Chapter 06

479 12 5
                                    


Chapter 06 -- Wonder How I Found You

Legally, today ang first day ko bilang admin staff ng Senior Vice President for Strategic and Finance. Matapos ko makita unexpectedly si Sir Trein ay hindi na umayos ang sistema sa loob ng katawan ko. Hindi ko naman siya crush pero mula nung makita ko uli siya matapos kong malasing ay nahihiya na talaga ako. And hello, self, magsasabi ka pa ba ng unexpected e for sure naman ay madalas mo nang makikita ang temporary boss mo!

I just focused myself on doing the tasks assigned to me. Like summarizing the reports from the departments under him for his review and approval. Maliban pa doon ay mag-a-arrange pa ako ng hard copy files na gabundok sa taas. Now I know kung bakit kailangan nila ng temporary staff dahil may backlogs na.

"Aish~!" I muttered to myself. Habang nagta-type kasi ako sa keyboard ay biglang nag-hang ang MS Word. Napasabunot tuloy ako sa aking buhok. Napansin ako ni Dane kaya dumungaw siya sa akin.

"Ayos ka lang?" ngiwi niya.

I bit my lower lip. "Yeah, nag-hang lang yung program. Don't worry, kaya ko 'to."

Tumango siya, "Pasensya ka na ha, di pa kasi nau-update 'yang PC mo. Matagal na rin kasing walang gumagamit niyan. Don't worry, I'll ask the IT team to update yours after your shift."

I sighed in relief. "Thanks, Dane."

Sumaludo lang siya tapos nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.

After couple of seconds, gumana na uli ang MS Word. I immediately saved the file before it crashes dahil baka mamaya hindi ma-save ang ginawa ko at mag-simula uli ako from scratch. Aba, talagang mapupunit ko ang anit ko sa sobrang frustration.

"Good morning, boss."

Bigla akong naestatwa nang marining ang boses ni Mommy Lorraine. Pag-angat ko ng tingin, naglalakad sina Sir Trein at Secretary Kim. I saw Dane stood up as well and greeted him, too.

Dumako ang tingin ni Sir sa aming tatlo at nung napansin kong ako na lang ang nakaupo ay agad akong tumayo at nag-bow. "Sir, good morning, sir." Taga-army ka, ghorl?

"Good morning all." bati niya sabay pasok sa loob. Sumunod naman sa kanya si Secretary Kim habang patuloy na nagsasalita para sa magiging schedule niya buong araw.

Nakahinga ako nang maluwag nang makaupo ako. All along, I thought I'm gonna be boiled alive again by his presence. I was wrong. I'm just overthinking things. Tama ang sinabi ni Nana, I just have to act normal around him and do my job fairly at walang magiging problema.

When the clock strikes for lunch time, inaya ako nina Dane at Mommy Lorraine sa pantry. Nalaman kong mahilig pala silang magdala ng baon. Bilang mag-isa lang ako sa apartment, at puro tulog at paglilinis ang inaatupag ko, wala akong time para magluto. Madalas akong bumibili ng pagkain sa karinderya malapit sa tinitirhan ko o kaya bumibili ng tinapay sa bakery.

"Sumabay ka na sa amin, Yuri. Saan ka ba bibili ng pagkain? Sa concessionaire?" Mommy Lorraine asked me.

I nodded, "Opo. May gusto ba kayong isabay na ipabili sa akin?"

"Wala sa akin," bumaling siya kay Dane. "Ikaw?"

"Coke sakto, isa. Okay lang ba?" sabi niya sabay inabutan ako ng 20-peso bill.

"Sure! Walang problema. Dyan lang kayo, mabilis lang ako."

Nakasakay agad ako ng lift papuntang 26th floor kung nasaan ang concessionaire. Buti na lang at maikli lang ang pila ngayong araw. Most of the time kasi ay maraming nakapila dito dahil maliban sa mura ang food, masarap din ang tinda nila at para makatipid din ng oras kesa sa labas pa kumain.

28thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon