CHAPTER 2

48 4 0
                                    

CHAPTER 2

Pinagtitinginan kami ng mga tao habang ako ay nakatayo sa sobrang gulat.

"Did you expect na hindi ko yun gagawin?"

Tiningnan ko ang crush ko na patuloy sa pag kulikot sa cellphone niya, hindi man lang siya tumingin sa aming dalawa. Kahit na nagigilid na ang luha ko dahil sa kahihiyan ay nag pakatatag ako.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko SORRY PO"

Diniinan ko patalaga ang sorry para naman matauhan ang linta nato, and as expected namula ang mukha niya dahil sa galit. Hehehe buti nga sayo hinayupak ka! Nasa amiin parin ang attensyon ng lahat ng tao pero kahit na! Inaagaw ng babaeng ito ang Baby ko.

napatawa ng mahina ang babae at sa hindi inaasahan ay sasampalin niya ako kaya naipikit ko ang mata ko.

"And what the hell are you doing?"

Tiningnan ko kung sino ang nag salita at hindi nga ako nag kakamali babaeta ang sumaklolo sa akin. Hahawak niya ang braso ng babae. Halata rin na mahigpit ang pagkahawak niya sa braso ni slut dahil nag iba ang itsura niya. I gulped and looked at Keith, tae! alam kung maganda ako pero bakas sa mukha niya na hindi niya sasantuhin ang hinayupak na ito.

"Hey young lady i'm asking you" Matigas na sabi ni Keith.

"O-ouch let go of me!"

"Tsk! Sabihin mo muna sa akin kung ano ang pinaplano mo"

"Keith let her go"

Tiningnan namin si Crush na ngayon lang nag salita. Tumaas ang kilay ni Keith at binitawan ang braso ng linta napa busangot ako dahil sa ginawa niya. Tsk! ayos na sana eh! Pasalamat ang lintang to na maganda ako.

"Okay fine!"

Yun ang sabi ni Keith at hinila ang kamay ko. Wala naman akong nagawa kasi mahigpit an ghawak niya sa akin. Alam ko ring nakangisi na ang slut ngayon na mas nag papainit ng ulo ko. Hayst pasalamat talaga siya at  TAkot si magandang ako sa monster na nag ngangalang Keith.

Pumunta kami sa mga locker at kumuha ako ng pang bihis. Tae naman oh! bagong laba yung uniform ko tapos namantyahan niya. I pouted while looking at my Crush's picture. Huhuhu bakit niya ipinag tanggol ang lintang yuun?

"Wag ka ngang mag pout diyan! Kung hindi mo sana binuhusan ng tubig ang malditang yun edi sana malinis ka pa!"

"Keith naman eh! Akala ko ba support ka?"

"Eh akala ko hanggang bunganga lang kayong dalawa eh! Hindi mo naman sinabi na gusto mong makipag rambulan."

"Eh nandyan kanaman eh!"

"Huh?! Ano ang ibig mong sabihin na nandito ako. FYI! Ayaw kong sirain ang maganda kung reputasyon na kasing ganda ng ko! Hello nakalimutan mo bang may Crush rin ako! At ayaw ko ring sangkot sa gulo dahil lang sa pagka obssess mo!"

Halos mabingi ako dahil lakas ng boses ng babaeta, hayst pasalamat siya at maganda ako at walang tao sa paligid. Nag peace sign ako sa kanya na ikina roll eyes niya. Hayst kung patarayan lang ang pag uusapan walang makakatalo sa kanya.

"Hey!"

Napantig ang tenga ko nang marinig ko ang boses ni Crush kaya inayos ko ang sarili ko. Dis is it pancit! Mapapansin na talaga ako ni crush!

"B-bakit?"

Tanong ko ka crush. Walang emosyon na tumingin sa akin si Crush pero hindi nag tagal yun dahil tiningnan niya si Besprend

"Keith!"

"B-bakit?!"

"Mag uusap lang kami ni... What's your name again?"

Cold na tanong niya. Biglang nag laho ang ngiti ko sa tanong niya. The F?! hindi niya ako kilala? Oh my gesh! ang tagal tagal ko nang naging maganda tapos hindi nia ako kilala?!

"O-okay Ausust! Besh! Alis muna ako ha?"

Nebyos na sabi ni Keith. Anak ng polar bear! Iiwan niya ako?! Tae naman oh! hinawakan ko siya para patigilin siya pero tinanggal niya iyo at umalis. Ehhh! Ang duga!

Tiningnan ko si Crush na nakatingin sa akin i bit my lip at tyaka nag pa cute sa kanya. Huhuhu sana talaga may pag asa ako!

"Ano ang gusto mong pag usapan natin?"

"Huwag mo nang guluhin ang buhay ko.."

"H-ha?"

Huminga ng malalim si August habang ako ay nakatulala lang sa sinasabi niya.

"Ang sabi ko huwag mo nang guluhin ang buhay ko! Nakaka irita ka na eh! Sunod ka ng sunod sa akin sumusulpot kung saan-saan. Just give me peace."

Nangingilid na ang mga luha ko for the second time habang tinitingnan kung lumlayo sa akin si August. Ganun na ba talaga ako ka Clingy sa kanya? Akala ko ba... Akala ko ba may pag asa ako?

Hindi ko napigilan ang pag hikbi dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Sobrang sakit! Parang gusto ko nang mamatay.

"Sabi ko nang heartbreak lang ang dadalhin ng lalaking yun sayo eh!"

Agad akong tumingin sa likod ko. Pak sheyt anak ng tinula naman oh!

"K-kuya" Yun lang ang tanging na sabi ko.

My neighbor,My crush (Still Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon