"Isang maingay na umaga ang sumalubong kay kyle at nico, dahil nag datingan ang mga kaybigan ni Kyle. sina Rose, Mel and Anthony. Si Rose siya lang yung babae sa grupo nila, pero siya yung pinaka magaling mag advice. Si Jasper naman siya yung pinakatahimik sa grupo nila pinaka matalino at merong lihim na pag tingin kay Kyle. Si anthony naman siya yung Joker sa grupo na trouble maker din"
"Pumasok itong tatlo sa condo ni kyle para sunduin si kyle at isabay papuntang paaralan"
"pumasok yung tatlo sa kwarto"
ROSE JASPER&ANTHONY:(Sumigaw) Kyleeeeeeee
KYLE:(Nagulat at biglang napabangon si kyle) yahhhhh"Dahil sa sigaw ni kyle nagising na din si nico"
ROSE: Kyle abay gising na 6:30 na, nalimutan mo na ba?
KYLE: Nalimutan? ang alin?
ANTHONY: exam natin ngayon kaya nga ako nag review kagabi e.
JASPER: hohoyyy nag review ka?
ANTHONY: Ako paba?
JASPER: bat ka nag review, e bukas pa naman ang exam!"Biglang pinag tawanan ng tatlo si Anthony"
ANTHONY: e ano meron ngayon?
JASPER: maaga tayo pinapapasok ni professor kase may exercise tayo sa P.E kaya pinagdadala tayo ng P.E uniform.
ANTHONY: awww wala pa naman ako dalang pang P.E.
KYLE: Dalawa ang pang P.E ko diyan Anthony, hiramin mo na muna yung isa ko.
ANTHONY: pati rubber shoes?
KYLE: oo na kukuhanan kita mamaya sa sapatusan ko.
ANTHONY: The best ka talaga bro
KYLE: alis ka diyan sa dadaanan ko kasi babangon na ako para maliligo at ng makaalis na tayo.
ANTHONY: Sa school kana kumain kyle libre kita total pinahiram mo naman ako ng pang P.E mo
JASPER&ROSE: paano kami?
ANTHONY: bahala kayo sa buhay niyo
JASPER&ROSE: awww
JASPER: okay, edi hindi kita se-send dan ng mga reviewer mamayang gabi para sa exam bukas.
ANTHONY: ikaw naman 'di ka mabiro lilibre ko kayo ni kyle wag kang mag-alala.
ROSE: paano ako?
ANTHONY: bahala ka sa buhay mo.
ROSE: Okay, edi wag ka sumakay mamaya sa cotche ko, mamasahi ka nalang papunta sa School.
ANTHONY: ikaw naman 'di ka mabiro syempre lilibre din kita."Makalipas ang ilang minuto natapos na si Kyle maligo at magbihis, kaya naman niyaya na niya ang mga kaybigan niya na umalis na sa condo at pumunta ng school"
KYLE: Guys tara na
ROSE: let's go, may free breakfast na tayo.
JASPER: tara na.
KYLE: nico aalis na ako ikaw na bahala dito ha
NICO: oo ako na bahala dito.
ANTHONY: ha? sinong kausap mo kyle?"biglang tingin noong tatlo kay Kyle"
KYLE: (Ngumiti si kyle sa tatlo) Wala, wala, sabi ko tara na at mali-late na tayo. guys ano tatayo nalang ba kayo diyan?
"Lumabas na silang lahat sa condo"
"Makalipas nag buong maghapon bumalik na ulit si kyle sa Condo"
NICO: oyy andito kana pala
KYLE: hello nico
NICO: kamusta ang school mo today?
KYLE: eto kakapagod, naparusan pa ng professor kaninang umaga.
NICO: bakit? ano nangyare?
KYLE: na late kasi kami kaninang umaga sa exercise, nawalan ng gas yung cotche ni rose e!
NICO: ah, e paano kayo nakarating sa school?
KYLE: Nag taxi, tapos traffic pa naman kanina."Tumawa ng papigil si nico"
KYLE: wag mo na pigilan tawa mo
"Tumawa ng napakalakas si nico na may halong pang-aasar"
KYLE: nico, pasok muna ako sa kwarto at magbibihis ha!
NICO: Sige sige."Nang matapos na mag bihis si kyle, lumbas na ito sa kwarto dala ang mga reviewer para sa mag review dahil exam na nila bukas"
NICO: kyle, ano yang hawak mo?
KYLE: Reviewer para sa exam bukas
NICO: tara na upo kana dito sasali ako mag review!
KYLE: sige sige, inom lang ako ng tubig tas umipod kana ng kunti para may maupuan ako.
NICO: Sge sge."Habang nag re-review silang dalwa, nakatulog si kyle dahil sa sobrang pagod nito kanina sa paaralan"
NICO: Kyle, tulog kana ba? kyle? kyle? kyle? total tulog kana may mahalaga akong sasabihin sayo! Alam mo ba sobrang saya ko noong nakilala kita, ikaw lang yung kauna kunahang tao na dumalaw sa'kin at nagpasaya sa akin ng ganito, masaya ako tuwing nakikita-kitang masaya, basta ang alam ko masaya ako tuwing nasa tabi kita at kasama kita. Hindi ko alam kung ano tong nangyayare sa akin, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sayo, nalilito ako at hindi sigurado sa nararamdaman ko pero iisa lang ang sigurado ako, Masaya ako sayo( biglang lumaglaga ang luha ni nico) Alam mo kung bibigyan lang ako ng isang kahilingan, hinihiling ko na sana maging tao nalang ako, para masisigurado ko na magkasama tayo hanggang sa dulo ng buhay natin at magkaramay tayo sa lahat ng problema, kaso napaka imposible mangayre nun, kaya nga sinusulit ko ang bawat oras at araw na magkasama tayo, dahil alam din naman natin na hindi ako magtatagal dito sa mundo niyo, kaya gusto ko sa bawat oras at araw na magkasama tayo puro kasiyahan lang ang gagawin natin.
"Biglang hinalikan ni nico si Kyle sa labi kahit natagos siya sa katawan nito"
"After ni nico mahalikan si kyle, tumayo na ito para ikuha ng kumot si kyle sa kwarto, pero lingid sa kaalaman ni nico na gising si kyle at narinig niya lahat ng sinabi nito. ramdaman ni kyle na hinalikan siya ni nico sa labi. dahil 'di alam ni kyle ang kanyang gagawin noong nangyare yun nagpretend nalang ito na tulog"
"Habang naiyak si nico kanina at sinasabi yung mga bagay nayun, maysinasabi din si kyle para kay nico ngunit sa isip niya lang ito sinasabi"
KYLE: Ganun din ako, sobrang saya ko simula noong nakilala kita, kase kahit hindi ka tao ipinaramdam mo naman sa'kin na may mahalaga ako at may silbi bilang isang tao. sana nga naging tao ka nalang e, para lahat ng ginagawa ko ay magagawa mo din, kaso ayukong maging tao ka. Oo sabihin na natin ang selfish ko pero para sayo din naman to. ayukong maranasan mo ang hirap ng pagiging tao. kagaya nalamang ng, pag nagkamali ka huhusgahan ka nila pag maykakaiba sayo huhusgahan ka ulit nila, pag mahina ka lalo ka nilang mas papahinain. sobrang daming responsibilida ng mga tao dito sa mundo, kaya ayuko ko na maranasan mo yung mga bagay nayun. kaya kung bibigyan ako ng isang kahilingan, hiling ko na sana hanggang sa dulo ng buhay ko magkasama tayo, kase alam ko parehas tayong magiging masaya pagmagkasama tayo.
"tumayo na si nico para pumunta sa kwarto at ikuha ng kumot si kyle, tas noong nasa pinto na si nico tumulo naman ang mga luha ni Kyle"
End Chapter 5
Quotation
"kung may nararamdaman kang pagmamahal sa isang tao wag ka matakot aminin ito sa kanya, kasi kung hindi mo ito aaminin sa kanya baka pagsisisihan mo ito sa huli"
BINABASA MO ANG
"I'm still existing"
De TodoAnong gagawin mo kung pagising mo sa umaga ay nasa siminteryo ka? Ang story na'to papaiyakin kayo, papakiligin patatawanin at papaganahin ang imagination niyo. hindi eto kagaya lang ng isang ordinaryo na babasahin, kaya sana basahin niyo salamat t...