''Hi! Kai, why you're so pretty? Kaya ang daming umiiyak na lalake sa'yo araw-araw dito sa campus eh!'' sabi sa'kin ni Yuri. She's my one and only childhood bestfriend.
''Araw-araw mo nalang ba sasabihin sa'kin 'yan? Ha!'' Sagot ko sa kanya.
Araw-araw ako hinihintay ni Yuri kapag pumapasok kami sa school. Papalapit palang ako sa gate ng school makikita ko na siya nakatayo sa gilid. Hindi ko alam kung bakit tinawag nila ako ''prettiest girl'' sa campus. Ang dami-dami naman magaganda, pero hindi ko na rin masyadong pinapansin dahil masaya ko lagi sinasalubong ang bawat araw nang nakangiti. Para hanggang sa matapos ang buong araw, lahat magiging masaya.
Nang makarating na kami sa loob ng school, dumiretso ako sa locker ko.
''Wow! Kailan mo kaya bubuksan 'yan ng walang mga love letters. Sana all!'' Sabi sa'kin ni Yuri, na mas kinikilig pa kaysa sa'kin.
''Hahaha! Hayaan mo na sila, d'yan sila masaya eh! Appreciation lang girl. S'yempre nag-effort sila. Wala nga lang sila makukuha reply.''
Hindi na rin kami nagtagal at pumunta na kami sa classroom. Hindi ako masyadong friendly, pero hindi naman ako snob. Ewan ko, pero maybe it's my personality kaya si Yuri lang nag-iisang bestriend ko. Madalas tahimik lang ako habang nagbabasa ng mga notes namin habang wala pa klase habang nakikinig ng mga kanta ng BTS.
''D-day pala ng result ng prelim exams natin Kai.''
'Yes! Kaya magpa-party na naman tayo mamaya.''
Nang dumating na 'yung professor namin, isa-isa niyang ibinalik ang test papers.
''Kairi Renessance, keep it up the good work!'' Sabi ng professor namin, habang nakangiti siya sa'kin. Sa totoo lang pogi si Sir, kaya kapag siya na ang pumapasok sa classroom inspired na naman lahat ng kaklase ko babae. Ako? Normal lang, wala ako crush sa kanya kahit walang naniniwala sa'kin.
''Thank you, Sir.''
'' Wow! Kai, consistent! Kaya idol talaga kita eh! Matalino na! Maganda pa!''
''Tumahimik ka nga d'yan, Yuri. Nababaliw ka na naman eh! Haha!''
Kahit si Yuri lang madalas ko kasama sa maghapon, masaya na ako. Sobrang bait sa'kin ni Yuri at supportive. Alam niya kapag may problema agad ako, kahit hindi ko sabihin sa kanya malalaman at mararamdaman niya 'yun. Minsan feeling ko nakakabasa siya ng isip, o sadyang kilalang kilala niya lang ako dahil sa matagal na rin kami magkaibigan.
Tapos na ang klase kaya bumalik na muna ako sa locker para kunin 'yung mga letters. Lahat ng natatanggap ko mga letters, binabasa ko. Dahil napapasaya rin nila ako sa mga sulat na binibigay nila sa'kin. At nakakakuha rin ako ng lakas ng loob sa mga bagay-bagay dahil sa mga magagandang salita na sinasabi nila. Hindi naman ako 'yung klase ng babae na tinatapon 'yung mga sulat na binibigay sa kanya. Ako, binabasa ko lahat dahil inisip ko kung paano na lang kung ako sila, at sila ako. Inisip ko rin kung ano 'yung mararamdaman nila kapag hindi ko binasa 'yung mga letters nila. Hindi man sila makakuha ng reply sa'kin malaman lang nila na binasa ko 'yun, alam ko sapat na 'yun para mapasaya ko rin sila.
6pm na pala kailangan ko na pumunta sa rooftop.
''Oh! Yuri, mauna na muna ako sa'yo ha. Sunod ka nalang.''
''Sige, sige. Kai, S'yempre hindi ako p'wede mawala dun.''
Kapag natatapos kami mag-exam hindi mawawala sa school ang simpleng event. At isa ito sa pinaka-favorite ko gawin ang makapag-perform sa stage. Sobrang saya sa pakiramdam kapag nasa taas na ako ng stage, at nakikita ko 'yung mga kapwa ko students na nag-cheer sa'kin. Habang kumakanta ako hindi ko mapigilan na maluha, ang saya ko talaga.
''Go! Kai!''
''Go! Crush!''
'We're always here for you! Kai!''
''Woooh!! Idol!''
''I love you! Crush!!!!''
Sigaw ng mga students habang kumakanta ako. Kahit na maraming beses na ako na nakapag-perform sa stage pakiramdam ko laging first time 'yung saya na nararamdaman ko. Siguro dahil sa mabilis din ako maka-appreciate sa mga simpleng bagay kaya mabilis rin ako mapasaya. Kaya excited ako lagi na matapos ang exam week para sa mini party namin na 'to. Pakiramdam ko naabot ko na ang mga pangarap ko dahil sa kanila. Kahit alam ko nasa mallit lang ako nasa stage, pakiramdam ko nagpe-peperform ako sa malaki stage 'yung may award katulad ng 'Daesang Award.' ''Oh! Di'ba taas ng pangarap ko. Lakas maka-MAMA Haha!'' Kapag ini-imagine ko na makapag-perform sa ganun kalaki stage at marami ka international fans, ''WOW! Panalo talaga!''
Pagkatapos ng party, hindi lang letters ang natatanggap ko. Dahil may mga gifts din ako natatanggap. Ang s'werte ko lang talaga sa college life ko, dahil sobrang blessed ako. ''Thank you! God!''
''Kai, feeling ko may crush na rin ako sa'yo.'' Biglang sabi sa'kin ni Yuri, habang inaayos namin 'yung mga regalo.
''Tumigil ka nga d'yan, Yuri. Inaatake ka na naman d'yan eh! Haha!''
Hindi rin naman kami nagkakalayo ng bahay ni Yuri, kaya tinulungan niya ako bititin 'yung mga regalo hanggang sa makarating kami sa bahay.
''Bye! Yuri, ingat sa pag-uwi ha. Thank you so much! Mwaaah!''
''Bye! Kai, see ya! Lablab!''
''Waaah!! Grabe! Sobrang nag-enjoy na naman ako ngayon araw. Feeling ko nakapag-concert na naman ako.'' Nang matapos na ako mag-himalos s'yempre kailangan ko mag-update sa twitter at messages ko. Habang nakaupo ako sa harapan ng kumpyuter, nag-check na ako ng email ko. Nagulat ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomancePangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...