CHAPTER FOUR: WHY

172 12 0
                                    


''Good Morning! Kairi!''

''Good Mooooooorning!! Azami!''

Magkasabay kami bumaba ni Azami para mag-breakfast nang makasalubong namin ang SB5.

''Hi! Gilrs!'' Masayang pagabati nila sa amin.

''Hello!'' Sagot ni Azami.

Nakita ko si Cullen. Naalala ko ang mamula-mulang niya mga mata pero nagulat ako nang makita ng mga mata ko na nakatingin na siya sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya na parang wala ako nakita kagabi, kahit hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit siya umiyak.

Nang makakuha na kami ng pagkain, umupo na kami ni Azami sa araw-araw namin p'westo.

''Uyy! Kairi. Nakita ko 'yung tingin mo kay Cullen ah! Parang may spark!''

''Ha? Issue ka girl! Hahaha!"

''Yiie! Crush mo si Cullen nuh?''

Ang aga-aga pero ang kulit-kulit ni Azami. Halatang mas kinikilig nga siya kaysa sa'kin.

''Shhhshs!! Hindi ko crush si Cullen. Okay?''

''Weeeeeeehh! Okay lang 'yan, kaso lang marami ka karibal sa kanya."

''Hah? Karibal?''

''Hindi ko pa pala nasabi sa'yo na siya ang 'MOST CHARISMATIC MEMBER NG SB5!!''

''MOST CHARISMATIC MEMBER! Hahaha! Ano naman? Hindi ko pa rin siya crush.''

''Promise? Hindi talaga, kasi isa ako sa magiging karibal mo. Hahaha!''

''Hahahahahaa!!! Azaaaami!!! Ikaw pala ang may crush kay Cullen eh!'' Tawang-tawa ako sa narinig ko. Siya pala ang may gusto kay Culen, pero pinipilit niya sa'kin.

''Pero nalulungkot ako!!!''

''Ha? Bakit ka naman biglang nalungkot. Eh! Ang saya-saya nga natin. Kilig na kilig ka pa nga!''

''Kasi di'ba malapit na mag-debut ang SB5.''

''Ou! Di'ba dapat masaya ka para sa kanila. Eh! Bakit nalulungkot ka?''

''Kasi mas dadami na 'yung magiging karibal natin kapag nag-debut na sila.''

''Hahahaha! Anong natin? FYI! Hindi ko crush si Cullen okay? At hindi mo ako karibal.''

''Weeeeeh?''

''Naku! Ang kulit mo Azami, hindi ko crush si Cullen.Paulit-ulit tayo?''

''Ay! Mayroon nga pala sila special peformance mamaya 7:00 pm sa rooftop.''

''I know. Akala ko nakalimutan mo na 'yun kakapilit mo sa'kin crush ko si Cullen.'' Pataray ko sagot sa kanya kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko.

Hindi madali ang pagiging trainee, magsisinungaling ako kung sasabihin ko madali lang. Pero kahit na mahirap, alam namin na kakayanin namin lahat ng pagsubok para sa pangarap namin. Ang makapag-perform sa stage sa harap ng maraming tao na sumusuporta sa'min at mapakita ang talento na meron kami. Kaya kahit na minsan mahirap, pinipilit ko pa rin na mas maging masaya sa araw-araw. I'm so happy for SB5, dahil natupad na ang pangarap nila. Inisip ko na kung kaya nila, kakayanin din namin. Sabay-sabay kami lilipad patungo sa pangarap namin.

7PM sa Rooftop.

''SB5! SB5! SB5!''

''We love you! Fighting!''

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon