"Yuri, best friends naman tayo since grade school 'di ba?" hinawakan ni Lianna ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table. Nakipag-meet ako sa kanya sa Coco sa kalagitnaan ng lunch break ko. Importante daw ang sasabihin niya sa akin kaya imbis na two cups of rice na may tig-isang order ng gulay at meat ang lunch ko, naging large jasmine milk tea with black pearls at Fudgee Barr na nanenok ko sa ka-officemate ko ang kinakain ko ngayon. Di ako mabubusog nito e, tch.
Kumunot ang noo ko at tinagilid ang aking ulo na parang nawi-weirduhan sa kanya. "Oo, best friends nga tayo. Lunch break ko ngayon, Nana. Nandito ba tayo para mag-reminisce ng friendship natin?"
She pouted her lips, "I'm just making sure. I badly need you to help me." yung way kung paano niya ako tignan ay medyo nag-isip ako. Minsan lang ako hingan ng tulong ni Nana - madalas kasi ay other way around. She helps me whenever I'm in trouble or kahit sa mga simpleng bagay pa nga.
"What is it? You won't bother my lunch break para lang tanungin ako tungkol sa friendship natin 'di ba?" I brushed the back of her palm and smiled at her.
"Okay," umupo siya ng tuwid saka tumikhim, "Papa is setting me up to meet a potential fiance candidate for the nth time."
I squinted, hindi na 'to bago sa usapan naming dalawa. Mula nang mag-college kami, lagi na lang siya nagrereklamo na ayaw niyang sine-set up siya ng parents niya sa mga anak ng influential personalities sa bansa just to strengthen their family's wealth and status. "Oh so? 'Di ba lagi mo na lang nire-reject ang idea na 'yan? Why is it different this time?"
"Shin Yuri, Papa is sick and diagnosed with prostate cancer. Good thing na-detect agad and nasa early stage pa lang, he can still be treated." she pursed her lips and faintly looked at me.
"Sorry to hear that, Nana."
Umiling siya, "That's okay, last week lang namin nalaman ang lab results niya. So now, he asked me a huge favor for the last time daw. And that is to meet a certain friend's son to be a potential husband candidate. Gusto niyang makitang ikasal ako at magkaanak bago siya bawian ng buhay. I know it's frustrating and I'm torn between my Papa's request and my own decisions.
"I mean, I still love my freedom, ayokong matali agad. But you know, Yuri, I don't want to disappoint my father. I pray na gagaling siya at ayoko rin namang hindi siya sundin sa favor na hinihingi niya. Pero hindi pa ako ready na pumasok sa isang long term commitment." she continued.
Lianna Yuchengco is a typical rich girl who values her freedom but beneath her facade as a normie brat girl that you could think of, she's down to earth and friendly. She befriended a middle class-scholar girl like me. She doesn't care about one's wealth or social status. She rather eats at fast food restaurants like Jollibee than to eat medium-rare steaks that cost a fortune. Mas pipiliin niya pang kumain ng unli rice PM2 ng Mang Inasal kesa sa fine-dining restaurants ng five-star hotels. She eats streetfoods as well, wala siyang arte sa katawan at walang bakas ng ka-konyohan sa pagsasalita. Mas marami pa nga siyang kaibigan na middle class-scholars na tulad ko kesa sa mga alta-sociedad na katulad niya.
"What can I do to help you?" mabilis na sabi ko. In times like this, ayoko nang dagdagan ang burden na pinapasan niya ngayon.
"Can you go to the meet up on my behalf? Just pretend that you are me." she gritted her teeth.
Napakurap ako ng dalawang beses. "Eh?" napaawang ang labi ko.
Ngumisi siya ng alangan. "Bad idea, right? Wala na kasi akong ibang maisip na paraan. I don't wanna fool Papa, but hindi pa kasi talaga ako ready sa gusto niya. At the same time, I don't want to disappoint him." napayuko siya at hinawakan ang magkabilang sentido.
BINABASA MO ANG
28th
RomanceI'm Yuri Shin, 24 years old, no boyfriend since birth, marangal na mamamayan at simpleng tax payer. Mabait naman akong tao - sa sobrang bait ko nga, tinanggap ko ang pagmamakaawa ng best friend ko na mag-disguise bilang siya para i-meet ang potentia...