NAISIPAN NI LOVIEL NA libutin ang buong kabahayan habang wala pa si Leidan.She's too curious about the house and its connection to her. Nagsimula siya sa opisina ni Leidan.
Tiningnan niya ang bawat cabinet at drawer na naroon but it was all locked. Wala siyang ibang nakita doon maliban sa isang larawan niya.
It wasn't her recent picture. It was a photo of her when she was just starting her job in an airlines. Sa larawang iyon ay nakasuot siya ng uniporme ng flight attendant at nakangiti siya sa kumukuha ng litrato.
Paano nagkaroon si Leidan ng larawan niya ng mga panahong iyon gayong wala pang dalawang taon na kilala niya ang lalaki. Imposible naman na galing iyon sa mga magulang niya o kapatid dahil hindi naman niya binibigyan ang mga ito ng mga larawan niya.
Ang ipinagtataka niya ng sobra ay hindi niya maalala kung sino ang kumuha ng litratong iyon. Natatandaan niya ang araw na kinunan ang litrato ngunit hindi niya matandaan kung sino ang kasama niya at kumuha ng litrato.
Itatanong niya mamaya kay Leidan ang tungkol doon.
Sunod niyang sinuri ang mga aklat na nasa malaking bookshelf. Kumuha siya ng ilang libro at binasa ang mga pamagat ng mga ito.
Karamihan sa mga aklat ay tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo ngunit may isang aklat na nakakuha ng kanyang pansin. Isa iyon sa mga paborito niyang aklat kaya kinuha niya ito nang may biglang bumukas na pinto sa glid ng bookshelf.
"Paano nagkaroon ng pinto dito? Wala naman ito kanina." Ibinalik niya sa dating pwesto ang aklat para pumasok sa silid sa likod ng pinto ngunit biglang nawala ang pinto nang maibalik niya ang aklat
Doon niya napagtanto na ang aklat ang susi patungo sa silid kaya muli niya itong kinuha. She went inside the room at halos malula siya sa dami ng larawan niya na naroon. Mula sa mga portrait niya, mga ipinintang mga larawan niya hanggang sa mga larawan niya sa picture frame.
"What the hell is this?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa sarili. "Ganito ba ka-obsessed sa akin si Leidan?"
Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. Karamihan sa mga larawan ay matagal na panahon nang kinunan. Mayroon din doon na larawan niya mula pagkabata hanggang sa siya ay maging dalaga.
"Miss Loviel, ano pong ginagawa niyo rito?"
Napalingon siya sa nagsalitang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ni Leidan dito sa bahay.
"Hindi po kayo dapat pumasok sa silid na ito."Kinakabahan itong lumapit sa kanya at kinuha ang hawak niyang larawan. Ibinalik nito sa dating kinalalagyan ang larawan saka siya hinila papalabas na silid.
Sinubukan niyang manlaban ngunit naisip niya na hindi ito makakatulong para malaman niya ang dahilan kung bakit napakarami niyang larawan sa loob ng silid na iyon.
"Bakit hindi dapat? This is my husband's house. I have all the right to do anything inside this house. Kahit pa ang pumasok sa silid na iyon. I am Loviel Biancaflor, the wife of your master, Leidan Biancaflor. Bakit pinagbabawalan mo akong pumasok sa silid na iyon? May hindi ba ako dapat makita na nasa silid na iyon? Answer me!"
Ayaw niya sanang pagtaasan ng boses ang lalaki ngunit ito lang ang naiisip niyang paraan, ang gamitin ang kanyang kapangyarihan bilang asawa ng may-ari ng bahay.
"Hindi naman po sa pinagbabawalan ko kayo, Miss Loviel, iyon po kasi ang mahigpit na bilin sa amin ni Master Lei." Nakayukong tugon ng lalaki na hindi makatingin ng diretso sa kanya dahil sa takot.
"Bakit naman ako pagbabawalan ng sarili kong asawa na pumasok sa silid na iyon?" Loviel asked trying to get an information from the guy.
"Dahil ayaw po niya na—"
"Walton!" Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin nito dahil sumigaw si Leidan na nasa bukana ng opisina. "Bumalik ka sa pwesto mo."
Nakita niya ang takot sa mukha ng lalaki nang makita si Leidan. Tunalilis ito palabas mg opisina at bahagyang yumuko nang mapatapat kay Leidan saka tuluyang lumabas.
Naiwan silang dalawa ni Leidan sa opisina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang makita ang galit sa mukha ni Leidan. Diretso itong nakatingin sa kanya. It was not the usual angry look that Leidan has every time he was mad at her. Ang mga tingin ni Leidan ngayon ay kakaiba na hindi mawari ni Loviel kung galit ba ito o may malalim na iniisip.
Napaatras si Loviel nang humakbang ito palapit sa kanya. Ito na naman ang puso niya. Malakas na naman ang kabog dahil sa takot na baka saktan na naman siya ni Leidan. Kung bakit ba naman kasi hindi niya mapigilan ang kuryusidad aa mga bagay sa paligid. She kept on blaming herself while thinking on how to escape.
"Leidan, I am sorry. Hindi ko sinasadya na pumasok sa kwarto na 'yon." Para siyang na-corner na pusa nang lunapat ang likod niya sa dingding. She's cornered now.
Iilang hakbang na lamang at makakalapit na ng tuluyan si Leidan sa kanya.
"I was just looking around when—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang ikulong ni Leidan sa mga bisig nito. Nagulat siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad nakapagsalita.
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Ang akala niya ay pagbubuhatan na naman siya nito ng kamay na katulad ng lagi nitong ginagawa sa tuwing nagkakamali siya.
"It's alright, my wife. I am not mad." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. "Relax now. Hindi kita sasaktan."
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Unti-unti ay kumalma ang puso niya. Nang pakawalan siya nito ay tiningnan niya ang mga mata nito
Hindi niya makita rito ang Leidan na nakilala niya isang taon na ang nakakalipas. Ang Leidan na nagbigay ng takot sa puso niya. Ang Leidan na kinamumuhian niya. Ang Leidan isinusumpa niya.
All she can si now is a man who looks like her husband but not her husband.
"Sino ka ba talaga? Are you really my husband?" tanong niya rito.
Naguguluhan na kasi siya. Sa tuwing nakikita niya ito ay iba ng lalaki ang naiisip niya at hindi ang asawang si Leidan.
"I am not." Tanging tugon nito na mas lalong nagpagulo sa isipan niya.
"Who are you then?"
Ngumit lamang ito saka hinawakan ang kanyang kamay ay hinila siya patungo sa lihim na silid.
~~~~~~~~~~~
Keep on voting amd supporting my stories.Love y'all guys.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...