CHAPTER TWELVE: I DON'T KNOW

105 10 0
                                    


Naglalakad ako papunta sa locker room nang biglang sumulpot sa harapan ko si Azami.

''Kairi! Good Morning! Kamusta pakiramdam mo?'' Ang saya-saya niya, wala manlang siya nararamdaman na pananakit ng ulo.

''Ito!!! Medyo masakit pa rin ang ulo ko.'' Napahawak ako sa ulo ko.

''Ikaw kasi eh! Bakit ka kasi naglasing kagabi?''

''Ako lang ba? Ikaw rin—'' biglang siya may ibinulong sa'kin.

''Nakita ko kayo ni Justin na magkasama kagabi Ah!''

Hinampas ko siya sa balikat.

''Shhhhsh! Anoooo? Ako at Justin?'' sobra akong kinabahan sa ibinulong niya.

''Ou, nakita ko kayo dalawa na pumasok sa kwarto ng hotel kagabi.'' Hinila ko ang kamay niya.

''Yah! Azami, 'yung bibig mo ha. Walang pagpreno? Mamaya may makarinig sa'yo eh!''

''Eh! Ano bang nangyari kagabi?''nakatayo siya sa harapan ko, akala mo prosecutor.

''Haiistt! Azami, sa totoo lang wala talaga ako maalala. Paggising ko kanina, mag-isa lang ako sa kwarto.''

''Yieeee! Ikaw Kairi ha... pero huwag mo kalimutan na isa 'yan sa pinakabawal— RELATIONSHIP BETWEEN TRAINEE AND ARTIST!''

Pagkatapos niya sabihin yun, naglakad na siya palayo sa'kin. Alam ko naman ang tungkol dun at alam ko talaga bawal! As in bawal! Bakit inlove ba ako? Hindi naman 'diba? Kasi okay naman na ako kay Jungkook, kahit malabong relasyon ang meron kami.


Binuksan ko na ang locker ko. Nakita ko na naman 'yung puti papel sa loob.

''Kairi! Kairi! Kairi! Hindi ka maalis sa aking isipan.

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa.''

''Ha? Sino ba 'to? Si Michael? Haha. Ay! Ewan'' ayoko sumakit pa lalo ang ulo ko kakaisip, dahil kahit ilang beses ko tanungin ang isip ko alam ko naman na hindi niya rin alam ang isasagot.


Umakyat ulit ako sa rooftop para sumagap ng preskong hangin.

''Ahhhhhhhh!!!! Nandito na naman ako!!!'' Itinaas ko pa ang aking mga kamay.

Naglakad na ako papunta sa paborito kong upuan, pero napahinto ako nang may nakita akong lalake na nakaupo. Inisip ko kung sino siya, paglapit ko— si Kenji. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasandal ang likod niya sa upuan, hindi niya yata namalayan ang paglapit ko sa kanya kaya naisipan ko na gulatin siya.

Pero hindi ko pa siya nahahawakan, nang bigla niya hilahin ang kamay ko dahilan para maglapit ang mga mukha namin. Nakita ko na naman ng malapitan ang mga mata ni Kenji.

''Gugulatin mo pa ako ha." bulong niya.

Ngayon ko nalang ulit nakausap si Kenji ng harap-harapan. Nagulat ako nang bigla niya ako tanungin— ''Kairi, bakit kayo magkasama ni Justin sa kwarto niya sa hotel kagabi?'' Napahinto ako sa paghinga nang marinig ko ang tanong niya at inilihis ko ang mga mata ko sa kanya.

''H... h... ha? Anong sabi mo?'' Ano? Nakita niya rin ako kasama si Justin? Hindi lang pala si Azami ang nakakita samin pati si Kenji. Hindi ko alam sasabihin ko kay Kenji, baka kung ano lalong isipin niya kapag sinabi ko sa kanya na wala akong natatandaan kagabi.

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon