CHAPTER TWENTY-FOUR: IT'S YOU

87 9 0
                                    


''Sinabi ko na kay teacher Natalie na hindi ka muna makakapunta sa training ngayon, dahil masama pakiramdam mo''

''Thank you! Azami ha.''

''Ano ba kasi nangyari sa'yo? Bakit kasi nagpaulan ka kagabi?''

''Namiss ko kasi yung ulan eh'' nakahiga pa rin ako sa kama at yakap-yakap ang unan ko.

''Naku! Nababaliw ka na naman, sige na magpahinga ka nalang muna diyan.''

Naiiyak pa rin ako sa nangyari kagabi, hanggang ngayon paulit-ulit ko naririnig 'yung mga binitiwan na salita ni Justin sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan niya kung bakit niya ako biglang isinuko. Tumayo na ako at tumingin sa salamin, hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko nang makita ko ang kwintas na suot ko.

Pero hindi ko pwede pabayaan ang sarili ko kaya kumain na muna ako para makainom ng gamot. Umiinom ako ng gatas habang nakatingin sa bintana nang bigla ko makita sila Cullen at Kenji na naglalakad.

''Nasaan kaya si Justin ngayon? Ano kaya ginagawa niya?'' hindi mawala sa isip ko si Justin, pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanya na hindi na niya ako mahal. Alam ko may dahilan lang siya kung bakit niya nasabi sa'kin 'yun.

Lumabas muna ako at pumunta sa locker room para kunin ko ang black notebook ko. Bubuksan ko palang ang pintuan nang makita ko si Justin na nakatayo sa harap ng locker ko, mayroon siya hawak na puti papel at nakatitig lang siya dun. Nakatingin lang ako kanya pero hindi pa rin siya gumagalaw, hindi ko alam kung bakit siya nakatayo doon. Gusto ko siya lapitan pero pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko inilagay niya sa locker ko ang papel na hawak niya, pumikit at huminga siya ng malalim. At humarap palabas ng pintuan kaya dali-dali ako nagtago.

Lumabas na siya, kaya pumasok na ako sa loob. Pumikit muna ako ng tatlong segundo bago ko binuksan ang locker ko. Kinuha ko ang papel na hawak ni Justin kanina, nang bigla ako may naalala— hindi ito ang unang beses na nakita ko ang papel na ito. Ibig sabihin si Justin ang nagsusulat sa'kin nun, siya 'yung taong walang lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdamn niya kaya mas pinili nalang niya magsulat at ibigay sa'kin. Nanginginig ang mga kamay ko, lalo ko namiss si Justin. Binuksan ko ito at binasa.


''To MY ONE AND ONLY KAIRI,

Natatandaan mo pa ba 'yung una sulat na ibinigay ko sa'yo? O, nakalimutan mo na ako dahil hindi na ako nakapagsulat sa'yo? P'wede rin naman namiss mo ako haha. Alam mo ba sa tuwing ibinubukas ko ang aking mga mata, ikaw ang lagi ko nakikita. Mula sa isip at sa puso ko palagi ka nandun. Lalo na sa tuwing nakikita kita ngumingiti, ayoko ng lumakad pa palayo sa'yo. Ang mga ngiti mo ang pinakamagandang dahilan ng pagdilat ng mga mata ko.

Kaya nang makita ko ang luha mula sa iyong mga mata kagabi, gustuhin ko man punasan 'yun gamit ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Patawarin mo ako kung naging dahilan ako ng pagpatak ng mga luha mo. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. At patawarin mo ako sa biglaan ko pagsuko sa relasyon natin dalawa.

Kairi, I really like you when we first met. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung oras na ipinakilala ka sa amin ni Azami. And I've never thought that you would stay in my heart for a long period of time. You know, how many times I tried to confess my feeling for you until that night came to us.

I'm really sorry, Kairi. Ito na ang huli na sasabihin ko ang salita na ito sa'yo— I LOVE YOU SO MUCH! KAIRI, THANK YOU SO MUCH FOR YOUR UNFORGETTABLE LOVE. Please! Forget me. Forget my name and everything between us.''


Nanghina at napaupo ako matapos ko mabasa ang mga sinabi ni Justin. Gustong-gusto ko siya yakapin ng mahigpit pero wala siya sa tabi ko. Gustong-gusto ko sabihin sa kanya— ''I love you so much! Justin, but I will NEVER FORGET YOU.'' Umiyak na naman ako habang yakap ang sulat galing kay Justin.

''Kairi, okay ka lang? Anong na naman nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?'' bigla ko nakita si Cullen na nakaupo sa harapan ko at mabilis na pinunansan ang mga luha sa mata ko.

Bakit lagi nalang dumadating si Cullen kapag umiiyak ako mag-isa. Stalker ko ba siya? Bakit lagi nalang ako napapasandal sa balikat niya sa tuwing nakikita niya ako nagkakaganito. At bakit lagi akong kumportable sa kanya, lalo na kapag hinahaplos niya ang buhok ko.

''Sino ka ba, Cullen? Kilala mo ba si Kairi?'' mahina ko tanong sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa paghamplos ng buhok ko. 

Dahan-dahan ako tumayo at naglakad palabas pero bigla ako nakaramdam ng hilo. Muntik na ako bumagsak pero mabilis ako nahawakan ng Cullen, nakahawak siya sa balikat ko at inalalayan ako.

''Okay ka lang?'' naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking noo.

''Kairi, mainit ka. Nilalagnat ka! Halika na, sasamahan kita sa clinic'' unti-unting nagdilim ang paningin ko at pahina ng pahina ang boses ni Cullen.

Pagdilat ko nakita si Kenji na nakatayo sa harapan ko, habang nakahiga ako sa loob ng SH clinic.

''Kairi, anong nangyari? Okay ka lang ba?'' nakatitig lang siya sa mga mata ko. ''Nasaan si Justin, bakit hindi ka niya pinuntahan dito? Akala ko nandito na siya dahil pinaalam sa amin ni Cullen na dinala ka niya dito pero bakit wala si Justin?''

Naramdaman ko na naman ang mga luha sa gilid ng mata ko, kaya mabilis ko ito tinakpan ng braso ko habang nakatingin si Kenji sa'kin. Naramdaman ko ang dahan-dahan na pag-upo ni Kenji sa kama ko.

''Nag-away ba kayo?''

Hindi ko na napigilan maluha ulit nang marinig ko ang tanong ni Kenji. Ang sakit-sakit talaga ng nararamdaman ko, gusto ko yakapin si Justin sa mga oras na ito.

''Sige na. Iiyak mo lang 'yan. Alam ko hindi ako ang taong makakapgtanggal ng sakit na nararamdaman mo ngayon, pero nais ko malaman mo na isa pa rin ako sa mga taong 'di ko kaya makita na umiiyak ka'' tumayo na siya at naglakad palayo sa'kin.

Tinanggal ko na ang kamay ko sa mukha ko, nakatingin lang ako sa bintana. Malapit na naman lumubog ang araw, nakikita ko ang mabagal na paggalaw ng kurtina sa bintana dahil sa hangin mula sa labas. Muli ko na naman naalala kung gaano kasakit ang mga narinig ko sa sinabi ni Justin sa'kin kagabi kaya patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. 

Hello! SB5. My name is KAIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon