ISINARA NI LEIDON ANG PINTO SA LIKOD nila nang makapasok sila sa silid. Naiinis siya rito dahil hindi nito sinasagot ang tanong niya."Kung hindi ikaw ang asawa ko, sino ka? Answer my question, Leidan." She scoffed. "I don't even know if you are Leidan."
Sa halip sa sumagot ay may kinuha itong isang larawan at inilapag sa mesa na nasa harapan niya. Nagulat siya nang makita sa larawan ang sarili kasama ang lalaking kamukha ni Leidan or should she say kasama niya sa larawan ang lalaking kasama rin niya ngayon. It was a wedding photo.
"What is the meaning of this? Bakit may larawan tayo na ikinasal?"
"That's the answer to your question. You asked who I am and that's the answer. I am your husband."
Niloloko ba siya ng lalaking ito? Mas lalo siyang nainis rito.
"Alam kong hindi ikaw si Leidan kaya paanong ikaw ang asawa ko?! Stop fooling around and answer my questions seriously! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo." Nanggigigil niyang wika rito
Napasabunot ito sa sarili na tila nauubos na ang pasensiya nito sa kanya.
"Yes, you are right. I am not Leidan Biancaflor."
Natutop niya ang bibig sa gulat sa pag-amin nito. Naalarma ang buo niyang sistema. She's living with a total stranger.
"I am not Leidan but I am your husband. Hindi mo ba naaalala ang picture na ito?" Dinampot nito ang picture na nasa mesa at tiningnan ito na wari'y may inaalala. "May 27, 2012, our wedding day in a private garden in Oriental Mindoro. We were so happy that day because one of our dreams came true. I was so happy to finally tied the knot with the woman I love. Hindi mo ba naaalala ang araw na sumumpa tayo sa harap ng Diyos na magsasama tayo habang buhay?"
Memories flashed before her. Magulo ang mga imaheng nakita niya ngunit malinaw na isa iyong kasalan at naroon siya. Puno ng saya ang kanyang mukha ng araw na iyon.
Napahawak si Loviel sa ulo nang bigla itong sumakit. Sobrang sakit nito na tila binubutas.
"Ah! Ang sakit!" Daing ni Loviel.
Agad naman siyang dinaluhan ni Leidon.
"Ito ang iniiwasan ko kaya ayoko na sabihin sa iyo ng bigla. I want you remember everything little by little." Napatingin siya kay Leidon. Naguguluhan siya sa sinabi nito ngunit hindi niya magawang magranong5pa dahil sobrang sakit ng ulo niya hanggang sa dumilim ang kanyang paligid.
HINDI mapakali si Leidon habang sinusuri ng doctor si Loviel. Agad siyang tumawag ng doctor nang mawalan ito ng malay. Ito ang iniiwasan niya kaya ayaw niya na sabihin ang totoo sa asawa.Nang bumalik ang mga alaala niya ay bumalik din ang kanyang mga plano na kunin ang asawa ngunit hindi niya inaasahan na wala itong maalala na kahit na ano tungkol sa kanya. It may be because of the trauma of the accident happened five years ago.
"Mr. Cardinal, your wife is fine but you need to take extra care on her. Malala ang trauma sa ulo ng asawa mo dahil sa sinabi ming aksidente na nangyari dito," pahayag ng doctor matapos suriin ang asawa.
"May pag-asa ba na bumalik ang mga alaala niya?" That's what he wanted to know.
"Mahirap sabihin dahil sa trauma at sa tagal na ng panahon but we never can tell. Kung gugustuhin niya na maalala ang nakaraan ay maaalala niya. Pero kung tatanggihan niya ang mga alaala, mahihirapan tayo na maibalik iyon."
Bumagsak ang balikat ni Leidon sa sinabi ng doctor. Magiging mahirap pala ang pagpapaalala sa asawa ang nakaraan. He needs to make sure na ito mismo ang makaalala at hindi niya dapat iimpose ang mga bagay dito.
"I'll go ahead, Mr. Cardinal. Call me when something happens."
Umalis ang doctor at naiwan siya kasama ang nagpapahingang asawa. Naupo siya sa gilid ng kama katabi nito.
"I will do anything para bumalik ang alaala mo, mahal ko. Gagawin ko ang lahat."
Hinagkan niya ang likod ng palad ng asawa.
LOVIEL was wearing a gorgeous white dress that shows elegance and riches. Her hair was tied in a beautiful fairy braid. She was standing in front of an altar with a man. She was so happy and lovely while staring at the man beside her."I promise to be your wife until our last breath. I will be beside you whatever happens before us. I will be the best wife I could be and I will be a loving mother to our future children. I will never leave your side especially when rough times come. I will love and forever cherish you, my husband my love. I love you till eternity."
They sealed their vows with a sweet kiss as the crowd cheered and applauded. Loviel stared at the man in front of her. Ito ang lalaking una niyang minahal at huli niyang mamahalin. The man her heart only cherish. The man she ever dreamed of and the man she offers her life with. He was her long time boyfriend and now her forever partner. It was Leidon.
Napabalikwas ng bangon si Loviel dahil sa kakaibang panaginip na iyon. Habol niya ang hininga habang binabalikan ang detalye ng panaginip. Napakalinaw ng kanyang panaginip. Nakasuot siya ng damit pangkasal na katulad ng suot niya sa larawan na pinakita ni Leidan. Pero bakit hindi si Leidan ang kanyang asawa sa panaginip na iyon. Napakalinaw na si Leidon ang lalaking kanyang pinakasalan sa kanyang panaginip.
"Are you alright, Lovie?" Nilingon ni Loviel ang nagsalita sa kanyang tabi.
It was Leidon. Mukhang kagigising lamang nito. Anong oras na ba?
"I'm fine. May napanaginipan lang ako." Tipid niyang tugon saka umahon sa kama.
Her throat felt dry after that dream. She wants a glass of water. Naglakad siya palabas ng silid. Nakasunod naman sa kanya ang asawa. Nang makarating sila sa kusina ay naupo siya sa island stool habang ipinagkuha siya ni Leidan tubig.
Habang umiinom ay hindi mawala sa isip niya ang panaginip at ang huling mga sinabi sa kanya ni Leidan bago siya nawalan ng malay.
"Anong nangyari sa akin kanina? Saka anong oras na ba?" Napansin kasi niya na tahimik na sa buong kabahayan at nakapatay na ang mga ilaw.
"It's past midnight. Nahimatay ka kanina dahil sa sobrang pananakit ng iyong ulo. The doctor said that it was part of your recovery." Tulad ng sinabi ng doctor, hindi dapat na biglain si Loviel na maibalik ang alaala kaya iyon ang ginagawa ni Leidon. He will let Loviel remember everything with the little piece of memory he will tell every day.
"Recovery from what? Am I sick?" Her eyes were full of curiosity as she stared at her husband.
"You have an amnesia, Lovie. That's why you can't remember anything. Hindi mo maalala ang bahay na ito o kahit ang mga larawan na nasa silid sa opisina ko. Pero ang katawan mo ay kilala at naaalala ang mga ito." Leidon held her free hand. "Pero hindi kita pinipilit na maalala ang lahat agad-agad. It will take time, I know that. I will wait. We will wait for you to remember us."
Her brows arched in confusion. She looked at him with a querying eyes.
"We?" She asked.
"Yes." Hinagkan nito ang kamay niya saka ngumiti. "Sana maalala mo na kami dahil matagal na kaming naghihintay ng iyong pagmamahal at pag-aaruga."
Mas lalo siyang napaisip sa sinabi nito ngunit nasagot ng bahagya ang pagtataka niya nang may ilapag na larawan sa mesa si Leidon.
It was a photo of a kid. A beautiful little girl wearing a cute jumpsuit of a shark.
"Who is she?" tanong niya kay Leidon habang hawak ang larawan ng napakacute na bata.
"You will know who she is when you remember her. She's waiting for you to remember her, Lovie. Don't make her wait 'cause she'll probably get mad. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit si UK." Nginitian siya ni Leidan bago ito umalis.
Naiwan siya sa kusina na nakatitig sa larawan ng bata habang iniisip kung sino ang batang iyon.
"UK?"
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Don't forget to hit the star button.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
Ficción GeneralAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...