanya bilang kaibigan.

Kahit alam mo si Kairi ang gusto niya, pero gusto ko pa rin mahalin at pahalagahan si Cullen. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya hindi ko rin napigilan maluha, habang naririnig ko ang malungkot na boses niya. Lalo na magkakasama sila ni Kairi sa SH, madalas sila magkikita pero hindi siya kilala ni Kairi.

Simula nang araw na iyon, sa tuwing nagkwekwento si Cullen sa'kin, at sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak niya— nararamdaman ko pa rin na hindi nagbabago ang feelings niya para kay Kairi. Kahit araw-araw siya nasasaktan, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal na ibiniigay niya para sa babaeng mahal na mahal niya.

Nasasaktan ako tuwing naririnig ko ang pag-iyak niya, lalo na kung ang iyak na iyon ay dahil sa ibang babae mahal na mahal niya. Naiintindihan ko si Cullen, dahil 'yung sakit na nararamdaman niya ay tumatagus sa puso ko— pero katulad niya kahit may iba siya mahal at hindi ako ang babae na iyon, walang iba gusto ang puso ko kundi siya lang hanggang sa huli.

Lahat nalaman ko dahil kay Cullen, lalo na nang sinabi niya na ang grupo niya SB5 ay nagkakagusto sa iisang babae at walang iba kundi si Kairi. Hindi rin naman niya masabi na matagal na niya kilala at gusto si Kairi, dahil mas pinili niya tumahimik nalang kahit sobrang sakit ang naging desisyon niya.

Hindi ko mabilang kung ilang beses ng umiyak sa'kin si Cullen sa phone dahil kay Kairi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang bigla niya sabihin sa'kin si Justin na ka grupo niya ay ang taong pinili mahalin ni Kairi.

Masaya ako dahil inisip ko may pag-asa ako na mahalin ni Cullen, pero pakiramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niya kay Kairi— kahit kailan hindi ko mararamdaman dahil alam ko ang pag-ibig na iyon ay nakalaan lang sa isang babae at si Kairi na bestfriend ko ang babae na iyon.

Sa dalawang taon na palagi ko kausap si Cullen, alam ko hindi na talaga mawawala ang pagmamahal niya kay Kairi, kaya siguro kailangan ko na rin siya bitawan at mag-move on.

Kapag dumating ang araw na makatagpo siya ng ibang babae na mahahalin at kung hindi talaga ako ang babae na iyon, magiging masaya pa rin ako para sa kanya. Magiging masaya ako na hindi ko na mararamdaman ang pag-iyak niya, dahil masaya na siya.


AUGUST 27, 2018

Masaya ako marinig ang balita na bumalik na lahat ng alaala ni Kairi.

Next month, handa na rin ako bumalik muli ng Pilipinas para makita ang dalawang bestfriend ko si Kairi at Cullen.

Ang dalawang bestriend ko na nagpaluha, at nagpangiti sa'kin. 

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon