08 - Husband?

2.7K 87 4
                                    

 
  
  
"HOW DID SHE DIE?" Leidon asked a minute after he found out about Paulin.

"She died in a car accident but the police said that it was a suicide." Hinintay ni Loviel ang magiging reaksyon ni Leidon.

Hindi ito nagulat sa sinabi niya sa halip ay napakunot ang noo nito.

"Paano naging suicide?" Muli nitong tanong.

Iyon din ang naging katanungan ni Loviel nang malaman niya ang nangyari kay Paulin. Paano naging suicide ang isang car accident?

"Sa autopsy lumabas na overdose sa sleeping pills si Paulin. Ibig sabihin uminom ito ng maraming sleeping pills habang nagmamaneho kaya naaksidente." Iyon ang nalaman ni Loviel sa mga pulis na nag-imbestiga sa aksidente.

"Bakit naman siya nagpakamatay?"

Loviel didn't respond. Nakatingin lamang siya sa lapida ni Paulin na tila ay nasa harapan lamang niya ang babae. Kahit siya ay nagtatanong kung bakit nagpakamatay si Paulin. Ang alam niya ay nagpakamatay ito dahil sa sobrang strikto ni Leidan pero hindi siya kumbinsido na iyon lamang ang dahilan. Napakababaw na dahilan para kitlin nito ang sariling buhay.

"Sabi nga nila, too much love will kill you." Tinalikuran ni Loviel ang puntod at humarap kay Leidon. "Nasakal siya sa sobra mong pagmamahal."

Hindi nakahuma si Leidon sa sinabi ni Loviel. Natigilan ito at tila  nag-iisip.

"Anong klase ba akong tao, Lovie? Naguguluhan na kasi ako. Sa mga alaala na sinasabi mo kasi parang ang sama kong tao."

Nabalot ng lungkot ang mukha ni Leidon. Loviel was supposed to be happy that Leidan can't remember anything pero bakit naaawa siya rito ngayon?

"Kung ako ang tatanungin mo, nong makilala kita ay hindi na talaga kita gusto. Your family said that you were obsessed with me because I looked like Paulin. Malaki ang naging epekto ni Paulin sa buhay mo. Your twin sister said that you became violent when you met Paulin. Naging mapanakit ka at mainitin ang ulo nang hindi nila alam kung bakit. Ang tanging alam lang nila ay binago ka ni Paulin. She made you a monster." Pahayag ni Loviel.

"Kung ganoon akong klaseng tao, bakit pinakasalan mo ako?"

Loviel smiled but didn't reach her eyes. Ayaw niyang saktan ang damdamin ni Leidan na hindi makaalala.

"You bought my family kaya wala akong nagawa kundi magpakasal sa iyo. I really hate you, Leidan. That's the truth. Kung ako nga ang tatanungin ayoko nang bumalik ang alaala mo para hindi ka na bumalik sa dating mapanakit na tao." Tiningnan ni Loviel sa mga mata si Leidon." Pero ayoko namang maging selfish. You deserved to remember everything kaya kahit natatakot akong bumalik ang dating ikaw ay tinutulungan pa rin kita."

Umiwas ng tingin si Loviel nang maalala ang huling mga salita ni Leidan sa kanya.

"Naaalala ko pa ang mga huling sinabi mo bago ka naaksidente. Sabi mo magsisimula tayo ulit. Wala nang Paulin at hindi ka na mananakit. Pinanghawakan ko 'yon dahil umasa ako na baka sakaling magkaroon ng chance ang pagpapakasal natin kaysa naman maghiwalay tayo. Pero ngayon hindi ko alam kung ano pa ba ang panghahawakan ko." Loviel looked at him again. "Natatakot ako na masanay sa kabaitan na pinapakita mo ngayon. At kapag bumalik na ang alaala mo ay bumalik din ang dating ikaw."

"Sa mga narinig ko, parang ayoko nang bumalik pa ang alaala ko. Hindi ko matanggap na ang dating ako ay sinaktan ang babaeng katulad mo, Lovie."

Loviel felt special with his words. The treatment she had been longing for from Leidan was given to her by Leidon. Isang estranghero na walang maalala ang nagpaparamdam nito sa kanya na dapat ay asawa niya ang gumagawa.

Alluring Mrs. BiancaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon