Chapter 17

347 10 6
                                    

Chapter 17 |  Slave

Kanina pa ako nakatulala sa kawalan habang nakupo sa isa sa mga stools ng Family Mart. Bumili lang ako ng Nissin Yakisoba at C2. I've been staring blankly at random strangers walking outside the store and at the moving cars.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na boyfriend ko na si Trein. Who would have thought e ako itong iwas na iwas sa kanya nitong mga nakaraang buwan tapos ako rin pala itong unang bibigay.

Well, I can't understand myself either. I just felt it. Like it's already the right time to settle this once and for all.

Wala nang atrasan 'to.

Huminga ako ng malalim. Wala pa akong ibang pinagsabihan tungkol dito. Of course I should tell Nana about this pero dahil nasa ospital pa si Mr Yuchengco at ayoko naman magmukhang insensitive kaya siguro saka na lang pag mas stable na ang condition niya.

I almost jumped out from my seat when my phone vibrated from my pouch. Jusko, kailangan ko na sigurong bawasan ang pag-inom ng kape dahil masyado na ako nagiging mas magugulatin at nerbyosa. Ang lakas maka-old maid.

Gosh, my boyfriend just texted me.

Shet lang, kinilig ako bigla.

"Where are you?"

I bit my lower lip. Aba, miss na agad ako? I remember I asked permission from Piper that I'll just take a twenty minute break.

Huminga ako ng malalim bago pindutin ang 'reply'. Eh teka, ano bang dapat kong i-reply? Ugh! Ang hirap naman makipag-boyfriend!

"Nasa Family Mart ako. Time out lang saglit hehe."

Then I pressed 'sent'. Okay na siguro yung ganoong reply. Ugh, bakit ba bigla akong nako-conscious kung paano ako makipag-communicate sa kanya e wala namang dapat mabago. I should stay like myself 'di ba?

"Just stay there. Pupuntahan kita."

Halos maibuga ko ang iniinom kong C2 dahil sa reply niya. What the heck, ba't ako nakaramdam bigla ng hiya? Shucks. I kissed him and all pero ngayon pa ako nagkaganito. I really should calm myself.

And lessen my coffee!

Ang olats lang dahil wala akong dalang compact mirror para tingnan kung matino ba ang itsura ko. So far, wala namang tinga sa ngipin ko at hindi ako oily masyado kaya nagpunas ako ng mukha gamit ang hanky ko. Grabe, ngayon pa talaga ako naging conscious sa itsura ko kapag haharap sa kanya.

Mabilis nahagip ng paningin ko si Sir Trein habang patawid galing sa kabilang kalsada. Nung mag-red na ang stop light, nakita kong nag-half run siya. Shiet lang, ang hot niya habang tumatakbo. He's wearing a business attire suit tapos nagba-bounce pa ang fluffy hair niya. He's really standing out because aside from the fact that he's tall, he looks super duper good looking.

Lord, paano ko ba naging jowa 'to? Masyadong perfect para sa akin.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko nung makita kong papasok na siya dito sa Family Mart. I shyly raised my hand kaya nakita niya agad ako at lumapit siya papunta sa akin.

"Hi." bati ko. Ang awkward ha, para kaming may EB!

His gaze met mine. "How are you?"

Ngayon lang kami nagkita buong araw. Imagine, my shift is about to end in three hours pero dahil mas busy siya nitong mga nakaraang araw kaya hindi rin kami masyadong nakakapagkita.

"F-fine." at nauutal pa ako. I pointed at my yakisoba. "Kain ka?"

Umiling lang siya. "I'm kinda full."

28thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon