Chapter 19 - Procrastination
Everyone decided to take a night swimming. Ang lakas ng loob naming magkayayaan pero wala naman pala kaming dalang pang-swimming! Nagsuot ako ng dala kong extra cotton short-shorts bilang hindi ko napansin na sobrang iksi pala nung dala ko - mag-iingat na lang ako sa pagyuko dahil baka may makita silang langit o kaya sama ng panahon - at saka midriff top na nahugot ko rin sa cabinet ko.
“Yung totoo, Shin Yuri, sine-seduce mo ba ang boyfriend mo o para ka lang younger sister niya?” sabi ni Nana sa akin nung nasa powder room kami.
I looked at my reflection in the mirror. “Ha, bakit? May problema ba sa suot ko? Ang cute ko naman ha.”
She tapped her forehead. “Exactly! Parang wala ka man lang alindog? You look like a teenager na pinilit lang pasamahin ng parents niya sa field trip?”
Nagsalubong ang kilay ko. “E biglaan naman kasi itong night swimming natin. Di sana nakapagdala ako ng matinu-tinong swimwear.”
Nagkibit-balikat lang siya habang nasusuklay ng buhok. Kung sabagay, by the looks of Nana, she can actually snag any man she wants. She may not be wearing a revealing two-piece bikini but she looks very sexy!“Tch, kung may isa pa sana akong extra e di sana pinasuot ko na sa’yo.” nanghihinayang na sabi niya.
I waved my hand. “Okay na ako dito. Kahit naman makita ako ni Trein sa ganitong itsura e parang keber lang naman sa kanya.”
She just rolled her eyes and grinned playfully. “Kung alam mo lang.”
“Alam ang alin?”
Magsasalita na sana si Lianna nang biglang nakarinig kami ng katok sa pinto.
“Yuri, nandyan ka ba?” it’s Piper.
“Ah yes, Piper, nandito kami sa loob ni Nana. What’s up?”
Binuksan ko ang pinto at nakita kong naka-board shorts lang siya at may puting towel na nakapatong sa likuran niya.
“Boss Trein is looking for you. May sasabihin yata.”
Napaisip ako, ano naman kaya ang itatanong nun?
“Okay, I’ll go ahead.” Nilingon ko si Nana na nakangiti sa akin. “Una na ako sa’yo ha.”
Tumango ako at saka lumabas na pero tinapik ko pa sa balikat si Piper. Wala lang, parang gusto ko lang sila i-ship. They looked so good together.
Nakita ko agad si Trein nag-iihaw ng barbecue sa electric grill kaya nilapitan ko siya. “Hey, you need help? May sasabihin ka raw sa akin.”
He just meekly shook his head then looked at me. “I’m okay, don’t worry. Wala naman talaga akong sasabihin sa’yo. Just stay here. That’s it.”
Umangat ang kilay ko pero hindi ko rin mapigilang kiligin. “Hindi kaya parang istorbo ako? Okay lang naman na mag-salitan tayong dalawa.”
“I’m good. Madali lang naman ‘to gawin. If you wanna take a dip, then please do so. The water is warm, don’t worry.”
“Mamaya na lang siguro, sabay na kami ni Nana. Or we can go there later together.”
Hindi naman ba parang ang horny ng sinabi ko noh?
I was taken aback when I noticed Trein looked beet red. He looks cute pero parang pati ako ay nakaramdam ng kaunting hiya.
“Then let’s swim later.”
Ang awkward, damn!
Hindi ko na napansin ang oras dahil nagkukwentuhan lang kami ni Trein ng kung anu-anong bagay habang nag-iihaw siya. I didn’t even notice that Lianna and Piper are already in the pool! Although hindi sila nagpapansinan e puro naman sila sisid sa ilalim ng tubig. I don’t know what happened but she needs to tell me something.
BINABASA MO ANG
28th
RomanceI'm Yuri Shin, 24 years old, no boyfriend since birth, marangal na mamamayan at simpleng tax payer. Mabait naman akong tao - sa sobrang bait ko nga, tinanggap ko ang pagmamakaawa ng best friend ko na mag-disguise bilang siya para i-meet ang potentia...