Chapter 04 - Everything is Settled
Ilang beses ko pa bang ipapahiya ang sarili ko sa kanya? He saw me on the act of groping my boobs and my epic fail pink wig drama.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapagsalita agad.
My mouth is half-opened even a fly can roam around inside.
He ridiculously looked at me and stood in front of me. Nakatingala ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay naka-indian sit pa rin ako. "H-hindi ba halata?" I non-sensibly said tapos pinulot ko ang bra kong nakakalat sa sahig. Nakakahiya talaga! Please, universe. Swallow me whole!
I'm about to stand up when I saw his hand in front of me giving me help. Hindi ko pinansin ang kamay niya, sa halip ay tumayo ako mag-isa. I saw my bag elsewhere on the floor, picked it up and wore it on my shoulder. "Wala namang nangyari sa atin 'di ba?"
Nagkibit-balikat siya na parang nang-aasar pa. "Would it matter if we had sex or not?" tinignan niya ako ng nakakaloko. Mukhang hindi yata siya naniniwala sa paandar ko na marami akong partners.
Umiling ako, "Where's your toilet? I'll just wash my face, and uh, wear my bra." I feel the stiffness on my face. The makeup is still intact. Good luck na lang sa mga tiny bumps sa mukha ko. Itong kagagahan mo talaga ang magpapabagsak sa career mo, Yuri Shin.
"Won't you even ask what happened about us last night?" his tiny chuckle sent shivers down my spine. Parang gusto ko agad bawiin 'yung sinabi ko kagabi tungkol sa kanya! Sir, bata pa po ako. Sana po hindi niyo pinagsamantalahan ang mura kong katawan - I wish I could tell that straight to him.
"Will it change a thing?" I asked him back.
"Not entirely, but I'm getting more and more interested in you." sumeryoso na siya this time.
Kung pwede ko lang aminin sa kanya na ako ay isang hamak na empleyado sa Birchwood Industries kaso ay hindi. Ayokong masisante ng wala sa oras. I badly need my job.
Pumikit ako ng mariin at pilit na inaalala lahat. Unti-unti ay naalala ko na. He asked me where I live but I wasn't able to answer him back because I already slept.
: flashback :
"Miss, I don't know kung saan ka nakatira. I tried messaging and calling the real Lianna Yuchengco but she didn't answer. I have no choice but to take you home. I'm sorry." sabi niya sa akin habang inaakay niya ako sa balikat. We're walking somewhere towards a house. I heard him calling someone, like a helper, who eventually helped him to walk me inside.
"Master, ito po ba ang girlfriend niyo?" tanong nung babae na sa tantya ko ay mga nasa lagpas 50 years old na.
I didn't hear any answer from him. Siguro ay umiling lang siya. Aba, dapat lang. Hindi kami talo ha.
"Is the guest room clean? Let her sleep there and help her to change her clothes. Hindi naman siya nagsuka pero pawisan siya." utos niya dito.
"No~! I'm okay, okay? Don't change my clothes." singit ko sa usapan nila. "Please, Ma'am,wag po." I pleaded to the helper. Ayokong magpalit ng damit kasi - basta - ewan, trip ko lang.
"Master Trein, paano po ba 'yan?" nag-aalalangan niyang tanong.
"Just let her be."
I felt my knees wobbling as I walked. The next thing I knew, nakahiga na ako sa malambot na kama. Bigla akong nilamig dahil sa lamig ng AC. Kinumutan naman ako ng helper ni Sir Trein ng comforter. I snuggled myself. Hay, sana mayaman na lang din ako para sa ganitong kama ako natutulog gabi-gabi.
BINABASA MO ANG
28th
RomanceI'm Yuri Shin, 24 years old, no boyfriend since birth, marangal na mamamayan at simpleng tax payer. Mabait naman akong tao - sa sobrang bait ko nga, tinanggap ko ang pagmamakaawa ng best friend ko na mag-disguise bilang siya para i-meet ang potentia...