CHAPTER 28: KAIRI AND CULLEN

81 11 0
                                    


[Kairi's POV]

Nag-send ako ng message kay Cullen. ''HELLO!!! My bestfriend Cullen. How are you? I miss you! Alam ko wala kayo training today! Hintayin kita dito sa bahay. See ya!''

Mararamdaman naman niya siguro kung anong ibigsabihin ng text ko sa kanya.

Buti nalang may listahan ako ng mga contact numbers, kaya na-save ko na ulit ang number ni Cullen. Nainis kasi ako dati sa kanya kaya binura ko number niya.

''Uhhmm. Ang tagal naman niya mag-reply, nagbago na ba number niya?''

Inisip ko baka nagbago na cellphone number niya, pero nagri-ring naman. Siguro may ginagawa lang siya, pero p'wede rin na nagulat siya dahil naalala ko na siya. ''Naku! Namiss ko talaga si Cullen. Ang dami ko gusto sabihin sa kanya.''

Nagtitingin ko ng mga previous na tumawag at nag-text sa phone ko, nagulat ako nang makita ko ang number ni Cullen na tumawag sa'kin. Ito 'yung araw na nakita ko siya paglabas ko sa coffee shop. ''OMG! Siya 'yung tumawag sa'kin nun.''

Nagpaikot-ikot ako sa kama ko, nalulungkot ako sa mga naalala ko. Siya pala ang tumawag sa'kin nang araw na iyon, pero hindi manlang siya nagpakilala sa'kin.

''KAIRI!!'' sigaw ni Mommy sa baba.

''Mommy. Bakit?'' lumabas ako nang kwarto, pagtapat ko sa hagdan nagulat ako nang makita ko si Cullen. Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung anong una ko sasabihin sa kanya.

''Sige na, Cullen. Umakyat ka na sa taas. Alam ko namiss mo si Kairi'' sabi ni Mommy sa kanya.

Pumasok ulit ako sa kwarto at iniwan ko bukas ang pintuan. Nakaupo ako sa kama nang makita ko na si Cullen na nakatayo sa tapat ng pintuan. Napayuko ako at nagtakip ng mukha gamit ang unan ko.

''Kairi'' tinawag na niya ako, lalong bumilis tibok ng puso ko.

''Oh! Bakit ka nandito?'' pataray ko sagot sa kanya.

Nakita ko ang pagyuko niya at paghawak ng mga kamay niya sa mata niya. Binibiro ko lang naman siya alam ko kung gaano niya ako sobrang namiss. Dahan-dahan na ako lumapit sa kanya.

''Ya! Huwag ka nga umiyak diyan!'' tinanggal ko ang mga kamay niya na nakahawak sa mukha niya at niyakap ko siya. ''I'm really sorry! Cullen.''

''I MISS YOU! KAIRI!'' naramdaman ko na naman muli ang yakap niya.

''Huwag ka na umiyak. Alam ko kung gaano mo tiniis lahat ng sakit diyan sa puso mo. I'm really sorry!'' pinunasan ko ang luha sa mukha niya at ngumiti ako sa kanya.

Masaya ako na makita siya muli na nagbalik na ang alaala ko. Sobrang masaya ako para sa kanya dahil natupad na ang pangarap niya. Bestfriend ko pala ang isa member ng SB5! I'M SO PROUD!

''Kairi, naaalala mo na talaga ako?'' nakahawak ang dalawang kamay niya sa mukha ko.

''Ay! Hindi! Ano ba? Gusto mo ba makalimutan ulit kita'' pabiro ko sagot sa kanya.

Bigla siya naglakad papunta sa gilid ng bintana kung nasaan nakakalat ang mga pictures namin.

''Nakatabi pa pala 'to?'' hawak niya 'yung singsing na ibinigay niya sa'kin.

''Ou naman. Syempre, friendship ring natin 'to 'di ba?'' alam ko nalungkot siya sa sinabi ko, dahil alam ko naman nung gabi binigay niya sa'kin 'yung singsing at bago ako magka-amnesia nagtapat siya ng feelings niya sa'kin.

''Kairi, thank you. Akala ko tinapon mo na 'to eh'' nagulat ako nang makita ko nakangiti siya. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang pagngiti niya, akala ko naman malulungkot siya naalala niya kung paano ko tinanggihan 'yung feelings niya.

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon