APRIL 10, 2018
Happy 7th monthsary sa amin dalawa ni Justin. Isa ito sa pinka-special na araw para sa'kin, pero dahil nagkataon na concert ng SB5 ngayon, magsisinungaling ako kung sasabihin ko hindi ako nalulungkot dahil hindi ko makakasama si Justin ngayong araw. Pero naintindihan ko naman 'yung sitwasyon namin kaya kahit hindi ko siya makasama ngayon araw, makita ko lang siya magiging masaya na ako.
Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat 'SB5 concert'. Sa labas palang ng arena makikita mo na ang napakaraming fans na naghihintay sa pagdating nila. Makikita mo rin ang mga fans na namimigay ng libreng photocards, souvenir, posters, at kung anu-ano pa merch ng SB5.
Dumating na rin ang SB5 kaya nagsimula na magpapasok sa loob ng arena, naririnig ko ang mga sigawan nila at halata sa kanila sobrang excited sila na makita ang SB5. Ito talaga ang isa sa pinakamasayang araw ng pagiging fan, pumunta sa concert kasama ng mga kaibigan mo.
''Grabe! Ang saya! Nakakahawa 'yung mga fans nila, excited na rin ako'' sabi sa'kin ni Azami.
''Sus! Kinikilig ka na naman! Gusto mo lang naman talaga makita si Cullen na sumayaw eh!''
Pagkapasok namin, lumakas lalo ang sigawan ng mga fans. Paulit-ulit nila binabanggit ang mga pangalan nila Paulo, Cullen, Lester, Kenji at Justin, lalo pa nila nilakasan ang pagsigaw sa pangalan ng grupo na SB5. Mix emotions talaga ang moment na ganito. Sobrang proud ako sa SB5, lalo na kay Justin.
Nakaupo na kami ni Azami— VIP seated sa gilid ng stage, medyo malapit kami kaya kitang-kita kami ng SB5 kung magpapapansin si Azami at alam ko naman gagawin niya 'yun. Nakita na namin ang pag-akyat nila sa stage, kaya mas lalo pa lumakas ang sigawan sa loob ng arena. Habang pinagmamasadan ko ang mga fans nila, bigla ko na-imagine na kapag dumating na ang araw na ma-debut na rin ako kasama ni Azami at magkaroon ng concert, sobrang saya talaga sa pakiramdam lalo na kung ganito kalakas ang sigawan na maririnig mo. ''Best! Feeling ever!''
Matapos ang ilang kanta ng SB5. Ang masasayang mukha ng mga fans nila'y bigla nagbago nang magsimula na sila kumanata ng mga ballad songs nila. Nakita ko ang mga fans sa tabi namin ni Azami, naluluha na sila habang nakataas ang mga kamay nila na may hawak na lighstick na isinasaay nila sa melody ng kanta.
Pero bigla ako napatitig sa stage sa sumunod na kantang narinig ko. Isang pamilyar na awitin at ang sakit-sakit sa pakiramdam. Hindi ako p'wedeng magkamali, ito nga ang kantang pinarinig sa'kin ni Paulo sa recording studio at 'yun din ang araw na nagtapat siya ng feelings sa'kin.
''Bawat segundo at oras na lumilipas ikaw ang nasa isip
Pilitin man na ikaw ay kalimutan, ngunit 'di magawa
Dahil isinisigaw ng puso ko, IKAW lang at wala ng iba
Sa pagpikit ko, luha ko ay unti-unting papatak
Dahil ikaw pa rin hanggang sa panaginip''
Ang lungkot ng kanta, tagus-tagusan ang mga liriko. Hanggang sa biglang sumigaw si Azami— ''CULLEEEENNN! MY LOVEEEE!!'' kaagad naman siya narinig ni Cullen.
''My love!! My love!! Ka diyan! Mamaya ano isipin ng fans, lagot ka sa mga 'yun.''
''HHAHAHA! Nagpapatawa ka ba? Halos lahat naman ng fans na nadito, eh! Ayun ang isisigaw nila— LOVE ANG GALING GALING MO! LOVE, SOBRANG PROUD AKO SA INYO! 'yung mga ganun normal na salita ng fans, at hindi naman nila alam na kilala tayo ng SB5, ano ba malay nila satin.'' Patuloy niya iwinawagayway ang hawak niya lightsick.
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomancePangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...