HINDI MAALIS SA ISIP NI LOVIEL ANG MUKHA NI LEIDAN nang makita ito sa branch ng restaurant kahapon. Sigurado siya na si Leidan ang lalaking iyon. Bagaman may kakaiba sa ugali nito ay sigurado si Loviel na ang asawa niya ito. May kakaiba lang sa ibang features nito sa mukha pero maipapaliwanag iyon ng aksidente na nangyari dito isang taon na ang nakakalipas. Ang ipinagtataka lamang niya ay bakit hindi siya nito naaalala?Leidon ang pangalan nito at hindi Leidan na sala sa pagkakarinig nito nong tawagin niya ito sa pangalan ng asawa. Isa itong Cardinal. At ayon sa pagsasaliksik niya ay isang kilalang pamilya ang mga Cardinal.
Bakit pareho ang mukha ng Leidon na iyon sa asawa niya? Posible kaya na ito si Leidan na nawalan lamang ng alaala?
Kailangang malaman ito ng mga Biancaflor. Agad na tinawagan ni Loviel ang pinakamalapit sa kanya na Biancaflor, si Dazille na kakambal ni Leidan.
"Sigurado ka ba sa nakita mo, Loviel? Baka namamalik-mata ka lang dahil isang taon nang wala si Leidan." Dazille won't believe her. Akala nito ay gumagawa lamang si Loviel ng kwento.
"Sigurado ako sa nakita ko, Dazille. Kamukha siya ng kapatid mo. Pwede mo siyang paimbestigahan kung gusto mo pero sigurado ako na si Leidan ang nakita ko."
"Kung nakita mo siya at nakausap dapat nakilala ka niya, Loviel. He's obsessed with you, remember?" Iyon din ang pinupunto ng isip niya.
Kung si Leidan nga iyon dapat naaalala siya nito.
"He had an accident so he probably had a memory loss due to the accident. That could happen, right?" Loviel convinced Dazille about Leidan being alive.
"That could really happen but we are not yet sure. I'll tell Dad what you saw so we can do something if it is really Leidan. I'll call you if we have any news about him." Ibinaba na ni Dazille ang tawag.
Loviel was left hanging still thinking about the man she saw. If it was really Leidan, does it mean that her husband is back? Titira na naman ba sila sa isang bahay?
Naputol ang pag-iisip ni Loviel nang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. Nasa branch siya ngayon na hindi naman dapat. Sa main kasi siya laging nag-i-stay pero ngayon narito siya dahil sa lalaking kamukha ni Leidan.
"What is it, Claire?" Loviel asked when Claire came in her office.
"Mam Loviel, nandito po si Mr. Cardinal. Gusto ka raw po niyang makausap."
Saglit siyang natigilan bago nakapagsalita. Pakiramdam niya ay lalabas sa dibdib niya ang kamyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito. Kinakabahan na naman siya. Ang kaba na katulad ng nararamdaman niya noon sa tuwing nagagalit si Leidan.
"Prepare him a coffee. Susunod na ako."
Sumunod naman agad si Claire sa sinabi niya. Habang siya ay naiwan at pilit na pinapakalma ang sarili. Lumabas na din siya makalipas ang ilang minuto. Habang naglalakad ay nakapako ang tingin niya sa lalaking nakaupo at humihigop ng kape habang nakatingin sa malayo.
Leidan was like that when he was thinking about something. Malayo ang tingin at malalim ang iniisip.
"Mr. Cardinal." Loviel interrupted him.
Loviel smiled at him. Leidon offered her a seat. Nang makaupo si Loviel ay agad niyang tinitigan ang lalaking nasa harapan. Pareho ang mata nito kay Leidan, ganoon din ang ilong at hugis ng mukha. Ang pinagkaiba nila ay ang hugis ng labi nito na makapal kumpara kay Leidam at mas mapula. Iba rin ang kulay ng mata nito kay Leidan. Leidan has a caramel brown eyes while the man in front of her has blueish green eyes. He does look like Leidan.
"May kamukha ba ako na kakilala mo, Mrs. Biancaflor?" The man asked her.
Magalang ito kumpara kay Leidan.
"Yes. As a matter of fact, you do look like my husband who died a year ago due to plane crash while he was on his way to Cebu."
Leidon looked at Loviel when something on what she said caught his interest.
"Sinabi mo bang naaksidente ang asawa habang patungo siya ng Cebu?" pag-uulit ni Leidon sa sinabi ni Loviel.
"Yes, it was his death anniversary last month."
"Ang pangalan niya ba ay Leidan Biancaflor?"
Natigilan si Loviel sa sinabi ni Leidon. How did Leidon knew her husband's name?
"Paano mo nalaman ang pangalan niya? Kilala mo ba siya?" Magakasunod na tanong ni Loviel rito. Tama nga kaya ang hinala niya na ito ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang ipagdarasal. Ang sana ito ang asawa niya at buhay ito o sana hindi ito ang asawa niya dahil ayaw na niyang makulong sa obsesyon nito.
"Yon ang pangalan na nakasulat sa gamit na kasama ko nang makita ako ng mga tao sa pampang ng isang barangay sa Cebu. Hindi nila alam ang nangyari sa akin ngunit nang makita nila ako ay nasa kritikal ang lagay ko kaya dinala nila ako sa hospital. Doon ko ginugol ang halos ilang buwan ng pagpapagaling. Dalawang buwan ang nakakalipas ay may mga taong pumunta sa akin at sinabi na hindi ako si Leidan Biancaflor. Ang pangalan ko ay Leidon Cardinal at naaksidente ang yate na sinasakyan ko sa gitna ng karagatan habang patungo ako sa isang event sa Cebu. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang tunay na pangyayari dahil hindi pa rin bumabalik ang aking alaala." Mahabang pahayag ni Leidon.
"Anong ginagawa mo dito sa Quezon City kung ikaw si Leidon Cardinal?" Loviel wanted to know if he is really Leidan.
"Tumakas ako sa mga taong nagbabantay sa akin at nagsasabi na ako si Leidon Cardinal. Hindi ko alam kung sino ako at hindi ko pwedeng tanggapin na lang ang sinasabi ng mga tao kung sino ako. Paano kung ako pala si Leidan at hindi si Leidon? At kung ako nga si Leidon bakit nasa akin ang mukha ni Leidan na asawa mo? Naguguluhan ako." Napahawak sa ulo si Leidon ng sumakit ito. "Nang banggitin mo kahapon ang pangalan ni Leidan alam kong malaki amg maitutulong mo sa pagbalik ng alaala ko. Kung hindi ako si Leidan hindi ko maaalaala ang kahit na anong sasabihin mo tungkol sa kanya."
Nag-alinlangan si Loviel sa sinabi ni Leidon. Kung hindi siya nagkakamali, ang gusto nitong mangyari ay tulungan niya ito na maibalik ang alaala nito. Ibig sabihin hindi ito sigurado kung ito nga si Leidan.
Should Loviel help him? Paano kung bumalik ang alaala nitobilang si Leidan? Babalik din kaya ang ugali nito at ang pananakit nito kapag may hindi nagustuhang bagay?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...