Chapter 9

33 5 0
                                        


"Isang umaga nagising si nico nasa simenteryo na naman siya"

"Sumigaw si Rica"

RICA: Goodmorning nicooo
NICO: Goodmorning din rica.
RICA: kamusta kana nico? tagal mong nawala dito ah, alam mo ba na namiss kita?
NICO: hohoyyy namiss mo ako?
RICA: Oo naman. kasi simula nong nawala ka dito, nawalan narin ng cute na kaluluwa dito sa simenteryo.

"Biglang napatawa si nico sa sinabi ni rica"

RICA: ako ba namiss mo? yung pinakamagandang kaluluwa na nakilala mo.
NICO: namiss naman kita rica.
LIAM: awww si Rica lang? paano naman ako? yung gwapo mong kaybigan.
NICO: syempre ikaw din naman namiss ko.
RICA: Oo nga pala nico, 'diba kaya ka nawala dito, kasi isinama ka ni kyle sa kanila. e bat ngayon nandito kana ulit? parang may masama akong kutob ah.
LIAM: nako feel nag away sila ni kyle.
NICO: paano niyo nasabi?
LIAM: Isipin mo, bakit ka babalik dito kung okay naman kayo ni kyle.
RICO: oo nga naman may point si liam. ano ba pinag awayan niyo?
NICO: hindi kami nag away meron lang kaming hindi pagkakaintindihan pero naayos naman yun bago ako bumalik dito.
RICA: naayos naman pala e, bat ka nandito?
NICO: hindi ko din alam, bigla nalang akong nanghina tas unti-unting naglalaho then pag gising ko nandito na ulit ako kasama niyo.
LIAM: Nakaramdam ka ng panghihina?
NICO: Oo, bago ako maglaho.
LIAM: e masakit na ingay sa tenga nakakarinig kaba?
NICO: oo nakarinig din ako bago ako maglaho.
LIAM: alam mo ba nico, sabi ng matatandang kaluluwa dito, once na makarinig ka ng ingay na masakit sa tenga at nakaramdam ng sobrang panghihina , ibig sabihin nun malapit kalang sa taong may alam sa pagkamatay mo.
RICA: totoo ba ang sinasabi mo liam?
NICO: Rica totoo ang sinasabi ni liam.
RICA: ha nico? naniniwala ka diyan?
NICO: yung totoo rica, kaya ako nandito mas makabubuti ito sa amin ni kyle. lalo na't ngayon alam ko na kung sino yung taong may alam sa nangyari sa akin.
LIAM: goodnews yan nico, atleast ngayon may idea kana, kung sinong tao ang pupuntahan mo para malaman mo ang totoo nangyari sayo, magpatulong ka nalang kay kyle para maka-usap mo yung tao nayun.
RICA: oo nga nico good news yan , alam mo ba kung san nakatira yung tao nayun, at kung paano mo siya mahahanap?
NICO: Madali lang siya hanapin rica, kasi kilalalang kilala ko siya.
RICA: yun naman pala e, wala kanang problema nico, madali nayan.
NICO: Sana nga rica ganun lang kadali , kagaya ng iniisip natin.

"Ilang saglit pa, napansin ni Rica at Liam na parang kakaiba si nico, naparabang hindi siya masaya na nalaman niya kung sino yung taong malalapitan niya para malaman ang totoong nangyari sa kanya."

LIAM: nico ayos kalang ba?
RICA: Oo nga ayos kalang ba?bat parang hindi ka masaya?

"Nagulat si Liam at Rica dahil bigla nalang naglaglagan ang mga luha ni nico"

LIAM: nico bro, anong problema, kwento ka samin handa kami makinig sayo.
NICO: Mahal ko na si kyle e. hindi ko nga alam kung dapat ko pabang ipagpatuloy itong nararamdaman ko para sa kanya, lalo na't may natuklasan ako na pweding makakasakit sa aming dalwa pag nalaman niya.
LIAM: ano ba yung natuklasan mo na pweding makasakit sa inyong dalwa.
NICO: Mahal namin ni kyle ang isat-isa. Ang sakit lang kasi kahit alam naming dalwa na hindi na ako magtatagal sa mundong ito, hinayaan namin na mahulog ang loob namin sa isat-isa. Madami kaming nabuong magagandang ala-ala at patagal ng patagal nasasanay kaming dalwa na lagi kaming magkasama. ayaw ko na siyang iwan, ayaw ko ng wala siya sa tabi ko, pero kaylangan namin tanggapin na magkaiba kami at magkaiba ang mundo namin. kaya kahit masakit para sakin na wala siya sa tabi ko, mas masakit sakin na iwan ko siya lalo nat nasanay siya na nanduduon lang ako lagi sa tabi niya. hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang sakit para sakin na iwan siya sa mundong ito pero wala akong magawa pag yung nasa taas na ang tumaaag sakin.
RICA: e ano pa ginagawa mo dito? bumalik kana dun at lubusin mo na ang mga oras at araw na magkakasama kayong dalwa. kesa nagmumokmok ka dito
NICO: hindi pwedi e.
LIAM: bakit naman hindi pwedi?
NICO: Baka masaktan siya pag nalaman niya yung natuklasan ko.
RICA: e ano ba yang natuklasan mo?
NICO: paano ko sasabihin kay kyle, na ang taong hahanapin namin na mayroong alam sa nangyari sakin ay ang sarili niyang ama na dati kong boyfriend.
RICA: ha? Ama ni kyle boyfriend mo dati?
LIAM: seryoso kaba?
NICO: Oo seryoso ako. noong nakita ko yung muka ni edward, bumalik sa'kin lahat ng masasayang ala-ala namin noong nabubuhay pa ako. siguro kaya magaan ang loob ko kay kyle simula pa noon dahil anak pala siya ng dati kong boyfriend. hindi ko na alam ang dapat kong gawin, mahal namin ni kyle ang isat-isa, paano pag nalaman niya na ang papa niya ay ang dati kong boyfriend. sigurado ako masasaktan yun.
LIAM: siguro ngayon nico masasabi ko tama ang naging desisyon mo na magpadito kana lang muna, para makapag isip-isip ka sa dapat mong gawin.

 "I'm still existing"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon