CHAPTER FIVE: SB5 DEBUT DAY

151 8 0
                                    


MAY 26,2017

Sa bawat araw na lumipas sa pagsalubong ko sa napakagandang sikat ng araw at ang malamig na hangin na dumadampi sa aking mukha. Humihinga ako ng malalim at nagpapasalamat sa panibagong araw. Bawat araw may panibagong pag-asa, bawat araw may panibagong pagkakataon, kaya patuloy ako na lumalaban sa pag-abot ng aking mga pangarap.

''Kamusta kaya sila ngayon?'' Tanong sa'kin ni Azami, habang nag-strenching kami.

''Ha? Sino?''

''Omg! Kairi, ikaw nalang ba hindi updated.''

''Hahaha!! Sino ba? Ah! Ngayon ba 'yun?''

''Yayayaya!!! Akala ko kinalimutan mo na eh!''

''Ang saya siguro sa pakiramdam nun. Pero sobrang nakakakaba.''

''S'yempre mix emotions sila. Mapapagod ka pero masaya sa pakiramdam. Marinig mo palang ang mga palakapan ng mga tao pagkatapos n'yo mag-perform sobrang masaya na eh.''

''Excited ako kapag nagkaroon na sila ng concert. Sana makapunta tayo.''

''Ou nga nuh. Sobrang saya nun. Sobrang nakaka-proud pero papayagan kaya tayo?''

''P'wede naman siguro.''

''Hindi naman natin isisigaw na trainee tayo sa SH eh!''

''Hahahaa! Patawa ka na naman d'yan.''

Habang nag-uusap kami ni Azami. Pinapatugtog namin 'yung kanta ng BTS na 'Boy with Luv.'

~ Oh my, my, my, oh, my, my, my, I've waited all my life ne jeonburuel hamkkehago sipeo. ~

Kaya mas lalong nagiging masaya ang usapan namin dalawa. Iba rin talaga 'yung saya na naibibigay ng mga kanta ng BTS, pero inaabangan namin 'yung ire-release na mga songs ng SB5 and MV's kaya mas nakaka-excite. #ProudTraineeOfSHEntertainment.

Pagkatapos ng training namin, pumunta kami sa convinient store. Naglalakad kami nang maalala ko 'yung unang araw na na-meet ko ang SB5.

''Simula ngayong araw mas lalo na sila magiging busy.'' Sabi ko kay Azami, habang namimili ako kung anong kukunin ko flavor ng ice cream. Gusto-gusto ko ang ice cream pero bihira lang kami makakain #voicelesson.

''Ou. Sunod-sunod na schedule nila, lalo na 'yung mga interviews at guesting nila. Miss mo na ba sila? Yiiieee! Kairi!''

''Ayan ka na naman eh! Ipipilit mo na naman may crush ako kay Cullen.''

''Haha! Uy! Ah! Wala ako sinasabi Kairi ah. Si Cullen talaga.''

Nang makalabas na kami ng convinient store, may nakita kami mga babae na biglang nagtatakbuhan papunta sa tapat ng SH building. Makikita mo ang mga hawak nila mga larawan ng SB5, messages na nakasulat sa isang malaking papel, ''Congratulations! SB5. We love you!'' Sobrang ingay nila at sabay-sabay nila sinisigaw ang SB5!

''Oh! Nand'yan na pala sila eh!''

''Kaya pala biglang umingay na naman ang kapaligiran. Grabe! Bakit parang gusto ko sumali.''

Pabiro ko sabi kay Azami. Ang sarap kasi pagmasdan ng mga fans nila na todo suporta.

''Haha! H'wag ka nga magpanggap na fan d'yan.''

''Bakit, fan naman ako ng SB5 ah. Haha!''

''Oh! Sige, sino bias mo sa SB5?''

''Ay! Weh, ayan na inumpisahan mo na naman.''

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon