NAPAUPO SA BAKANTENG SILYA SI LOVIEL nang malaman na kakambal niya si Paulin.Napahawak siya sa ulo nang biglang may mga piraso ng alaala ang nakita niya. She remembered a woman who looked like her bidding goodbye. Niyakap siya ng babae saka nakangiting sumakay sa isang magarang kotse.
At doon unti-unting bumalik ang mga alaala niya sa nag-iisang kapatid.
"I remember her. Naaalala ko na si Paulin. Lumaki kami sa ampunan. We were both fifteen when we were adopted. Magkaibang pamilya ang umampon sa amin. We got separated. Simula nang ampunin kami ay wala na kaming naging komunikasyon sa isa't isa." Parang kinurot ang puso niya para sa kakambal at sa nangyari dito. They were so close that not even death can separate them.
Pero dahil sa pangarap nilang magpabilang sa isang pamilya ay napilitan silang magpaampon. Hindi sila maaaring ampunin ng isang pamilya dahil teenager na sila kaya nagkahiwalay sila.
"I never knew it was my sister. I should have known her, Leidon." Napahagulhol ng iyak si Loviel sa balikat ng asawa na agad siyang dinaluhan at niyakap.
"Wala kang kasalanan, Loviel. It was an accident. Paulin killed herself because of Leidan. Besides, you have an amnesia. You don't remember anything except for the memories that Leidan fed you. But now, your memories are slowly coming back. You will remember everything in no time. You will remember your family and you will remember us."
Napanatag ang loob ni Loviel sa sinabi ni Leidon. Alam na niya ngayon ang taong kanyang dapat pagkatiwalaan. Pagbabayarin niya si Leidan sa ginawa nito sa kanyang kakambal para humantong sa pagpapakamatay nito.
"I want to remember everything about me, Leidon. I want to know what kind of woman I am, what kind of wife and a mother. And I want to meet our daughter UK." Yumuko nang bahagya si Loviel nang makaramdam ng hiya sa sinabi.
Alam niyang hindi pa buo ang kanyang alaala pero gusto niyang maalala na ang lahat upang mahabol ang mga panahong nawala sa kanila ng kanyang pamilya.
"You'll meet her soon, my Lovie. Soon."
"MOMMY!" Napalingon si Loviel sa tinig na nagmumula sa kanyang likuran.Isang munting batang babae ang nakasuot ng pink dress at may party hat sa ulo ang nakita niya. Nakangiti ito sa kanya at kumakaway. Nasa isa silang birthday party. The little girl ran to her. Ibinukas naman ni Loviel ang mga kamay para salubungin ng yakap ang bata. Niyakap siya ng bata at hinagkan siya sa pisngi.
"Happy birthday, Mommy!" bati sa kanya ng bata.
"Thank you, my UK."
Lumapit sa kanila si Leidon na may dalang cake. Ibinaba nito ang cake kapantay ni UK at Loviel na nakaupo.
"What's your wish, Mommy?"
Ngumiti si Loviel kay UK saka pumikit sa tapat ng cake.
"I wish my family to be happy, healthy and safe." Hinipan niya ang cake saka nagmulat. Sumalubong naman sa kanya ang nakanguso na mukha ng bata.
"Oh bakit nakanguso naman ang UK ko?" tanong niya.
"It seems like she doesn't like your wish. Am I right, UK?" Tumango si UK sa sinabi ng ama na si Leidon.
"Why, baby? You don't want our family to be happy?"
"It's not like that, Mommy. You didn't include my baby brother on your wish."Nagtatampong wika ng bata.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...