KINABUKASA ay masayang kumakain ng almusal silang mag-anak. It was the first time after she had an accident na nakumpleto ang pamilya niya sa hapag-kainan.Lahat ng paborito nilang mag-anak ay nakahain sa mesa. They were happy just like before.
"Mommy, where's the baby in your tummy?"
Natigilan siya sa tanong ni UK. Nagkatinginan naman silang mag-asawa na kapwa hindi alam ang itutugon sa bata.
"Tita Gwen said you killed the baby. Is that true, mommy?"
Nakita niya ang paghigpit ng hawak ni Leidon sa kubyertos. Maging siya ay nanggigigil sa kanyang pinsan sa mga kasinungalingan nitong sinabi sa anak niya.
"Baby, that's not true. Your mommy didn't kill the baby. Tita Gwen is lying." Agad namang paliwanag ni Leidon sa anak.
"I knew it. That woman is lying. MommyLa said that mommy had an accident that is why she lost the baby. Sabi ni MommyLa, huwag daw akong maniniwala kay Tita Gwen because she only wants to replace you, Mommy."
Sobrang nagpapasalamat siya sa ina ni Leidon sa hindi pagpapabaya kay UK noong wala siya. Her mother-in-law is such a great mother.
"Tama ang sinabi ni MommyLa. Mommy had an accident and the baby didn't survive. Don't worry, let's pray to God to send us more babies. Do you like that?"
Abot tengang ngumiti ang bata at magkakasunod na tumango sa ama. Tahimik lang naman si Loviel na nakikinig sa kanyang mag-ama.
She mouthed thank you to Leidon when he threw her a look. Ngumiti naman ito sa kanya.
Sa likod ng kanyang utak ay naiisip niya ang pinsan. Masyadon nang maraming atraso sa kanya ang pinsang hilaw niya. Hindi naman talaga siya close sa mga kamag-anak ng mga umampon sa kanya dahil iyon ang bilin ng mga ito sa kanya.
Never trust even your relative.
Iyon ang salita ng kinilala niyang ama na hindi niya makakalimutan. Ngayon alam na niya kung bakit iyon ang mahigpit na bilin sa kanya.
Hindi mapagkakatiwalaan ang mga kamag-anak niya.
LATER that day, Leidon went out to fetch his mother at the airport. Hindi ito nakasabay sa pag-uwi nina UK at Gwen sa Pilipinas dahil may inasikaso pa ito sa maiiwang business sa Australia.Kakapatulog niya lang kay UK para sa everyday sleep routine nito. She walked outside her room quietly. Nang makababa sa living area ay narinig niya ang kaguluhan sa labas ng bahay.
Nakita niya ang mga bantay ng bahay na nagtitipon sa tapat ng gate at may pinipigilang tao na makapasok. When she looked closely, she saw Gwen furiously yelling at Walton and the other men.
Naningkit ang mata niya rito. She inhaled sharply as she walked towards them.
"What is this, Gwen?!" Mataas ang boses na tanong niya sa pinsan.
Huminto ito sa paghihiyaw ngunit nanatili sa paligid nito ang mga tauhan ng asawa. Lumapit naman sa kanya si Walton.
"Miss Lovie, mahigpit po kasi na bilin ni Master Lei na huwag pong papapasukin ang pinsan niyo. Pasensiya na po pero sumusunod lang po kami sa utos ni Master." Paliwanag nito.
"It's okay, Walton. Do your job."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Gwen.
"What do you want this time, Gwen?" Nauubos na ang pasensiya niya sa pinsan kaya kahit siya ay ayaw na din na makita ang pagmumukha nito.
"I'm sure alam mo na ang nangyari sa amin ng asawa mo, Loviel. Hindi ako papayag na hindi niya ako panagutan!" Angil nito sa kanya.
She rolled her eyes and gave Gwen a boring look.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...