KINABUKASAN ay hinintay ni Loviel na umalis ng bahay si Leidon. Alam niyang marami itong inaasikaso sa negosyo lalong lalo na sa nangyari sa kanya.Her husband learned that Leidan was still alive. Tamang-tama. Pagbabayarin niya ito sa ginawa nitong pagsisinungaling at pananakit sa kanya.
Right now, Leidon is doing everything to find Leidan. May nakalap na impormasyon ang informant nito na may natagpuan daw na lalaki sa isang barangay sa Cebu ilang araw mula nang sumabog ang private plane ni Leidan.I
Ngayon ay may dapat siyang gawin.
Siniguro niya na loose ang security nang lumabas siya. Staggered ang lunch break ng mga bantay kaya itinaon niya na ang tamad na bantay ang nasa gate para makalabas siya. Tulad nga ng inaasahan niya ay abala ang bantay sa pagdutdot sa cellphone nito. Maingat at tahimik niyang binuksan ang gate at siniguro na hindi siya mapapansin ng bantay na nasa guard house.
Agad siyang pumara ng taxi nang makalabas. Sinabi niya sa driver kung saan sila pupunta. Parang tinatambol ang dibdib niya habang papalapit siya sa pupuntahan. Ramdam niya ang tibok ng puso nang huminto ang taxibsa sinabi niyang lugar.Nagbayad siya bago bumaba.
Mabibigat ang hakbang ni Loviel habang papalapit sa puntod ng kakambal. Yes, dito niya balak pumunta. Alam niyang huli na para sisihin niya ang kapatid aa nangyari sa kanyang anak pero ito lang ang paraan para mapanatag ang loob niya.
"I didn't know it was you, Pau. Hindi ko alam na ang babaeng akala ko ay ex ng lalaking kinamumuhian ko ayvang sarili ko palang kakambal. You were my only family, Pau. Kahit ayoko na magpaampon tayo dahil ayoko namagkahiwalay tayo ay pumayag pa rin ako para sa iyo. Dahil 'yon ang gusto mo, ang mapabilang sa isang pamilya na may ama at ina. Wala akong ibang hiniling para sa iyo kundi ang maging masaya ka. Pero bakit ganon.." She broke down into tears. "Bakit kailangang madamay pa ang anak ko? My baby was just weeks old in my tummy. Ni hindi man lang niya nasilayan ang mundo dahil sa ginawa mo. Why do you have to end your life like that? Ano bang ginawa sa iyo ni Leidan para patayin mo ang sarili mo?"
Hindi niya alam kong magagalit ba o maaawa sa sinapit ng kakambal.
"Hindi ikaw ang Paulin na kilala ko. Ang Paulin na kilala ko ay kinakaya ang lahat ng pagsubok. Pero bakit humantong ka sa ganito?"
Umiyak siya sa tapat ng puntod ng kapatid.
May narinig siyang papalapit na yabag kaya huminto siya sa pag-iyak at nilingon ang may-ari ng mga yabag.
Nagulantang siya at napaatras nang makita si Leidan. Sigurado siyang si Leidan ang nasa likuran niya. Those furious eyes staring at her gave her the assurance that it's Leidan. Nabuhay ang takot at kaba sa dibdib niya.
Tama ang asawa niya. Buhay pa si Leidan at narito ito ngayon sa harap niya.
She fished for her phone in her bag to call Leidon. Pero napahinto siya nang magsalita ito.
"I am sorry."
Muli niyang itong tiningnan. Akala niya ay sa kanya ito humihingi ng sorry pero sa puntod ito ni Paulin nakatingin.
"I am sorry for not being there. I could've save the both of you." Kausap nito sa puntod ng kakambal.
Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya. She took one step on her side to keep their distance. Takot pa rin siya sa presensiya nito.
Napatuwid siya ng tayo nang bumaling ito sa kanya.
"I am sorry too, Loviel. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Aamini ko nadala ako ng galit kaya nagawa ko ang mga nagawa ko sa iyo. I never meant to do that but your face reminds me of the woman I gave my life with. The woman whom I thought would love to be a mother of my child but chose not to."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Leidan.
"What do you mean? Was my sister pregnant when she killed herself?"
Malungkot na ngumiti si Leidan. Inilapag nito sa lapida ni Paulin ang isang bungkos ng bulaklak. Kasama ng mga bulaklak ay isang laruang eroplano.
"Yes. She was three months pregnant with our first baby. It was hard for her because she didn't want it. Malaking hadlang sa kanyang career bilang isang nagsisimula sa larangan ng pag-arte ang batang dinadala niya. Pinilit ko lang siya na ituloy ang pagbubuntis kapalit ng kalayaan niya kapag naisilang ang sanggol. But she decided for herself. She took sleeping pills to kill the baby but regretted it afterwards. Kaya nagmaneho siya para pumunta ng ospital at mailigtas ang baby namin pero naaksidente siya. I somehow blame you for what happened but then I realized that you also lost your child because of Paulin." Leidan sat on the grass. Hinaplos nito ang lapida ng may pag-iingat na tila si Paulin ito. "Nabulag ako ng aking galit at pangungulila sa pamilya na sana meron ako ngayon. Naibunton ko ang galit na iyon sa mga taong nasa paligid ko lalo na sa iyo. I felt sorry for that."
"Yung kasal natin, what was that for?"
Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. Bakas sa mukha ni Leidan ang kalungkutan.
"That was a lie. I know you're married kaya imposible na maikasal tayo. I paid people for the wedding. Sinubukan kong buhayin si Paulin sa iyo. Ginawa ko sa iyo ang mga bagay na hindi ko ginawa sa kanya noong nabubuhay pa siya. I never raised my voice on her but I did to you. I never hit her but I did to you. Never kong pinaghigpitan si Paulin pero pinaghigpitan kita. That was my way not to feel guilty. I know it was wrong. I am sorry."
She saw sincerity in Leidan's eyes.
Malinaw na sa kanya ang dahilan ni Leidan. She can't blame him. May pinagdaanan din ito at sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ng minamahal nito at ng anak.
"Noong makita mo ako sa pinangyarihan ng aksidente, what did you do to me?"
Ang totoo ay gusto niyang malaman kung anong nangyari sa anak niya. Hindi niya alam kung paano ipagluluksa ang pagkawala ng anak.
"Noong makita kita, nagulat ako dahil kamukhang-kamukha mo si Paulin. Dinala kita sa ospital at mahigpit kong ibinilin sa mga pulis na ibang identity ang ipalabas nila nakabungguan ni Paulin. I did everything to hide you dahil kamukha mo si Paulin. Nalaman ko na nagdadalang-tao ka rin." Nakikiramay siyang tiningnan ni Leidan. "I am sorry to what happened to your baby. I know it was too painful for you. Alam kong ngayon mo lang nalaman ang lahat dahil matagal kang nagkaroon ng amnesia. Marami akong dapat ihingi ng tawad sa iyo, Loviel."
Tumayo ito at tumingin ng diretso sa kanya.
Kumakabog ang dibdib ni Loviel habang nakatingin sa mga mata Leidan. Wala na siyang makitang galit sa mga mata nito. Malaki ang pinagbago ng mukha nito mula kanina na makita niya at ngayong nasabi na nito sa kanya ang totoo.
"Naiintindihan ko kung tumawag ka ng pulis ngayon at ipahuli ako. I deserve those punishment."
Nakaramdam siya ng awa para rito. Nawala na lang lahat ng galit niya rito nang marinig niya ang nangyari sa anak nito at kay Paulin.
"I won't do that, Leidan. Nauunawaan kita. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang anak ko? Did you give him a proper burial?" Parang kinurot ang puso niya nang maalala ang kanyang munting anghel.
Hindi man lang niya ito nahawakan at nayakap.
Ngumiti si Leidan at itinuro ang puntod malalit sa puntod ni Paulin. Binasa niya ang nasa lapida. Halos mapugto ang kanyang hininga nang mabasa ang nakasulat doon.
"Loviel's Little Angel."
Nangilid ang luha niya nang mabasa iyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued..
Keep on supporting my stories.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...