Sobrang ingay ng paligid, lahat sila makikita mo nagsasaya sa kaarawan ng mahal namin CEO na si Sir. Nathan. Magkakasama kami nagdiriwang ng kanyang kaarawan, lahat ng artists at mga trainees. S'yempre hindi mawawala ang mga performances ng mga na debut na grupo kasama ang SB5. Napakaganda ng paligid, ang ganda ng mga ilaw na nakapalibot sa venue. Nakatayo kami sa gilid ng isang mahabang pool at makikita mo ang isang stage sa dulo. Alam ko magiging sobrang saya ng gabi na ito.
''Kairi! Grabe! Ang bait talaga ni Sir Nathan, kaya mahal na mahal ko talaga ang SH eh!''
''Mahal na mahala ang SH, o mahal na mahal mo si Sir Nathan.''
''Shhh!! Both!!...''
''Hahaha! Naku! Pagkatapos ni Cullen, Sir. Nathan naman next target mo.''
Nakasuot ako ng kulay peach na cocktail dress, habang si Azami naka-pink dress. Magkaiba kami ng kulay ng damit ni Azami pero parehas kami naka silver na sapatos, binili namin magkasabay. Parehas din nakalugay ang aming buhok at may suot kami kambal na headband.
Naguusap kami ni Azami, nang marinig ko tawagin ang SB5 para mag-perform sa stage. Habang pinapanuod ko sila, naalala ko si Kenji at Paulo. Ayoko na talaga isipin pa ang tungkol sa sinabi nila sa'kin pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isipan ko lalo na sa tuwing nakikita ko sila.
''Azami, di'ba p'wede naman tayo uminom ng alak ngayon?'' Pakiramdam ko nauhaw ako bigla sa alak.
''Ou! Hmmm. Bakit gusto mo uminom?''
''Ou eh! Ngayon lang naman 'to, kaya sulitin na natin.''
''Okay! Let's go!''
Sabay kami kumuha ng inumin ni Azami at uminom ng sabay!
''Cheeeerrrssss!!! Kairi!!!''
''Cheeerrrsssss!!!''
''Sana laging birthday ni Sir. Nathan para nandito tayo lagi sa hotel niya.''
''Hahaha! Nababaliw ka na naman.''
''Dahan-dahan lang sa pag-inom, Kairi ha. Haha!''
''Anong ako! Ikaw kaya magdahan-dahan diyan.''
Masyado na kami nagsaya ni Azami, napasarap na kami sa pag-inom ng alak. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo pero alam ko kaya ko pa, kaya patuloy pa rin ako uminom.
''K... ka... kairiiiiii!! Tara, sayaw tayo doon oh.'' Pagaaya niya sa'kin, pero ayokong sumayaw. Hawak-hawak pa rin ni Azami ang red wine glass nang iwanan niya ako. Nakikita ko medyo lasing na rin si Azami dahil nagwawala na siya magsayaw kasama ng iba trainees.
''Haha! N... n... nakuuuuu! Lasing na si Azami hahahaha!!''
Haiiist! Iniwan na ako ni Azami. Pinapanood ko si Azami nang may nakita ako isang lalake na biglang sumulpot sa harapan ko.
''Kairi? Kairi!'' Tinitigan ko 'yung lalake.
''Ey! Haha! Kairi?'' Naririnig ko ang pagtawa niya sa harapan ko.
''Oh! Bakit, bakit ka nand'yan? Umalis ka sa harapan ko!''
''Kairi! Hala! Lasing ka na ba?'' Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.
''Hahaha! Hindi ah! Bakit naman ako malalasing. Lester!''
''Ah! Akala ko hindi mo na ako kilala eh. Kasi lasing ka na."
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
Roman d'amourPangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...