07 - Catching Up

2.6K 80 6
                                    

 
  
   
IT WAS HARD FOR LOVIEL TO stay with the man who doesn't remember her. Pero pinangako niya na tutulungan niya si Leidon na makaalala kaya hindi dapat siya sumuko.

"Loviel, ang hilaw mong asawa ay nariyan na."

Napalingon si Loviel sa ate Layzel niya na nakatingin sa labas ng restaurant nila kung saan huminto at nagpark ang isang kotse. Kilala niya ang kotseng iyon. It was Leidon wearing his usual good looking face. Habang tumatagal ay ibang tao ang nakikita niya rito. Hindi na si Leidan ang nakikita niya kundi ibang tao na kamukha ni Leidan. Malapit na niyang isipin na tama ang ama ni Leidan.

Kahapon lang ay hiningi sa kanya ng ama ni Leidan ang baso na ginamit ni Leidon para sa DNA testing. Nagdududa talaga ang mga ito sa pagkatao ng lalaking kamukha ng anak nila. Hindi masisisi ni Loviel ang mga Biancaflor dahil isang taon na nga naman na tanggap na ng mga ito na wala si Leidan tapos ngayon biglang magpapakita ang lalaking kamukha nito at walang maalala. Maraming nangyari sa pamilya Biancaflor para magtiwala ng basta-basta sa mga kung sinu-sinong tao.

"Hindi mo ba sasalubungin ang asawa mo?" Muling tanong ng ate ni Loviel. "Alam mo kung hindi ko lang kilala ang totoong Leidan, iisipin ko na napakaswerte mo sa asawa mo dahil maliban sa gwapo na at mayaman ay napakabait pa."

Pinagmasdan nilang magkapatid si Leidon na may kinuha sa backseat ng kotse.

Ganoon na lamang ang kilig at pamumula niya nang makita kung ano ang kinuha ng lalaki mula sa backseat.

"Whatda! Loviel, flowers and chocolates from your husband." Layzel's ear-splitting voice echoed in her ears. "Hindi talaga ako naniniwala na si Leidan 'yan! Leidan won't do such sweet thing on you dear sister."

Sang-ayon si Loviel sa sinabi ng kapatid. Leidan gave her flowers but not personally. Lagi nitong pinapadala sa personal assistant nito ang mga flowers and chocolates na binibigay nito na may kasama pang threat kapag hindi niya tinanggap.

"Tumigil ka nga d'yan, ate. Hindi naman talaga natin alam kung siya ba talaga si Leidan o hindi. Wala ngang maalala 'yong tao 'di ba?" sabi na lamang niya upang itago ang kilig na nararamdaman. Napapangiti siya na ewan habang pasulyap-sulyap sa lalaking naglalakad na papasok sa restaurant.

Hindi maintindihan ni Loviel pero natataranta siya. Pakiramdam niya ay isa siyang teenager na napansin ng crush niya.

"Paano kung siya nga si Leidan at nainlove ka sa kanya tapos bumalik ang alaala niya at bumalik din ang dating siya, would you still love him?" Nalungkot bigla si Loviel sa tanong ng kapatid.

"Yan din ang iniisip at kinakatakot ko, ate. Kaya minsan pinagdarasal ko na sana hindi siya si Leidan. Alam kong mali pero sana hindi siya ang asawa ko. I can't love and unlove a man easily." Napatuwid siya ng upo nang tumunog ang bell ng pinto ng restaurant. Senyales na may pumasok at alam ni Loviel na si Leidon iyon.

Loviel stood up unconsciously and looked at her reflection in the desk mirror of her sister.

"Maganda ka, sis. Huwag nang magpaganda."

Pinandilatan ni Loviel ng mata ang kapatid sa biro nito.

Ilang sandali pa ay nasa harap na niya si Leidon at inaabot sa kanya ang bulaklak at chocolates. Para siyang maiihi sa sobrang kilig. Pinipigil lamang niya na mapangiti dahil baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Pigilin mo pa, Loviel.

"Para saan ito?" tanong ni Loviel at tinanggap ang bulaklak at tsokolate.

Lihim na napangiti si Loviel habang inaamoy ang bulaklak. It was her favorite flower. Tulips and roses.

"Para sa pagtatyaga na matulungan akong maibalik ang alaala ko. Besides, ito naman 'di ba ang ginagawa ng isang asawa? Ang pasayahin ang kanyang asawa sa pamamagitan ng mga bulaklak na paborito nito."

"Ayieee!" tili ng kapatid ni Loviel.

Pinandilatan naman ni Loviel ito habang hindi mapalis ang ngiti sa labi. Pakiramdam ni Loviel ay may isang dosenang paru-paro ang kumikiliti sa tiyan niya.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito, Leidan."

"Bakit naman?" Bumalot ang pagtataka sa mukha ng lalaki.

"Hindi kasi ako sanay na ganito ka. Hindi mo naman ito ginagawa dati." May lungkot na wika ni Loviel.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Leidon sa sinabi niya kaya agad niyang binawi ang mga sinabi.

"Pero salamat pa rin dahil naalala mo ang paborito kong bulaklak. Mukhang may improvement ang catching up natin sa memories mo." Nakangiting wika ni Loviel ngunit hindi nito nabago ang ekspresyon ng mukha ni Leidon. Kaya iniba na lamang niya ang topic. "Gusto mo bang magtungo kay Paulin?"

Simula kasi nang mabanggit ni Loviel si Paulin kay Leidon ay hindi na nito tinantanan ang dalaga sa kakatanong kung sino si Paulin sa buhay ni Leidon.

"Okay lang ba sa iyo na puntahan natin siya? Sabi mo siya ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ka ba nagseselos?"

Loviel chuckled as she grabbed her purse.

"Halika na." Hinila ni Loviel ang kamay ni Leidon papalabas ng silid.

Hinila niya ito hanggang sa kotse nito. Si Loviel ang pumwesto sa driver's seat at pinasakay naman nito si Leidon sa tabi nito.

"Ako na ang magmamaneho para mabilis tayong makapunta kay Paulin," wika ni Loviel saka pinaandar ang kotse at nagmaneho.

Si Leidon naman ay nakakunot lamang ang noo na nakatingin kay Loviel.

"Hindi mo siguro talaga ako mahal bilang asawa mo." Maya-maya ay wika ni Leidon.

Napatingin naman si Loviel rito.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Eh kasi hinahayaan mo ako na makita si Paulin. Kung mahal mo ako at ikaw ang asawa ko, hindi mo dapat ako hinahayaan na makita ang ibang babae."

Mahinang natawa si Loviel sa sinabi ni Leidon. Lalo namang nagtaka ito sa naging reaksyon niya.

"Malapit ko nang isipin na hindi naman talaga tayo mag-asawa." Nakanguso na turan ni Leidon na mas ikinatawa ni Loviel.

"Malalaman mo mamaya kung bakit okay lang sa akin na magkita kayo ni Paulin kapag nakarating na tayo sa ating pupuntahan," wika ni Loviel na hindi pa din nawawala ang pilyang ngiti sa labi. Natagawa talaga siya sa mga naiisip ng lalaking kamukha ng kanyang asawa.

Hindi na umimik pa si Leidon sa halip ay itinuon na lamang ang pansin sa dinaraanan nila. Hindi na din nagsalita pa si Loviel hanggang sa marating nila ang lugar kung nasaan si Paulin.

"Bakit tayo nasa sementeryo?" Naguguluhang tanong ni Leidon kay Loviel.
To
"Para bisitahin si Paulin," kaswal na tugon ni Loviel qr ang kotse.

Nakita naman ni Loviel ang gulat sa mukha ng kasama. Inaasahan na niya na ito ang magiging reaksyon ni Leidon dahil hindi nga nito naaalala ang kahit na ano tungkol sa nakaraan nito.

"Dito nakatira ang babaeng pinakamamahal ko? Supolturero ba si Paulin? Nagkagusto ako sa supolturero?" Paniniguro ni Leidon sa sinabi niya.

Loviel cackled. Napakunot naman ang noo ni Leidon.

"Yes and no." Natatawang pinatay ni Loviel ang makina. "Let's go."

Bumaba si Loviel ng sasakyan. Sumunod naman agad si Leidon na nagtataka pa rin kung bakit sila naroon.

"Seryoso ka ba na nandito si Paulin?" tanong ni Leidon habang naglalakad sila.

Sumeryoso naman ang natatawang mukha ni Loviel. Huminto siya sa tapat ng isang puntod.

"Yes," sagot ni Loviel sa tanong ni Leidon.

Sinundan ni Leidon ang tinitingnan ni Loviel at doon ito naliwanagan. Binasa ni Leidon ang pangalan na nakaukit sa lapida.

"Maria Paulin D. Gonzalez." He read out loud.
"Died: December 20, 2017. Paulin is dead?"

Loviel nodded.

Halos hindi naman makapaniwala si Leidon sa nalaman. Kung patay na si Paulin, sino ang buhay na Paulin sa alaala niya? Napuno ng tanong ang isipan ni Leidon habang nakatitig sa lapida  ni Paulin.

Sino ka ba Paulin?
 
 
  
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alluring Mrs. BiancaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon