19 - Reunion

2.6K 78 1
                                    

 
 
  
  
LOVIEL woke up feeling sore down there. Sa pagkakatanda niya ay hindi lamang siya isang beses inangkin ng asawa. It was thrice or four times as she remembered.

Wala na sa tabi niya si Leidon ng magising siya. Tinatamad siyang bumangon ngunit kailangan niyang maligo dahil amoy sex pa siya.

God, the one they had last night was a first time.

Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi.

She walked naked towards the comfort room and took a hot shower. Nang matapos ay nagsuot lamang siya ng cotton shorts at simpleng t-shirt. Sa hubog ng kanyang katawan walang mag-aakala na may anak na siya.

Napatingin siya sa pinto nang silid nang may marinig na hiyaw ng isang bata.

Kilala niya ang boses na iyon. Mabilis siyang lumabas at nagtungo sa living area.

Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita ang isang batang babae na nakikipagkwentuhan kay Leidon. Nangilid ang kanyang mga luha nang makita ang matagal na niyang gustong mayakap.

"UK." Tawag niya sa bata na agad namang lumingon sa kanya.

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ng bata.

"Mommy!!" Tumakbo ito palapit sa kanya na sinalubong niya ng mahigpit na yakap.

"Oh, God. I missed you, baby." Hinagkan niya ang anak ng maraming beses sa mukha. Pinupog niya ito ng halik like she always did.

"I missed you too, Mommy. Ang tagal mo po nawala. Saan ka ba galing, Mommy?" Nakakunot ang noo ni UK na tumingin sa kanya.

Pinahid niya ang mga luha saka ngumiti sa anak.

"Mommy had been through something, baby. It was a long story but the important thing is I'm here. Mommy is here. Mommy will not keave you again." Muli niyang niyakap ang bata.

Sobra niya itong namiss. Dalawang taon lamang ito nang maaksidente siya pero ngayon limang taon na ito kung hindi siya nagkakamali.

Kumalas sa yakap niya si UK at tinapunan ng tingin ang isang babaeng nakaupo sa couch at nakamasid sa kanila. It was her cousin, Gwenette.

Anak ito ng nag-iisang kapatid ng kinilala niyang ama na umampon sa kanya. They're not blood related but she is still a family.

"See? I told you mommy is still alive, Tita Gwen." UK stuck out her tongue to Gwen.

"Baby, that's not nice." Saway niya sa anak.

"It's fine. Sanay na ako kay UK." Nginisian siya ni Gwen.

"No, that's not fine." Binalingan niya ang anak na nakanguso na naman. "UK, stucking out your tongue to people is not nice, okay? Promise you won't do it again."

"I am sorry, mommy."Naiiyak na yumuko ang bata.

"Ikaw naman, Loviel. Para sa simpleng bagay pagagalitan mo na kaagad ang bata. Come here, UK. Tita is not mad at what you did."

Nagdadalawang isip na tumingin si UK sa kanya at kay Gwen. Kinukonsinte ng kanyang pinsan ang maling gawa ng bata at hindi siya sang-ayon dito. She looked at Leidon asking for a word to stop the woman.

"Your mommy is right, UK. It's not right. But you can make it right by saying sorry."

Marahang tumango ang bata at lumapit kay Gwen.

"I am sorry, Tita."

"It's okay, UK." Gwen squeezed UK's cheeks. Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Gwen.

What was that look for?

"What are you doing here, Gwen?"

The woman gave her a sly smile. "Hinatid ko lang naman ang anak mo dito, Loviel. Aside from that, I took care of her while you're living a life without her. You should thank me for that."

"Stop it, Gwen. Nobody asked you to do that." Bakas sa mukha ni Leidon ang inis sa babae and she's wondering why.

Alam naman niyang hindi malapit si Leidon sa adopted family niya pero hindi naman to the point na maiinis at magagalit siya sa mga ito.

"Yes, nobody asked me to because I did it for you, Leidon."

Namilog ang mata niya sa sinabi ni Gwen. Tama ba ang nasa isip niya ngayon? Did her husband cheated on her with Gwen?

Ayaw niyang pangunahan ng pagdududa ang lahat kaya tumingin siya ng diretso sa asawa.

"Anong ibig niyang sabihin, Leidon? Did you..?" Halos hindi niya maituloy ang sasabihin dahil naroon ang kanilang anak.

So she called Walton that hurriedly came to her.  "Pakihatid si UK sa kwarto niya."

Binalingan naman niya ang anak. "Go to your room, baby. I have a surprise for you there."

Masiglang tumakbo patungo sa silid nito ang bata. Noong wala na ito ay tinapunan niya ng tingin ang dalawang nilalang na kasama niya.

"May kailangan ba akong malaman, Leidon?" Mahinahon niyang tanong sa asawa.

"Yes, Loviel. You need to know what happened —"

"I said stop it!" Natigalgal si Gwen sa pagtaas ng boses ni Leidon. Maging siya ay nagulat sa naging reaksyon ng asawa.

"Get out of my house, Gwen before I lost my control." Leidon gave her cousin a warning look.

Natakot naman ang kanyang pinsan kaya nagmamartsa itong umalis. Nang wala na ito ay hindi pa rin kalmado ang asawa. Ayaw niya na mag-away sila kaya mahinahon niya itong tinanong.

"Love, I will believe to whatever you say. So please tell me what I need to know." Sinapo niya ang pisngi ng asawa at pinihit ito paharap sa kanya. "Did you and Gwen had an affair while I'm gone?"

Pinipilit niyang huwag humalagpos ang galit dahil nasesense niya may namagitam sa dalawa. Hindi lamang niya tiyak kung hanggang saan ang namagitan sa mga ito.

"Mali ang iniisip mo, love. Hindi kita magagawang lokohin." May pakiusap sa tinig nito habang nakatingin sa mga mata niya.

"I know that, love. Alam ko na hindi mo magagawa 'yon pero bakit nasabi iyon ni Gwen kanina? May hindi ba ako alam na nangyari habang wala ako."

Leidon took a deep breath. He inhaled sharply.

"Ilang buwan mula nang mawala ka, hindi ko alam kung paano magsisimula. Halos gabi-gabi akong lasing at hindi makausap. UK stayed at my parents every time I got drunk. Then one day, Gwen came into my doorstep. She offered help in taking care of UK. Dahil pinsan mo siya ay hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. She took care of UK. Until one night, I was drunk. Gwen jumped on me and kissed me. The next day, I woke up naked with her on my bed. Hindi ko maalala kung may nangyari sa amin pero maniwala ka, hindi kita niloko. I am sure nothing happened between us but she's insisting that I took advantage of her while I'm drunk." Nakita niya ang kaguluhan sa isip ng asawa.

Based on what Leidon said, it was clear that he doesn't remember anything that night. Sigurado siyang isa kay Leidon at Gwen ang nagsisinungaling. Aalamin niya kung sino ang nagsisinungaling sa mga ito.

"I believe you, love." Sambit niya saka niyakap ang asawa.

Yes, she believes her husband. Why? She knew Leidon more than anyone else in the world. She knew every meaning of his breath.

"Thank you, my wife."
 
 
 
 
  
~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued...

Alluring Mrs. BiancaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon