Sobrang hilig ko ang pagsasayaw at mas minahal ko na nga iyon kaysa sa sarili ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapagsayaw, kulang nalang lahat ng tao na nasa paligid ko gusto ko nakikita sumasayaw pero ang OA naman kapag ganun 'di ba?
Kakatapos lang ng dance competition namin, naghiwa-hiwalay na rin kami ng mga kasama ko kaya mag-isa nalang ako ngayon naglalakad papunta sa sakayan ng bus— nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Sobrang masakit ang katawan ko at nararamdaman ko pinagpapawisan pa rin ako. Masakit ang ulo ko at gustong-gusto ko ng makauwi para makapagpahinga.
''Shshshs! Wala pa naman akong dala payong!'' nagpatuloy nalang ako maglakad habang nababasa ng ulan.
Nagulat nalang ako nang bigla ko maramdaman na hindi ako nababasa ng ulan, paglingon ko— nakita ko ang isang babae na nakatingin sa'kin habang hawak niya ang payong na dahilan para hindi ako mabasa.
''Hi! Okay ka lang ba?'' biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya, lalo na nang bigla niya hawakan ang noo ko. ''Sabi na eh! Kanina pa kita napapansin mukha masama ang pakiramdam mo. Baliw ka ba? Naligo ka pa sa ulan.''
Hindi ko alam kung saan siya galing at kung sino siya na bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Guardian angel ko ba siya? At bigla nalang din siya nagalit sa'kin.
''Huh? Wait, kilala mo ba ako? Hindi kasi kita kilala eh''
''Hindi rin naman kita kilala eh! Kaya huwag ka felingero!'' bigla niya ako hinila sa isang malapit na coffee shop.
Sobrang napapaisip talaga ako sa kanya, parang ayoko maniwala hindi niya ako kilala. Nakaupo ako sa loob ng coffee shop habang hinihintay ko siya sa pag-order ng kape. Hindi ko rin naman alam kung bakit bigla nalang din ako pumayag na sumama sa babae na 'to!
''Oh! Superduper hot coffee para sa isang katulad mo baliw na naliligo sa ulan kahit may sakit!'' inilapag niya sa harapan ko ang isang hot vanilla latte.
Umupo na siya, at itinali ang kanyang mahaba na buhok. ''Wow! Ang ganda pala niya, bakit ngayon ko lang napansin, kaso napakataray!''
''Ano? May sinasabi ka ba? Haha! Baiw ka yata talaga eh'' hinalo na niya ang iced caramel macchiato na oder niya.
''Ang lamig na nga eh! Iced coffee pa talaga ang order mo'' gusto ko rin magsungit sa kanya, pero iba talaga nararamdaman ko sa kanya at hindi ko maipaliwanag.
Iyon ang unang beses na nakausap at nakasama ko si Kairi. Sobrang memorable sa'kin ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung nakatadhana ba na makilala ko siya at sungitan niya ako ng ganun.
Hanggang sa sinabi niya sa'kin kung saan niya ako unang nakita.
''Hindi talaga kita kilala, pero ikaw 'yung isa member ng MIGOA7. Kasali kayo sa dance competition kanina 'di ba? Napapansin na kita kanina pa— napansin ko masama na pakiramdaman mo sa waiting room palang kanina. Kaya nagulat ako nang makita kita naglalakad kanina habang nababasa ng ulan. Sorry, sobrang lambot kasi ng hearty ko eh! Kaya nilapitan kita. Nag-alala lang ako sa'yo kahit 'di kita kilala.''
Pagkatapos ko marinig ang paliwanag niya, mabait naman pala siya, madalas lang siguro saniban ng katarayan niya.
Sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya, lalo bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman ako nagpa-palpitate dahil sanay ako uminom ng kape.
Simula palang ng araw na iyon, nagkagusto na ako kay Kairi. Inisip ko napaswerte ko lalake, dahil bigla nalang siya lumapit sa'kin. Hindi pa dito nagtatapos ang kwento namin sa coffee shop dahil may mga sinabi pa siyang hindi ko makakalimutan.
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomancePangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...