Chapter 09 -- Animosity and Awkwardness
"Nandito na tayo." I said all-smiles as I stared at the whole mami house, my favorite place to eat out.
I glanced at Sir Trein as he looked in awe. "You're going to treat me here?"
Tumango ako . "Sorry, Sir. Wala akong budget para ilibre ka sa mga usual na kinakainan mo. Pero wag kang mag-alala, I can vouch for the quality of meals here." nauna akong maglakad papunta sa entrance. When I notice na hindi siya agad sumunod sa akin, nilingon ko siya. I motioned my hand for him to come with me.
"Okay, I trust you." he muttered.
Nakasunod lang siya sa akin habang naghahanap ako ng mauupuan. Bilang prime time, medyo maraming customer pero agad din naman kaming nakapwesto dahil malawak naman itong mami house.
Nauna akong umupo at kinuha ang menu sa likod ng mga condiments. Umangat ang tingin ko kay Sir Trein dahil nakatayo lang siya sa tapat ng table. Now, he's drawing attention from some customers. He's still wearing formally except with his coat, his tall stature that can be easily noticed, and yeah, that handsome face.
"Sir, upo na." I mouthed on the empty seat in front of me.
He did not think twice but to sit as well. "So this is the place." he looked around the area and nodded slowly. "What's the specialty?"
"Hindi ka ba choosy sa pagkain?" I asked back.
Sir Trein just shook his head, "In general, nope. But I have preferences."
Itinuro ko sa menu ang ire-recommend sa kanya. "Itong spicy beef mami ang specialty nila dito, Sir. You can actually pick for the spiciness level hanggang level 10. You can tie that up with asado siopao and ice-cold Mountain Dew for your drinks."
He amusingly looked at me and smiled afterwards. Medyo nakaka-conscious! Sorry na kung ang FC ko bigla dahil ngayon na lang uli ako nakakain dito pagkatapos ng isang buwan.
"Then I'll go with your recommendation. I'm not really a fan of spicy foods but I can endure so I'd go with the level 6 spiciness." he told me. As usual, ang transactional pa rin ng upper boss ko.
"Cool. Same tayo, level 6 din. May iba ka pa bang bet kainin?"
His eyes squinted, "Bet?"
"Ay sorry, ang slang ba?" napakamot ako ng ulo. Ghorl, hindi si Nana ang kasama mo. Choose the right words, hmm? "I mean, sir, kung may iba ka pang gustong kainin. 'Yun ang ibig kong sabihin."
Umiling lang siya, "I'm good."
Tinawag ko ang isa sa mga food servers at pinalista na ang mga inorder namin. We both went silent while we're waiting for our orders. Seems like deja vu. Nakaramdam na naman ako ng kaunting awkwardness. I'm already used to his presence but there are times when I feel a little perplexed around him.
"So what happened about the webcomics that Piper has finished?" he suddenly asked me.
I swallowed before answering him, "Okay naman, Sir. It was submitted in time without issues. Siguro kailangan ko ring ilibre si Piper dito pag may time na siya."
"He's okay with coffee."
Na-weirduhan ako sa sinabi niya pero di ko na lang pinahalata. "Oh..kay."
"How are you feeling now? Are you still pushing yourself hard? Nag-o-overtime ka pa rin ba?"
"Sa ngayon, sir, hindi muna. But I feel so much better." thank heavens dahil umabot ang OT pay at part-time job pay ko bago kailanganin ni Mother ang pera. I have wired the money on-time.
BINABASA MO ANG
28th
RomanceI'm Yuri Shin, 24 years old, no boyfriend since birth, marangal na mamamayan at simpleng tax payer. Mabait naman akong tao - sa sobrang bait ko nga, tinanggap ko ang pagmamakaawa ng best friend ko na mag-disguise bilang siya para i-meet ang potentia...