Chapter 02

549 16 2
                                    


Chapter 02 - Taking an Interest

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Mr Senior Vice President. Hinabol niya ako para lang sa kulang kong binayad sa kinain namin? Di ba pwedeng abonohan niya na lang yung natitira?

I scoffed tapos binuksan ko yung Gucci purse na pinahiram sa akin ni Nana saka inabot ko sa kanya ang tatlong tig-five hundred pesos cash. God, Yuri Shin, dahil sa palabas mong dapat ay convincing, dinamay mo na pati ang sarili mong pera! Last cash at that, hindi pa ako nakakapag-withdraw dahil sa Tuesday pa ang susunod kong sahod. Hay, just for the show.

I clicked my tongue and whipped my hair. "Oh ano, okay na? Wala na akong utang sa'yo." then tinalikuran ko siya at mabilis akong naglakad. Nasaan na ba ang kotse ni Nana? Ang usapan namin ay didirecho ako sa kotse niya pagkatapos kong 'bastedin' ang potential engagement partner niya.

"Hang on, we need to talk." malamig na sabi niya.

I pulled his necktie and I drew my face in front of him. Ang bango ni Sir talaga - no, I mean, girl, bawal marupok sa trabaho mo hmmm?? "Tapos na tayong mag-usap. I just told you na hindi kita type. Hindi kita bet. I cannot handle anymore fling partners." miski ako nangingilabot sa sinasabi ko. I mean, NBSB ako tapos ito yung mga lumalabas sa bibig ko just to help my best friend in deep trouble.

"As I said, too, I can manage and I can compromise." he looks at me deeply na parang walang makakabali sa sinasabi niya. I don't know this man personally aside from the fact na executive siya sa pinapasukan kong company but by the looks of him, he cannot just drop every word that he likes that he didn't mean to say.

Natampal ko ang noo ko at naglakad palayo sa kanya hanggang sa makarating ako parking lot. Ang goal ko ngayon ay mapaalis si Senior Vice President Ryu sa harapan ko bago ko hanapin si Nana. He. Is. Stressing. Me. Out.

Binuksan ko ang pouch at kinuha ang isang stick ng Marlboro Lights at lighter at sinindihan ito. At first, hindi ko mapailaw agad dahil kinakabahan ako, yes I'm a bit pissed but I'm nervous on how I'll be able to pull this off. "Do you mind if I smoke?" I asked him. Kasama 'to sa palabas ko.

Umling lang siya bilang sagot.

Kabado akong inilagay ang yosi sa bibig ko sabay hithit. Imbis na maibuga ko ang usok, napaubo ako ng malakas. Gumuhit pa ang usok sa lalamunan ko. Well, sorry naman! This is my first time doing this stuff. I don't really smoke. Shit! Ano ba 'tong kagagahan ko? Hindi convincing ang acting ko!

He's looking at me intently, observing me. Lalo tuloy akong na-conscious. Wag niyo na akong tignan, Sir. Baka mabuko niyo lang ako.

"Do you really even smoke?" nanliit ang mga mata niya.

I looked away, "O-oo naman! I was only irritated kaya ako nabulunan. So yeah, are you really okay with me being your fiancee? Or even your wife? Di tayo bagay, mapapahiya ka lang dahil sa akin."

"I don't care. My life achievements are enough to compensate and conceal whatever mess you may bring." he said all eyes on me. Damn, I'm screwed. I mean, my best friend, the bratty Lianna Yuchengco is screwed.

Tumaas ang kilay ko tapos humithit uli ng sigarilyo. Muntik na naman akong mapaubo pero naibuga ko rin ang usok. Ang epic fail pa rin kasi hindi naman ako talaga marunong mag-smoke. I'm really digging my own grave. Napansin niya siguro ang pagiging bano ko pero dineadma na lang niya.

"Whatever, Sir - ewan ko sa inyo -" bigla kong tinakpan ang bibig ko nung na-realize ko na naging si Yuri Shin ako in a split second. "I mean, I don't care whatever your plans or your hidden agenda is, Trein. There's no engagement or even a wedding that will happen in the near future." I snapped at him sabay talikod at naglakad na palayo sa kanya.

28thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon