LOVIEL WAS IMPATIENTLY waiting for Leidon at their doorstep. Pagkatapos kasi na kausapin nito ang tumawag kaninang umaga ay nagpaalam ito na aalis sandali dahil may mahalagang tao na kakausapin. Ngunit halos maggagabi na ay wala pa ito.Leidon also advised her not to leave the house without a security. When she asked why, hindi ito sumagot sa halip ay hinagkan siya sa pisngi saka umalis.
"Miss Loviel, pinapasabi po ni Master Lei na gagabihin daw po siya ng uwi kaya huwag niyo na daw po siyang hintayin." Napataas ang kilay niya sa sinabi ng isang katulong.
Bakit kaya ito ang nagsasabi sa kanya non? Leidon could have called her directly.
"When did he say that?" Here comes her irritated side.
"Kakatawag lang po ni Master Lei kay Manang Esther. Pinapasabi po iyon ni Master Lei sa inyo."
"No. Hindi ako aalis dito unless siya mismo ang tumawag sa akin para sabihin yon. Tell him that." She crossed her legs while sitting on the chair on the deck of the house.
"Sasabihin ko po kay Manang."
Agad na umalis ang katulong at nagtungo sa maid's quarter. Ilang sandali pa ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Leidon.
"Alam mo naman pala ang number ko, bakit kina manang ka pa tumatawag? Is that how you treat your wife, Mr. Cardinal?" Bungad ni Loviel nang sagutin ang tawag.
Leidon on the other line can't help but smile. Kahit papaano ay nararamdaman nito na unti-unti nang bumabalik ang demanding niyang asawa.
"You really sound like my wife now, Mrs. Cardinal. Are your memories back?"
Napanguso si Loviel sa tanong ni Leidon.
"I hope so. Gusto ko nang maalala ang lahat. By the way, do we have a child, Leidon? May mga naaalala akong isang batang babae. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya but she called me Mommy. Do we have a child?"
Biglang tumahimik ang kabilang linya. Akala ni Loviel ay binabaan siya ni Leidon ng tawag kaya nagsimula na naman siyang mainis rito.
"I'm coming home. Wait for me there, Lovie." Pagkasabi non ay nawala na ito sa kabilang linya.
Ilang minuto lang ay isang nagmamadali na Leidon ang dumating lulan ng kotse nito. Agad itong bumaba ng kotse ng makita siya.
"How much do you remember, Lovie? Do you remember the child's face?" Agad nitong tanong nang makalapit sa kanya.
Nabigla naman siya rito kaya hindi agad nakasagot si Loviel.
"Do you remember the face of the child, Lovie?" Ulit nito.
"I don't know. Malabo ang mukha ng bata pero malinaw na tinawag niya akong Mommy. May anak ba tayo? Anak ba natin ang picture ng bata na pinakita mo sa akin?"
Sumilay ang ngiti sa labi ni Leidon habang siya ay naghihintay sa sagot nito sa mga tanong niya.
"Yes, she's our child. Siya si UK."
Natutop ni Loviel ang bibig sa sobrang pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Naluluha siya na natatawa. Masaya siyang malaman na nagsilang pala siya ng isang supling sa mundo. That was her greatest dream, to bring life to Earth. Nagawa na pala niya ito ngunit hindi lamang niya maalala. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot.
"Gaano katagal na akong may amnesia? I mean gaano katagal na simula ng itago ako ni Leidan?" She was too curious to know how long her child had been living without her.
"Three years. You were abducted the night Paulin died."
Mas lalo siyang nagulat sa isiniwalat ng asawa.
"What do you mean?" Nagugulumihanan niyang tanong.
Hindi sumagot si Leidon sa halip ay nagpalinga-linga ito sa paligid. Isa-isa nitong tiningnan ang mga bantay na inilagay niya sa bawat sulok ng kabahayan saka tinawag nito si Walton na agad namang lumapit sa kanila.
"Bring more men here and secure the area." Utos ni Leidon kay Walton na agad na sinunod ng huli. "Let's get inside the house, Lovie. Mas makabubuti kung doon natin pag-usapan ang tungkol kay Paulin."
Pumasok nga sila sa loob ng kabahayan para ipagpatuloy ang pag-uusap. Sa lihim na silid siya dinala ni Leidon kasama ang lahat ng kanyang mga litrato na naroon.
"Bukas ay ipapalabas ko na ang mga ito sa mga maid. Ipapabalik ko sa dati nilang kinalalagyan just like where you wanted them to be." Tukoy nito sa mga litrato niya.
Hindi naman niya pinagtuunan ng pansin ang sinabi nito. Gusto niyang malaman ang koneksiyon nila ni Paulin dahil alam niyang malaki ang parte ni Paulin sa buhay ng dumukot sa kanya.
"Anong kinalaman ng pagkawala ko sa pagkamatay ni Paulin?" tanong niya kay Leidon.
"I received a call earlier this morning from my informant. He told that information about Paulin. Noong gabi na maaksidente si Paulin ay may nakabungguan siyang kotse. The driver of the other car was you. Paulin died on the spot while you had a severe injury in your head that resulted to amnesia. Leidan took the blame on you and made you pay for Paulin's death. Hindi matanggap ni Leidan na nagpakamatay si Paulin at nadamay ka lang. Binayaran niya ang mga pulis para ipalabas na nabunggo sa puno at nahulog sa bangin ang sinasakyan ni Paulin. Hindi sinabi ng mga pulis na may nakabungguan ang kotse ni Paulin. Ang mga kinikilala mong pamilya ngayon ang tanging witness ng pangyayari at hawak din sila ni Leidan sa leeg."
Hindi makapaniwala si Loviel sa mga sinabi ni Leidon. Ibig sabihin ang buhay na alam niya ay gawa lamang ni Leidan. Kaya pala laging mainit ang dugo nito sa kanya dahil siya ang sinisisi nito sa pagkawala ni Paulin. Everything makes sense now.
"Kung ganoon ang pangyayari paanong naging abduction ang pagkawala ko?" Muli niyang tanong.
"Weeks after you disappear, someone called us asking for money in exchange for an information about your whereabouts. It was a woman. We never had a chance to locate her dahil sa connections ni Leidan. Pero kanina nalaman ko na ang babaeng tumawag na iyon sa amin ay ang kinikilala mong nakatatandang kapatid, si Layzel. Layzel tried to save you pero nalaman ni Leidan kaya ipinadala nito ang ate mo sa Greece para hindi masabi sa kahit na sino ang tungkol sa tunay na nangyari sa iyo."
Kaya pala hindi niya madalas makita noon ang nakatatandang kapatid pero madalas itong tumawag at kausapin siya kaya naging malapit sila sa isa't isa. Kahit noong kasal nila ni Leidan ay wala ito. Ang sabi ng kanyang mga kinilalang magulang ay abala ito sa pag-aaral ng bago nilang negosyo. Noong mamatay lamang si Leidan ito nakabalik ng bansa.
"Ibig sabihin hindi talaga obsessed sa akin si Leidan katulad ng sinasabi ng magulang nito. Gusto niya akong parusahan kaya hindi niya ako nilulubayan. Isa rin siguro sa dahilanang kamukha ko si Paulin." Loviel realized afterwards. Ngayon niya napagtatanto ang tunay na dahilan ng malupit na trato sa kanya ni Leidan.
"Binuhay ni Leidan sa iyo si Paulin dahil magkamukhang-magkamukha kayo. Paulin was your twin sister."
Namilog ang mata niya sa gulat. Akala niya ay nakakagulat na ang katotohanang may koneksyon ang nangyari sa kanila ni Paulin. May mas nakakagulat pa palang rebelasyon kaysa dito. Hindi siya agad na nakaimik nang sabihin iyon ni Leidon.
"Kakambal ko si Paulin?"
~~~~~~~~~~~~~
Thanks for voting.
BINABASA MO ANG
Alluring Mrs. Biancaflor
General FictionAn hour after their wedding, her husband died. It was a sigh of relief for her but not for his family. Sa pag-aakala na wala na ang taong nagpahirap sa kanya at sa pamilya niya ay saka naman ito muling magpapakita. Worst is, hindi nito naaalala ang...