Sobrang lakas ng ulan sa labas pero pumunta pa rin ako sa hospital, dahil gusto ko makita si Justin. Wala eh! Sobrang mahal ko talaga siya.
''Bakit nandito ka na naman? Hindi ka ba napapagod?''
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga prutas at tinapay na dala ko nang bigla ko marinig ang seryosong boses ni Justin.
''Kasi nandito ako, kasi nandito ka, kasi gusto kita makita, at hindi ako napapagod kahit araw-araw ko gawin 'to'' mabilis ko sagot sa tanong niya, sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
''Oh! Ito tubig, uminom ka muna'' sabi ko sa kanya, pero nagulat ako nang bigla niya ito ibato at hindi ko na naman napigilan ang patulo ng luha ko.
''Hindi ko kailangan niyan! Bakit ba ang kulit mo?''
''Kailangan mo ba talaga gawin sa'kin 'to?'' lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya, pero maibilis siya tumalikod sa'kin.
''SANA MAGKAROON KA NALANG NG AMNESIA! PARA MAKALIMUTAN MO NA AKO!'' nanghina ako sa narinig ko bitiniwan na salita ni Justin, pakiramdam ko nahihirapan ako sa paghinga kasabay ng pagdilim ng paningin ko. Umiiyak na naman ako dahil kay Justin.
Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko sila Lester, Kenji, Cullen, at Paulo. Mabilis ko pinunansan ang mga luha sa mukha ko.
''KAIRI?'' sai ni Paulo.
''Nag-aaway ba kayo ni Justin?'' tanong naman ni Lester.
''Kairi, don't tell me— '' sunod na sabi ni Paulo.
Gusto ko ng tumakbo palabas ng kwarto. Tumingin ako kay Cullen, hanggang sa bigla niya hinatak ang braso ko.
''Wait! Anong nangyayari dito? Mayroon ba kami hindi alam na dapat na namin malaman ngayon?'' tanong ni Paulo, habang nakatayo sa gilid ng kama.
''Cullen? Kairi?'' tumingin ako kay Paulo, pero biglang nagsalita si Kenji.
''Hayaan niyo na kausapin ni Cullen si Kairi, dahil ang totoo matagal na sila magkakilala bago pa naging SB5 si Cullen.'' Umupo siya sa sofa at nararamdaman ko na kung ano pa ang mga susunod niya sasabihin.
''Magkakilala? O, magkarelasyon?'' tanong naman ni Lester.
Tumingin ako kay Justin, pero kaagad siya umiwas ng tingin sa'kin.
''HINDI! Si Kairi at Cullen, magkaibigan lang sila. Pero— '' bigla itinuro ni Kenji si Justin. ''Si Kairi at Justin, naging sila. At kailan ko lang din nalaman ang tungkol sa lihim na relasyon nila dalawa.''
''ANOOOOOOO?'' magkasabay na sabi ni Lester at Paulo.
Hindi na nga ako nagkamali, ipinagtapat na niya ang lahat. Mabilis na lumapit si Paulo at Lester kay Justin, habang ako naman hinila na ni Cullen palabas ng kwarto.
''Okay ka lang? ha?'' habang inayos niya ang buhok ko.
''Hindi, pero kakayanin.'' Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.
''Kairi naman eh! Mamaya kung anong mangyari sa'yo, pinag-aalala mo na naman ako.''
''Sobrang sakit pala talaga kapag nasaktan ka, lalo na kung 'yung tao na 'yun eh! Kahit na minsan hindi sumagi sa isipan mo sasaktan ka.''
''Culen, alam mo 'yung mas masakit— kapag inisip ko na siya ang unang nagparamdam ng pagmamahal sa'kin, pero siya rin pala ang unang bibitaw sa relasyon namin.'' Isinandal ni Cullen ang ulo ko sa balikat niya, habang nasa loob kami ng kotse niya.
''Sandali lang, bibili lang muna ako ng makakain ha.''
Haang hinihintay ko si Cullen, bigla ko naalala 'yung bag ko na naiwan sa kwarto ni Justin, kaya bumalik ulit ako sa taas para kunin iyon.
Napahinto ako sa gilid ng kwarto ni Justin, nang marinig ko nag-uusap sila.
''Justin, alam ko pinagbawalan tayo na magkaroon ng girlfriend. Pero hindi naman kita masisisi kung talagang minahal mo si Kairi dahil— ''
''Ou. Alam ko may gusto ko kay Kairi, kayong lahat! Si Lester, Kenji, at Cullen— alam ko gusto niyo si Kairi.''
Narinig ko may pumalakpak ng malakas.
''Alam mo naman pala. Eh! Bakit sinasaktan mo pa 'yung babaeng pinili ka mahalin, habang kami nasasaktan dahil hindi namin makuha 'yung pagmamahal na gusto namin mula sa kanya, dahil sa'yo niya lang iyon pinili na ibigay.''
Napapapikit nalang ako sa mga salitang narinig ko, lalo na sa mga sinabi ni Kenji.
''Ou! Totoo may gusto rin ako kay Kairi, pero nararamdaman ko may ibang nilalaman ang puso niya kaya hindi na ako naglakas loob na magtapat sa kanya, dahil alam ko na rin naman ang isasagot niya. Justin! WAKE UP! Alam natin bawal, pero kung kaya niyo naman ipaglaban hanggang sa huli— bakit kailangan mo sumuko at saktan siya.'' Narinig ko sabi ni Lester.
''Ou! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! At hindi ko kayang mawala siya sa'kin, pero kasi ginawa ko lang naman iyon para hindi na siya lalong masaktan pa. Ginawa ko iyon para maprotektahan ko siya. Madalas ako wala sa tabi niya sa tuwing kailangan niya ako, dahil nalulungkot siya. Kaya gusto ko nalang siya itulak sa iba, 'yung lalake kahit anong oras masasamahan siya. Kahit sobrang sakit para sa'kin na makita ko siya may kasama ng iba.''
''Bakit kailangan mo siya bitawan, kung patuloy pa rin naman siya nakakapit kahit sikreto ang relasyon niyo. Alam mo kung gaano kasakit na hindi niya marinig na ipagsigawan mo sa buong mundo na siya ang babae mahal na mahal mo, lalo na sa tuwing naririnig niya sinasabi mo wala ka girlfriend sa mga interviews natin. Lahat iyon, masakit para sa kanya pero pinilit niya huwag pansinin dahil naniniwala siya sa'yo na mahal mo siya, masaya siya sa paraan na ipinapakita at pinaparamdam mo sa tuwing kasama ka niya, basta ang mahalaga KAYO kahit walang nakakaalam. Inilihim mo nga sa amin eh!'' Narinig ko naman sabi ni Kenji.
Iyon pala ang paraan na gusto ni Justin para protektahan niya ako, pero sa lahat ng ipinakita niya paraan iyon ang pinaka hindi ko nagustuhan. Totoo lahat ng sinabi nila, buti pa sila naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko, samantalang 'yung taong mahal ko—hindi ako maintindihan.
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomancePangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...