Chapter 03

446 12 3
                                    


Chapter 03 - Your Name

I'm fiddling my fingers while sitting at the bar counter inside a high-end restaurant/bar. Sabi ni Sir Trein, dito kami magkikita. Mabuti na lang at binigyan niya ako ng time kaya nakapag-ayos pa ako. Sa totoo lang, dahil hindi ako marunong mag-make up, nagpa-service pa ako sa salon malapit sa tinitirhan ko. I even paid a thousand bucks para lang mag-iba ang itsura ng mukha ko. Syempre hindi mawawala ang ultimate weapon ko - ang pink wig.

Napailing na lang ako sa kagagahan ko. I might not be as elegant looking as last time pero I can make sure naman na hindi pa rin niya ako makikilala.

Tinitigan ko ang cellphone ko at nakitang hindi pa siya nagme-message mula nang sabihin niya sa akin na dito kami magkikita. Paano kaya kung inindian niya ako? Aba, subukan niya lang dahil aambushin ko talaga siya sa office pag nakita ko siya. Pero siyempre joke lang 'yun. Takot ko lang sa mga guards niya sa paligid at lalo na kay Secretary Kim.

"Any drinks, Ma'am?" pangatlong tanong na ito sa akin ng barista. Siguro sa isip-isip niya na baka naghihintay lang ako sa wala or what not. He's looking at me with a pity. Hoy, kuya, wag kang judgemental ha! Ako ang mambabasted dito.

Umiling lang ako at ngumiti ng matipid.

"Ice-cold water po?" offer niya.

I nodded tapos tumalikod na siya para magsalin ng yelo at tubig sa baso. In a few seconds, ipinatong niya na ito sa tapat ko. "Thanks." I mouthed.

"Hi, Nana. Sorry if I'm late."

Awtomatiko akong napalingon sa gilid ko. And shocks, si Sir Trein! Damn, he's here. Help me, universe!

I bit my lower lip and grinned. "That's fine." sabi ko sabay inom ng tubig. This is what I really need now, nauhaw ako bigla sa presence ni Senior Vice President!

"Aren't you hungry? Come on and let's eat. Can we sit somewhere comfortably?" he asked.

"I'm alright being here. At saka hindi naman ako magtatagal. I just need to tell you something important." I seriously said then I cleared my throat.

"What? Are you going to accept my proposal?"

Halos masamid ako sa tanong niya. He's really too transactional. May enjoyment kaya sa buhay ang lalaking 'to? As far as I know, even top executives or CEOs do have their leisure time once in a while. Pero itong si Senior Vice President ay mukhang work-house-work-house lang ang daily routine. If I can only tell him to do YOLOing.

I squinted my eyes, "Relax, okay? We have all the time in the world." I called the attention of the bar tender and asked for some drinks menu. "Loosen up, Trein. Anong gusto mong inumin? Ah, have you eaten already?"

He only nodded then turned to the bartender. "Dewars 12, on the rocks." bumaling siya sa akin. "How about you? Juice or what?"

Napakurap ako ng mga mata. Juice? Seryoso ba 'to?! Calamansi Juice, meron? Nakakaloka si Sir! "If I'd drink juice, nagtimpla na lang sana ako sa bahay namin." tinignan ko ang bartender, "Martini."

"Coming right up." sagot nito at saka tumalikod na.

We remained silent until sa dumating ang drinks namin. I wouldn't initiate a talk, him either. Kung bakit hindi ako nagsalita agad ay dahil nagko-construct pa ako ng mga tamang words na sasabihin sa kanya dahil ayokong matameme dito. Ang crushable kasi ni Sir Trein, nakakainis. He's wearing his usual business attire but without his coat. Naka-fold hanggang sa siko niya yung sleeves ng white polo niya at nakabukas pa ang dalawang butones nito. Ni wala man lang akong nakitang gusot. His hair is a bit disheveled but he still looks good and smells great. Parang hindi siya mukhang nasi-stress sa trabaho kahit napaka-transactional niya kung makipag-usap. Sir, penge pong tips kung paano pwedeng maging stress-free pagkatapos ng shift?

28thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon