Chapter 18 | Attracted
"Help yourselves, everyone."
Ngayon lang nag-sink in sa akin na nandito na nga kami sa property ni Trein sa Tagaytay. Things happened too fast. Just a couple of days ago, nagsabi lang siya tungkol sa pag-hang out dito sa place niya para sa long weekend pero hindi ko akalain na talagang tototohanin niya.
Ayaw sa tokis na usapan ang taong 'to. Hindi uso sa kanya ang drawing, ang sarap niya maging kabarkada pero mas masarap siya maging boyfriend.
Ha? Ano daw sinabi ko?!
"Aren't you hungry? You're staring elsewhere." tanong sa akin ni Trein habang inaabot sa akin ang plato at mga utensils.
"Medyo gutom na nga ako kaya nga nakatulala na ako sa kawalan e." I cracked a joke pero deep inside, di ko pwedeng aminin sa kanya na pinagpapantasyahan ko siya - ng very light! Tama na na, Yuri, ang green minded mo tapos ang aga-aga pa.
Tinignan niya lang ako bilang sagot tapos hinaplos niya ang pisngi ko. "Hmm, you're so cute."
Namilog ang mga mata ko tapos umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako ready!
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Nana. "Hoy, nanigas ka na sa kilig dyan. Let's eat na, cheat day ko today so I'll eat as much as I want."
Yes, she's really here with us. Her dad's condition is stable na kasi tapos pinayagan siyang pumunta dito para makapag-unwind ng kaunti. As far as I know, yung carer ni Mr Yuchengco ang nag-aasikaso sa kanya sa ospital.
Piper is also here. Hinihintay niya muna kaming matapos kumuha ng food saka siya sumunod. Medyo na-weirduhan lang ako na makita siyang naka-casual clothes dahil palagi ko siya nakikitang naka-business attire. Bumata tuloy siyang tignan.
We started eating lunch together. May all-around helper dito si Trein kaya siya ang nagluto para sa amin lahat. In fairness, masarap ang mga ulam. As much as I want na kumuha ng maraming kanin ay hindi na ako nag-attempt! Nakakahiya baka sabihin nila na ang siba ko kumain—na siya namang totoo. Kanin is life but I can resist temptations.
Sinipa ni Nana ang paa ko sa ilalim ng table kaya napatingin ako sa kanya. Tahimik kasi kami habang kumakain kaya I just mouthed at her. "Ano?"
Inginuso niya yung rice bowl at parang ineengganyo pa niya akong sumandok pa. "Go! Ang dami pa nyan!" she quitely hissed at me.
Umiling naman ako ng todo.
"What's wrong?" Biglang tanong ni Trein.
Nagkatinginan kami ni Nana tapos bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Ah wala, wala." I just waved my hands and smiled forcefully.
"Are you still hungry? Come on, eat more. Ang payat-payat mo na, your body needs more nutrients." he told me tapos namilog na lang ang mga mata ko nang bigla niyang sandukan ang plato ko ng kanin.
Kitang-kita ko ang pagpigil ng tawa ni Nana sa tapat ko kaya inirapan ko siya. Ang lakas ng trip na ilaglag ako, parang hindi best friend e!
"Thank you, Trein, pero busog pa talaga—"
"Tch," he protested, then placed another serving of barbecue spareribs on my plate! Ayaw paawat ni Sir! "Don't mind you being matakaw. Just eat more."
Tumango ako, "Yes, sir-este, yes, Trein." I felt like my upper boss commanded me!
Pagkatapos mag-lunch, pumunta na kami ni Nana sa guest room para mag-ayos ng gamit. We're going to sleep in one room. Syempre hindi naman kaya ng konsesnya ko na iwan siya sa isang kwarto at lalong hindi rin kakayanin ng katawang lupa ko na makipag-share sa room ni Trein. He's my first boyfriend, I'm not yet much comfortable being alone with him.
BINABASA MO ANG
28th
RomanceI'm Yuri Shin, 24 years old, no boyfriend since birth, marangal na mamamayan at simpleng tax payer. Mabait naman akong tao - sa sobrang bait ko nga, tinanggap ko ang pagmamakaawa ng best friend ko na mag-disguise bilang siya para i-meet ang potentia...