Naglalakad ako nang napatigil sa tapat ng dance studio ng SB5. Nakasilip ako sa isang maliit na salamin sa harap ng pintuan. Sobrang namangha ako sa galing nila sumayaw, hindi ko namalayan na habang pinapanood ko sila ang tagal ko na pala nakatitig kay Kenji— nang biglang napalingon si Kenji sa pintuan, dahilan nang biglaan pagtigil nila sa pagsasayaw. Nakita ko siya na papalapit sa pintuan, kaya dali-dali akong napatakbo sa may fire exit. Patuloy pa rin ang pagtakbo ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng fire exit. Mas lalo ko binilisan ang pagtakbo ko nang biglang— may humawak sa balikat ko.
''Kairi?''Hindi ko alam kung anong gagawin ko at sasabihin ko sa kanya, lalo na nang marinig ko ang boses niya at makita ko siya na nakatayo sa harapan ko. Hingal na hingal ako, habang nararamdaman ko ang mabilis na naman na pagtibok ng puso ko. Nakikita ko na naman ang mga mata niya. Si Kenji na naman ang nakikita ng mga mata ko!
''Bakit ka tumakbo?'' muli na naman niya akong tinanong. Pero hindi ako makasagot sa tanong niya. Nanginginig ang mga kamay ko, kinakabahan ako habang nasa harapan ko si Kenji. Nakikita ko ang bawat pagtulo ng pawis niya mula sa dulo ng buhok niya.
Naiisip ko na naman---''Si Jungkook ba 'to nasa harapan ko? Parehas kasi sila ng hairstyle ng buhok.'' Pero gusto ko man itanggi kung sino 'to lalake nasa harapan ko— alam ko si Kenji 'to. Si Kenji... si Kenji ng SB5! Huminga ako ng malalim at naglakas loob ako tanungin siya. Pagkakataon ko na ito para makausap ko si Kenji.
''K... ken... Kenji, may gusto sana ako itanong sa'yo pero okay lang din naman kung hindi mo sasagutin.'' Sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko ang weird hindi ko maintindihan.
''A... ano 'yun?''
''Bakit ganyan ka makatitig sa'kin? May nagawa ba ako mali sa'yo?''
''Ha? Hahaha!'' Matapos ko siya tanungin, tatawanan niya lang ako.
''Eh! Ikaw bakit ka biglang tumakbo?''
''Aah... uhhh... wala lang gusto ko lang, bakit?''
''Hahahahaha!'' Nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa, hindi ko alam kung tama ba na tinanong ko sa kanya 'yun. Pinagtritripan yata ako ng lalake na 'to. Nagsisisi na ako, sana pala hindi ko nalang tinanong sa kanya.
Habang tumatawa si Kenji, muli ko narinig ang pagbukas ng pintuan kasabay ng paghila ni Kenji sa kamay ko dahilan para mapayakap ako sa kanya. Naramdaman ko ang paglapit ng ulo niya sa tenga ko at ibinulong niya sa'kin— ''kasi gusto kita... Kairi!'' ang malamig na boses na narinig ko at ang bigla niyang pagyakap sa'kin ng mahigpit, naririnig ko rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Napakatahimik ng lugar nang marinig ko ang isa pang boses.
''Kenji!'' Isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ni Kenji.
Gusto ko pumiglas sa pagkakayakap niya sa'kin, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya sa'kin.
''H'wag ka lilingon, Kairi.'' Narinig ko muli ang malamig na boses ni Kenji. Nararamdaman ko ang unti-unting paglapit ng isang lalake samin dalawa.
''Kairi?''
''Cu... Cullen'' nagulat ako nang makita ko si Cullen at sa pangalawang pagkakaton sinubukan ko ulit na makawala sa mahigpit na pagkakayakap sa'kin ni Kenji.
''Kenji, please! Bitawan mo na ako.''
Naramdaman ko ang unti-unting pagtanggal ng mga kamay niya sa balikat ko. Nang matanggal ni Kenji ang mga kamay niya, muli akong tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Cullen, at hindi ko alam kung may dapat ba akong ipaliwanag sa nakita niya. Tumakbo ako nang tumakbo palayo hanggang sa makalabas ako ng SH building. Hanggang sa marinig ko ulit sa aking isipan ang ibinulong ni Kenji, ''kasi gusto kita, Kairi.''
BINABASA MO ANG
Hello! SB5. My name is KAIRI
RomantikPangarap ni Kairi na ma-debut sa SH Entertainment. Hanggang sa nakilala niya ang boy group na SB5, pero hindi niya inaasahan na mapapalaban siya sa sitwasyon na ang limang miyembro ng SB5 ay magkakagusto sa isang babae katulad niya. Makakaya niya ka...